Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Critical ang lagay ng isang binatilyo matapos masaksak sa Kaloocan.
00:05Paliwanag ng nanaksak na binatilyo rin, nagdilim daw ang kanyang paningin.
00:10Balitang hatid ni Bea Pinlock.
00:15Sa unang tingin, tila nag-uusap lang ang mga binatilyong ito sa Barangay 14, Kaloocan, pasado alauna linggo ng madaling araw.
00:23Maya-maya, ang lalaking nakasuot ng jersey, bumunot na ng patalim at biglang hinabol ang lalaking nakapulang t-shirt.
00:32Nagtakbuhan na ang iba pang kasama nilang kabataan.
00:35Pero nadapa ang lalaking nakapulang t-shirt, lang maabutan siya ng kaibigan ng lalaking nakajersey.
00:42Dito na nila pinagtulong ang pagsasaksaki ng biktima.
00:46Bibili lang po sana kami ng pagkain ng kapatid ko.
00:49Tapos may mga lalaking sumusunod sa amin. Itong lalaking ito kinausap yung kapatid ko.
00:54Tapos nagulat ako dudukot na po siya ng kutsilyo.
00:58Tapos ayun po, pinagsasaksak niya na.
01:00Nagkitigan daw po ng masama.
01:02So doon na po nangyari yung kaguluhan.
01:04At ito pong suspect ay bigla pong bumunot ng patalim.
01:10At hinabol niya po itong biktima at naundayan niya po ito ng saksak.
01:16Kritikal ang 16-anyos na biktima matapos masaksak sa tagiliran at sa likod.
01:23Ngayon po, aburido ako.
01:25Aburido ako. Hindi ko maintindihan kung ano.
01:29Hindi ko maintindihan kung saan na kong hugutin yung lahat.
01:33Agad naman tumakas ang 16-anyos na nanaksak sa biktima at 19-anyos niyang kasabwat.
01:40Makalipas ang ilang oras, napasakamay rin sila ng mga otoridad.
01:46Hindi rin niya aniya alam na may dala na palang patalim ang kanyang kaibigan.
02:04Paliwanag naman ng minor de edad sa barangay.
02:07Nung nakausap namin, ang sabi niya, tinatanong ko kung anong dahilan.
02:11Ang sagot niya lang po, na-blackout daw siya.
02:13Ayun lang lagi niya sinasabi. Nagdilim na daw yung paningin niya.
02:17Mahaharap sila sa reklamong frustrated murder.
02:20Hawak ng Kaloakan polis ang 19-anyos na lalaki,
02:24habang ita-turnover naman sa bahay pag-asa ang lalaking nanaksak
02:28na itinuturing na child in conflict with the law.
02:31Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended