Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Nasira sa hampas ng daluyong o storm surge ang isang kalsada, seawall at mga kubo na nasa dalampasigan ng San Antonio, Zambales.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasira naman sa kampas ng daluyong o storm surge ang isang kalsada, sea wall at mga kubo na nasa dalampasigan ng San Antonio, Zambales.
00:09Nakatutok doon live si Darlene Kai.
00:12Darlene!
00:15Emily, ngayon lang ulit bumuhos yung malakas na ulan dito sa bayan ng San Antonio sa Zambales.
00:20As in, ilang minuto lang nakakalipas nagsimulang bumuhos yung malakas na ulan buong araw kasi na maganda naman yung panahon dito.
00:27Ang naging problema dito sa bayan ay ang malalaki at matataas na alo na sumira sa ilang kalsada at ilang kubo ng mga residenteng dating nakatayo kung saan mismo ako nakapuesto ngayon.
00:44Ito ang tumambad kaninang umaga sa mga residente ng barangay San Miguel sa San Antonio, Zambales matapos ang magdamag na sama ng panahong dulot ng bagyong emong na pinalakas ng habagat.
00:55Mula sa himpapawid, kita kung paanong winasak ng malalaking alon ang bahagi ng seawall na nagsisilbiring kalsada.
01:05Gumuho ang parte ng kalsada at nauka ang seawall.
01:08Sa hindi kalayuan, may isa pang bahagi ng seawall na wasak din.
01:12Kitang-kita kung paanong nauka yan.
01:15Dagdag ito sa naunang sira sa iba pang bahagi na idinulot ng bagyong krising.
01:20Pero wisyo ang dulot niyan sa mga residente tulad sa pamilya ni Rica na may-ari rin ang resort nito.
01:26Nasa tapat mismo nila ang isang bahagi ng nasirang kalsada.
01:30Sa inisyal na pagtayan ng lokal na pamahalaan, higit 30 metro ng Coastal Road ang winasak ng sunod-sunod na bagyo.
01:37Pero malamang daw na dagdagan pa yan, bunsod ng pinsalang ginawa ng bagyong emong sa magdamag.
01:42Sa buong maghapon, lumalaki ang bahagi ng kalsadang nilalamon ng dagat.
02:02Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng DPWH tungkol dito.
02:07Dagdag pa sa Coastal Road, winasak din ng mga alon ang nasa 30 kubo rito sa puroktubi sa barangay San Miguel pa rin.
02:15Puro kubo dati dito sa kinatatayuan kong bahagi ng baybayin ang puroktubi sa barangay San Miguel.
02:20Pero tulad ng nakikita nyo, wala nang natira na washout at nawasak na ng malalaki at matataas na alon
02:27yung nasa 6 na hilera ng mga kubo rito.
02:31Ilang poste ng kawayo na lang ang natira sa kubo ni Mang Wilson.
02:34Ito po ang pinagagrabing kuan. Panahon dahil langbag yun ang kuan. Nakalipas. Ngayon lang taong na ito ang kuan. Grabe talaga.
02:46Ganoon na lang din ang panlulumo ni Joneline sa pagka-washout ng dalawang palapag niyang kubo na pangunahin nilang pinagkukunan ng kabuhayan.
02:53Dati naman po hindi po ganito eh. Pero ngayon po sumula nung may drejing-drejing na yan.
02:59Eh, wala na. Instead na ibalik niya rito, tinatakpan niya yung mga nabawasan ng lupa doon.
03:08Emily, kinuha namin yung panig ng lokal na pamahalaan tungkol dito sa sinasabing drejing ng mga residente.
03:14Sabi ng mayor ng bayan ng San Antonio ay wala naman daw drejing na nagaganap o ginagawa dito sa bahagi ng dagat na sakop ng kanilang bayan.
03:22Yung pinsala ay dulot lang daw talaga ng masamang panahon ayon na rin daw sa mga ekspertong kanilang kinonsulta.
03:29Emil?
03:30Maraming salamat, Darlene Kai.

Recommended