Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, ganap ng bagyo ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:10Ang update sa bagyong krising, yakatid ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
00:19Salamat, Emil. Mga Kapuso, maging handa at alerto sa masamang panahon sa malaking bahagi po ng bansa dahil po yan sa bagyong krising at habagat.
00:27Huling namataan ng pag-asa ang sentro ng bagyong krising sa layong 625 kilometers silangan po yan ng Viracatanduanes.
00:35Bahagya pong nagbago yung movement at medyo bumagal din kumpara po kaninang umaga.
00:40So ngayon po pa west-southwest na po yan sa bilis na 20 kilometers per hour.
00:45Sa latest track po ng pag-asa, posibleng bumalik pa kanluran saka naman po magiging pa northwest yung galaw ng bagyo sa mga susunod na araw.
00:52So yan po ay palapit dito sa lupa. Ayon po sa pag-asa, posibleng magtaas na rin ang wind signals sa ilang bahagi po ng Cagayan Valley at Bicol Region,
01:01particular na po sa May Catanduanes. Mamaya po yan o kaya naman ay bukas ng umaga.
01:07Tutumbukin po ng bagyo ang hilaga po ng Luzon at posibleng po yung mag-landfall.
01:11Dito po yan sa Mayland Cagayan o di kaya naman kung umangat ng konti, dito po yan sa Maybabuyan Islands.
01:17Biyernes ng gabi o di kaya naman po ay Sabado ng umaga.
01:21Pero depende pa rin po yan. Pwede pa lumakas ang bagyo sa mga susunod na araw.
01:26Maari po yung umabot sa severe tropical storm o kaya naman ay typhoon category.
01:31Buko dito sa bagyong krising, magtutuloy-tuloy rin po ang epekto nitong hanging habagat
01:36o yung southwest monsoon na posibleng palakasin palalo nitong bagyong krising.
01:41Kaya naku mga kapuso, paghandaan po ang maulang panahon sa malaking bahagi ng ating bansa
01:46sa mga susunod na araw.
01:48Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi muna,
01:51noong may mga kalat-kalat po na ulan dito sa Northern at Central Luzon.
01:54Kasama rin po dyan ang ilang lungsod dito sa Metro Manila.
01:59Posibleng po yung maranasan dito sa Mimaropa, ganoon din sa Bicol Region,
02:03Eastern at Western Visayas, ilang bahagi po ng Cebu,
02:06Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Barm, at pati na rin po sa Caraga.
02:11Halos ganyan din po ang inaasahan bukas ng umaga dito po sa Luzon,
02:15lalong-lalo na sa Palawan at pati na rin po dito sa Bicol Region.
02:19Pagsapit po ng hapon, halos buong Luzon na po ang makakaranes sa mga pag-ulan.
02:23May mga matitinding buhos ng ulan pa rin dito po sa Palawan at pati na rin po sa Bicol Region.
02:29Nakikita po ninyo kung saan nakatapat itong kulay orange at kulay pula.
02:33Ibig sabihin po niyan heavy to intense at kaya naman po inaasahan po natin
02:36yung posibleng magpatuloy hanggang sa gabi bukas.
02:39Posibleng pong mababad po kayo sa malalakas sa buhos ng ulan
02:43kaya maging handa sa posibilidad ng mga pagbaha o landslide.
02:47Sa Visayas naman, halos buong araw po may ulan.
02:49Sa halos buong Visayas, mas marami pong ulan dito po yan sa may Negros Island Region,
02:54pati na rin po dito sa Panay Island at dito rin sa may Samar and Leyte Provinces.
03:00Para naman sa mga nasa Mindanao, umaga pa lang po may ulan na dito sa may Zamboanga Peninsula,
03:05Barm, Soxargem, pati na rin po dito sa may Suligaw and Dinagat Island.
03:10Magtutuloy-tuloy po yan sa hapon at meron na rin pong ilan ulan dito po yan sa ilang bahagi po ng Davao Region,
03:16kaya maging alerto po.
03:18Dito naman sa Metro Manila, may chance na rin po ng ulan, lalo na po sa hapon at pati na rin po sa gabi.
03:24Mas maraming mga pagulan po ang inaasahan paglalim ng gabi bukas, kaya naku dobly ingat.
03:29Samantala, isang panibagong sama ng panahon pa ang pusibling mabuo ulit dito sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
03:37sa loob po yan ng susunod na pitong araw ayon po sa outlook ng pag-asa.
03:42Patuloy po natin yung tututukan lalo na kung baka sabay po nito ang bagyong krising dito po sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
03:51Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
03:53Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.

Recommended