Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
Kinailangang ilikas ang ilang residente nang bumigay ang isang dike sa Balanga, Bataan.
Sa bayan naman ng Dinalupihan, patuloy ang paghahanap sa nawawalang bata na hinihinalang naligo sa ilog.
May live report si Oscar Oida.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinailangang ilikas ang ilang residente nang bumigay ang isang dike sa Balanga, Bataan.
00:06Sa bayan naman ng Dinalupihan, patuloy ang paghahanap sa nawawalang bata na hinihinalang naligo sa ilog.
00:12By live report si Oscar Oida.
00:14Oscar.
00:18Yes, Atom, sa kabilangan ng patuloy na pagsusungit ng panahon,
00:22ay tuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang bata sa Dinalupihan, Bataan.
00:26Dito naman sa Balanga, isang dike ang nasira.
00:35Nagkumahog ang mga residente sa pagsagim sa mga kapigbahin nila
00:39nang bumigay ang dike sa barangay Tuyo sa Balanga, Bataan.
00:45Martes daw nang maireport sa barangay na may tagas ang dike.
00:50Nung nandito na kami nakita, nagpadala ako ng dalawang damtrak na panambak
00:55para magsako kami, magsanbagi kami.
00:593.30, ito na, bumuhos na ako yung malakas na ulan, lumaki yung tubig.
01:03Hindi na ako kinayan itong hanggang sa bumigay na po itong dike na ito.
01:07Mabuti at nailiga sa mga residente bago tuluyang nasira ang dike.
01:11Limang pamilya ngayon ang pansamantalang nanunuluyan sa Tuyo Integrated School
01:16kabilang isang bedridden na senior citizen.
01:19Kanina, naglagay na lang pansamantalang pangharang sa lasirang dike
01:23ang mga kawani ng DPWH Bataan.
01:27Sa Dinalupian Bataan naman, sinuyod na mga taga-barangay tubo-tubo
01:32ang ilog na ito sa pag-asang matagpuan ang nawawalang kapigbahay
01:37na tatlong taong gulang lang.
01:39Hindi sila natinag ng tuloy-tuloy na pagulan at malakas na agos.
01:44Malaking tulong po sa amin yun.
01:47Yung makita lang yung anak po, napakalaki po.
01:50Malayo lang po inarating namin mga asawa.
01:53Nagbaba ka sakali kami na makalagalit-gilit-gilit makita namin.
01:57Pero wala.
01:58Masakit po sa akin yun.
02:01Dahil sa akin po siya nang galing.
02:03Sa akin po siya, pinalaki po siya.
02:05Hanggang ganun, hindi ko po i-respect na magte-trihiwalan niya po ako.
02:10Pero hindi ko po siya pinabayaan.
02:13Alas 10 ng umaga nitong martes, napansing wala na sa kanyang higaan sa bahay ang batang si Jules
02:19na nung una'y inakalang natutulog pa.
02:22Suspetsa ng ina, posibleng sumunod siya sa mga kapatid na naligo sa ilog.
02:27Ang videong ito ay kuha kay Jules isang linggo bago ang kanyang ikatlong kaarawan kahapon.
02:33Nagyayayaan na po siya ng, ano, dahil birthday niya po nung kinabukasan eh.
02:39Ang sabi ko naman sa kanya, mamayang konti kasi hindi tayo makakadaan doon sa daanan, lubog ng baha.
02:48Ang takbo kasi ng tubig na to, na umaagos na to, is yung barangay Saging, JCPayumo, barangay Luwakan.
02:58Ang tuloy po nito ay sungulis, Hermosa Batana.
03:06Sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok sa paghahanap sa nawawalang anak,
03:11di naman nawawala ng pag-asa mga magulang ng bata na maahanap nila ito sa lalong madaling panahon.
03:17Atom?
03:19Ingat at maraming salamat, Oscar Oida.
03:22Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended