Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
Ilang barangay sa Calumpit, Bulacan, lubog pa rin sa baha

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umbog pa rin sa baha ang ilang barangay sa Kalumpit, Bulacan dahil sa malakas na ula na sinabayan pa ng high tide.
00:06Kaya naman mahigpit na tinututukan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
00:12Ang detalye sa report ni J. M. Pineda.
00:16Nagpastao na ang baha sa lugar na ito sa barangay may Sulaw sa Kalumpit, Bulacan.
00:20Tanging mga bangka na lang ang nakakapasok sa loob, kaya pahirapan para kay Angelina ang pagbili ng pangangailangan ng pamilya niya.
00:27Pangamba pa niya na baka tumaas muli ang tubig, lalo pa at ramdam na rin sa Bulacan ang epekto ng bagyong emong.
00:34Mayro po. Mayro po. Kaya kailangan pag lalabas po, bilhin na po kung ano kailangan.
00:39Nakangambang nga po kami kasi yung bahay na medyo naano na ng alon.
00:44Sabi niya matasang. Maano ang alon?
00:45Opo, malakas po. Parang maano po yung bahay kasi namin eh. Ano po kasing kawayan po kasi yun eh.
00:50Hindi lang po siya bato talaga. Kawayan po.
00:53Tumaalog din.
00:54Opo.
00:54Si Joseph naman na halos isang dekada nang nakatira sa kalumpit.
00:59Sanay na daw sa ganitong sitwasyon.
01:01Pero takot pa rin umano siya sa pagtaas ng bahay sa kanilang lugar.
01:05At tagang mataas yung bahay dyan.
01:08Eh lumalaki yan. Lumalaki yung tubig.
01:11Kaapon lumaki ng 4.
01:144 na yun nilaki.
01:17Ayaw ko lang ngayon eh may bagyo na naman.
01:20Tataas na naman siguro.
01:21Eh yung bahay namin kanyan na lang eh.
01:22Baka pag tumas pa ng bagya, yung bagya na lang.
01:25Aabutan na rin.
01:27Buong linggo nang masungit ang panahon sa iba't ibang parte ng Pilipinas.
01:30Walang humpay ang buhos ng ulan na nagresulta ng malawak ang pagbaha.
01:35Sa bayan ng kalumpit, sinabayan pa ng high tide ang malakas na ulan.
01:39Dahilan para magpabalik-balik ang baha sa lugar.
01:41Kwento na mga residente, disyembre na kung humupa ang baha dito, lalo na kung sunod-sunod ang sama ng panahon.
01:48May mga lugar na nga rin na hindi kayang lakarin o pasukin ng tao.
01:51Ito mga bangkang nasa tabi ko ngayon, ang pangunahing transportasyon na mga residente dito sa barangay May Sulaw sa Kalumpit, Bulacan.
01:59Ito yung ginagamit nila para makapunta dito sa mataas na bahagi ng kanilang barangay.
02:04Galing doon sa pinakadulo kung saan may mga kabahayan pa daw.
02:08Ayon sa mga residente dito, sanay na sila sa ganitong sitwasyon.
02:11Pero daing pa rin nila, napahirapan talagang makabili ng kanilang mga pangangailangan kung pupunta sila dito sa mataas na bahagi ng kanilang barangay.
02:19Sa kabila ng mataas na baha, ang ilang mga residente, sinasamantala at nanlalambat ng isda para makabenta at kumita.
02:27Ayon sa Bulacan PDRRMO, umabot ng 4.73 ang level ng high tide sa Bulacan kaninang umaga.
02:33Kaya bahagyang tumaas muli ang baha sa ibang lugar.
02:35Yung low-lying areas natin ay nakakaranas sila ng baha.
02:41At hindi lang sa dagdag pa rito, yung buhus ng ulan kanina, ang madaling araw na may kalakasan.
02:48So tayo ay may mga barangay na nasa 5 to 6 feet dahil nga sa taas ng high tide.
02:57At yung iba naman ay nakakaranas pa ng from 1 to 3 feet.
03:02Kabilang sa tinututukan ng LGU, ang mga low-lying areas o mga lugar na madaling bahayin kapag high tide,
03:09gaya na lamang ng Kalumpit, Hagonoy, Bayan ng Bulacan, Paumbong, Malolos, Ubando, Maykawayan, Balagtas at Marilawa.
03:18Paliwanag naman ng PDRRMO, malaki ang pagbaha daw talaga ang nagiging resulta kapag nagsabay-sabay ang buhos ng ulan at high tide.
03:26Dahil din sa malakas na ulan at high tide, matagal umanong humupa ang baha.
03:30Normally, ang high tide kasi nasa 2 meters lang, very manageable para sa kanila.
03:38Pero sa ngayon kasi nakakaranas tayo nitong may tagulan na may kataasang pa ito yung nasa 4.7.
03:45Tiniyak rin ang Bulacan LGU na nakamonitor sila sa sitwasyon ng bawat barangay na apektado ng pagbaha.
03:51Bukas rin daw ang kanilang linya at tumawag lamang sa 911 kung kinakailangan ng tulong.
03:55Sa ngayon, tatlong bayan na sa Bulacan ang nagdeklara ng state of calamity.
04:00Kasama dyan ang kalumpit, maykawayan at balagtas.
04:03JM Pineda, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended