Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/24/2025
Pamahalaan, tiniyak na walang negatibong epekto sa Pilipinas ang 19% reciprocal tax ng Amerika

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:01Ipinaliwanag ng pamahalaan na hindi pa rin lugi ang Pilipinas kahit 1% namang ang natapya sa ipapataw na reciprocal tax ng Amerika sa exports mula sa Pilipinas.
00:12Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:16Walang negatibong epekto at sa katunayan ay makabubuti pa sa Pilipinas.
00:21Ito ang tiniyak ng pamahalaan sa harap ng 19% na taripang ipapataw ng Amerika sa mga produktong ine-export ng Pilipinas.
00:29Paglilinaw ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, Secretary Frederick Goh,
00:35hindi ang mga Pilipino kundi ang mamamaya ng Amerika ang magbabayad sa nasabing taripa.
00:42Ang magbabayad po nitong taripa ay hindi po tayo.
00:46Ang magbabayad ng taripa na ito ay ang mga Amerikano, ang mga importers, ang mga buyers ng mga produkto galing sa buong mundo.
00:55Mababatid na sa katatapos lamang na working visits sa Washington, D.C. USA.
01:00Nakipagnegosasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay U.S. President Donald Trump
01:05at naibaba sa 19% mula sa 20% ang taripa.
01:09Bagamat 1% lamang ang natapyas, ito pa rin ang ikalawang pinakamababang taripa ng Amerika sa lahat ng bansa sa Southeast Asia.
01:18Magbibigay daan din naman na ito sa pagikayat ng mas marami pang foreign investors sa bansa.
01:24Sa harap naman ang concession agreement o exemption sa taripa sa ilang produkto ng Amerika na papasok sa bansa,
01:30nilinaw ni Sekretary Go na hindi kabilang dito ang mga pangunayang produkto tulad ng bigas, mais, asukal, karneng baboy, isda at iba pa.
01:41Kayat hindi maagrabyado ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
01:46Sasaklawin lamang ng zero tarif ang automobile, soy, wheat at pharmaceutical products o mga gamot na mag-a-resulta naman sa mas mababang presyo ng mga ito.
01:57Mahal po ang gamot sa Pilipinas eh. Kapag pinasok po natin yan na may taripa, di mas mahal pa po ang presyo ng gamot.
02:05So kapag tarif free po ang gamot, makakababa po yan ng presyo ng gamot sa ating bansa.
02:12Si Iloilo Representative at former Health Secretary Janet Garin, sangayon ding bababa ang presyo ng gamot dahil sa zero tarif sa Amerika.
02:21Ang ibig sabihin nito ay magiging available sa mga Pilipino na mas mura kesa sa magkano natin siya kinukuha ngayon.
02:29Ang Department of Trade and Industry, tiniyak na poprotektahan ang major agricultural at manufacturing industries ng bansa.
02:37Patuli ding palalawakin ang market ng produktong Pilipino, kakibat ng pagpapatibay ng ugnayang pangkalakalan sa iba pang bansa.
02:46Sinabi naman ni Sekretary Go na kasama ang DTI ay patuli silang makikipag-negosasyon sa Amerika upang linawi ng detalye sa mga produktong saklaw ng taripa at exemption.
02:58Hardy Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended