Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Update tayo sa efekto ng mga bagyo at habagat na nagpapaulan ngayon sa ilang lugar sa bansa.
00:05Kausapin natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
00:09Magandang umaga at welcome po uli sa Balitang Hali.
00:12Magandang umaga, Rafi, at sa lahat po na ating mga taga-subaybay.
00:15Opo, tatlong bagyo na ngayon yung binabantayan sa loob at labas ng PAR.
00:18Ano yung posibleng efekto nito sa lagay ng panahon?
00:20At saan ang direksyon na ang hinahatak ng mga ito?
00:24Tama po sila, dalawang bagyong nasa loob ng ating air responsibility.
00:27Ang type po na si Emong at ang tropical storm na si Dante.
00:31Samantala, isang bagyo naman ay nasa labas pa ng ating air responsibility at nasa tropical depression category na po ito.
00:38So, unay na po muna natin itong bagyong si Dante.
00:41Bagamat wala itong direktang efekto sa naman bahagi ng ating bansa,
00:44makikita po natin na patuloy na nagpapaibay ito ng Habagat or Southwest Monsoon at ang bagyong si Emong.
00:51Si Dante po ay inaasahan nating tuloy ng lalabas ng ating air responsibility ngayong araw.
00:56Pero patuloy pa rin tayo magbibigay ng update hinggil nga sa magiging kalagayan nito kung magkakaroon ng pagbabago sa pagkilos, galaw at lakad nito.
01:04Samantala, ang bagyong si Emong ay nandito pa rin nga sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon at kaninang alas 10 ng umaga.
01:12Ito ay nasa typhoon category na po, ang layo ay 220 kilometers west-southwest ng Bacnotan, La Union.
01:22So, ito pong bagyong si Emong mas malapit po sa kalupan na ating bansa.
01:26At may mga lugar na mayroon tayong wind signals.
01:31Tatlo na po ang ating wind signal nakataas.
01:33We have wind signal number 3 sa northern portion ng Pangasinan, sa western portion ng La Union at sa southwestern portion ng Ilocos Sur.
01:40Wind signal number 2 naman sa buong Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, sa natitirang bahagi ng La Union at sa central portion ng Pangasinan.
01:48Ganon din sa Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ipugaw, Benguet, Babuyan Island, northern at saka western portion ng Cagayan at sa western portion ng Nueva Biscaya.
01:59Signal number 1 naman sa Batanes, sa natitirang bahagi ng Cagayan, sa western at saka central portion ng Isabela, sa natitirang bahagi ng Nueva Biscaya, sa lalawigan ng Quirino,
02:09natitirang bahagi ng Pangasinan, sa Hilagat, gitnang bahagi ng Zambales, sa buong Tarlac at sa western portion and central portion ng Nueva Ecija.
02:17So, rapid lahat ng binanggit natin yung lugar na may wind signal numbers 3, 2, and 1, pinapayaw natin yung mga kababayan natin dyan na magingat pa rin sa mga posibleng pagbaha
02:27dahil nga inaasahan natin may mga pagulan pa rin na direktang dala ng bagyong si Emong at paghuhu ng lupa, lalong-lalong po sa iris na malapit sa panan ng bundok.
02:36Yung mga kababayan, hindi natin nakatira na malapit po sa mga tabing ilog, asana dahil umulan na nga ng mga nagdaang araw at malamang nga yung mataas pa yung level ng tubig,
02:44ay magiging mabagal ang paghupa kaya patuloy nga makapagugnain sa kanilang local government at local DR officials regarding continuous disaster preparedness and mitigation measures.
02:55Samantala ito namang habagat, inaasahan pa rin po natin na magpapaulan nga dito sa mga ilang lugar na hindi direktang apektado ng bagyo.
03:02Ano, nagpalabas tayo ng weather advisory at inaasahan ng mga pagulan dito nga sa mga lalawigan sa kandurang bahagi ng Luzon and then maging dito sa may bandang Palawan area at kasama na nga dyan ang Metro Manila.
03:16Lalakas pa po ba itong mga bagyong ito, gayong nasa karagatan pa sila?
03:21Itong makikita natin, itong si Tropical Storm Dante, posibleng mapanatili nito yung intensity niya hanggang sa tuloyan nga lumabas ng ating air responsibility.
03:31Ito namang bagyong si Emong, typhoon category, posibleng ma-reach pa niya yung higher limit ng typhoon.
03:37Kaya at antabayanan po ng mga kababay natin yung 3-hourly update natin, lalong-lalong napakalapit ito sa landmass at posibleng ang tumama ng kalupaan ng Ilocos region.
03:47Hanggang kailan po, yung ganitong masamang panon, posibleng bang umabor ito sa lunes sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Marcos?
03:53Well, posibleng po yan o kasi ang nakikita po nating senaryo, bagamat posibleng by Monday ay nakalabas na itong dalawang bagyo ng ating air responsibility,
04:04yung posisyon niya dito sa may bandang sabihin na natin yung magiging mga posisyon nito ay nasa mga southeastern part ng China or mas malapit sa Japan,
04:12ito ay makakapagpaibayo pa rin ng habagat. Dagpadyan yung isang ang sama ng panon sa labas ng PAR.
04:19So pag nagkaganong po, asahan pa rin ang mga ulap na kalangitan, mga paminsan-minsan pagulan,
04:23lalong-lalong na sa western section ng Luzon, including Metro Manila, sa darating na lunes, dal nga po sa habagat.
04:30Magkakasunod yung mga bagyo natin at tatlo pa yung sabay-sabay ngayon. Gano'y magkadalas yung mga ganitong pangyayari?
04:36Well, rapi kung babilikan natin last year, nagkaroon ng dalawang pagkakataon na kung saan.
04:40Dalawang bagyo po yung na-monitor natin. For example, si Nika and Opel ay halos sabay pong nasa loob ng ating air responsibility.
04:49So not necessarily buwan-ban mangyayari ito within the same year, but nangyayari po ito either every year or almost,
04:56not necessarily every year, pero normal pong nangyayari ito. Minsan pa nga po tatlo ang sama ng panahon sa loob ng ating PAR.
05:02Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
05:06Maraming salamat din po at magandang araw.
05:07Si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.

Recommended