00:00Samantala, 8 national roads ang mahigtik pa rin binabantayan ng DPWH dahil hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha.
00:07Ipinagmalaki naman ang kagawaran ng malaking tulong ang halos 10,000 na kumpleto ng flood control projects para maibsaan ang pagbaha.
00:14Si Harley Valbuena sa detalye, live Harley.
00:20Joshua, mayroon pa rin 8 national roads ang binabantayan ng Department of Public Works and Highways dahil lubog pa rin ito sa baha.
00:30Sa press briefing sa Malacanang, iniulat ni DPWH Sekretary Manny Bonoan na mula sa 41 national roads na naapektuhan ng bagyo at habagat,
00:43walo na lamang ang kanilang minomonitor.
00:46Pero sa ngayon naman, ay mabilis na umuho pa ang mga baha.
00:49National roads that we have reported na 41, 33 of them have already been rendered possible at mayroon pang walo.
01:01Walo na talagang minomonitor pa namin na mayroon pang tubig baha.
01:05Pero napapansin namin na medyo mabilis naman yung pag-subside na ng baha dahil hindi na masyado malalakas yung ulan.
01:13Sa walong national roads na may bahaging hindi pa rin madaanan dahil sa baha,
01:21isa ay nasa Metro Manila, dalawa sa Region 1, dalawa sa Region 2, isa sa Region 4A at isa sa Region 9.
01:30Kasama rin dito ang Cannon Road sa Cordillera na ngayon ay sarado pa rin sa mga motorista dahil pa rin sa banta ng Rockfall.
01:37Samantala, iniulat din ang DPWH na may nakumpleto na silang 9,856 flood control projects simula noong 2022
01:47at malaki ang naitulong na mga ito upang ibsan ang mga naranasang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
01:56Mayroon pa rin umano silang 5,700 na ongoing flood control projects at madadagdagan pa ito sa mga susunod na taon.
02:04Pinagagana na rin ang Rainwater Collection System upang maipon ang tubig baha at magamit sa ibang bagay tulad ng irigasyon.
02:14Ang palasyo may sagot naman sa pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa pag-iimbak ng tubigulan at paggamit nito para sa agrikultura.
02:24Meron na po itong batas. Republic Act No. 6716. Ito pa po ay noong March 17, 1989.
02:36An act providing for the construction of water wells, rainwater collectors, development of springs, and rehabilitation of existing water wells in all barangays in the Philippines.
02:50So nakakapagtaka po talaga na wala po yata ang kaalam-alam ang Vice Presidente patungkol po sa Rainwater Collection System.
02:59At ang pinapalabas lamang niya ay pag-iipon ng tubig sa timba.
03:04Joshua, bagamat humupa na ang baha sa maraming kalsada, ay naghahanda pa rin ang DPWH at iba pang ahensya para naman sa dalawang bagong bagyo,
03:16ang Bagyong Dante at Bagyong Emong, kasama na rin ang patuloy na epekto ng habagat.
03:23Mula rito sa Quezon City para sa Integrated State Media, Harley Valbuena ng PTV.