00:00Sa iba namang balita, nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na ibaba sa 19% ang ipapataw na tariff ng Estados Unidos sa mga export products ng Pilipinas.
00:11Ito ay sa bilateral meeting ni na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. President Donald J. Trump sa White House.
00:19Inilarawan ni Trump si Pangulong Marcos Jr. bilang isang masigasig na negosyador sa usapin ng reciprocal tariff.
00:26Ayon kay Pangulong Marcos Jr., bagamat 1% lang ang nabawa sa isinusulong sana ng Pilipinas ay malaking bagay pa rin ito lalo na para sa semiconductor industry na isa sa pinaka-apektado ng ipapataw na reciprocal tariff.
00:42Sabi ng Pangulo, kasama sa mga napagkasunduan, ang pagpapatupad din ng Pilipinas ng open market o zero tariff rates sa ilang merkado para sa Amerika, particular na sa automobiles.
00:54Kapalit nito ang pag-akyat naman ang import ng U.S. sa Pilipinas, particular sa soy products, wheat at mga gamot.