- yesterday
Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 23, 2025
- Breaking News: Landslide sa Bagong Silangan, Quezon City
- Purok 5 sa Brgy. Manggahan, nalubog sa baha matapos umapaw ang Mango River dahil sa malakas na ulan | Mahigit 500 pamilya, apektado ng baha sa Purok 5 SA Brgy. Manggahan
- Malakas na ulan, muling naranasan ngayong umaga; ilang papasok sa trabaho, stranded sa baha
- Ilang papasok sa trabaho, naperwisyo ng baha; itinulak o iniwan na lang ang sasakyan
- Halos lahat ng barangay sa Dagupan City, lubog sa baha dahil sa masamang panahon at high tide | Pangasinan PDRRMO: 787 pamilya sa buong lalawigan ang lumikas dahil sa baha
- NDRRMC: 1,300,166 indibidwal sa buong bansa, apektado ng masamang panahon
- Taripang ipapataw ng Amerika sa mga produktong mula sa Pilipinas, ibinaba sa 19% mula sa 20%; mas mataas pa rin kaysa sa 17% tariff rate noong Abril | U.S. Pres. Trump sa mga Pinoy: "We love them" | Trump: 19% ang taripang ipapataw ng Amerika sa Pilipinas; walang taripang babayaran ang Amerika sa ilang produktong i-e-export sa Pilipinas | PBBM: Walang taripa sa mga sasakyang imported mula Amerika; dadamihan ng Amerika ang ilang inaangkat na produkto mula sa Pilipinas | PBBM: "Significant achievement" ang pagbaba ng tariff rate sa 19% mula sa dating 20 | Trump kay PBBM: "He's a very good and tough negotiator"
- Dingdong Dantes, may important video reminders mula sa NDRRMC sa gitna ng kalamidad | Sparkle star Ronnie Liang, tumulong sa relief operations sa mga nasalanta ng ulan at baha sa San Mateo, Rizal
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Breaking News: Landslide sa Bagong Silangan, Quezon City
- Purok 5 sa Brgy. Manggahan, nalubog sa baha matapos umapaw ang Mango River dahil sa malakas na ulan | Mahigit 500 pamilya, apektado ng baha sa Purok 5 SA Brgy. Manggahan
- Malakas na ulan, muling naranasan ngayong umaga; ilang papasok sa trabaho, stranded sa baha
- Ilang papasok sa trabaho, naperwisyo ng baha; itinulak o iniwan na lang ang sasakyan
- Halos lahat ng barangay sa Dagupan City, lubog sa baha dahil sa masamang panahon at high tide | Pangasinan PDRRMO: 787 pamilya sa buong lalawigan ang lumikas dahil sa baha
- NDRRMC: 1,300,166 indibidwal sa buong bansa, apektado ng masamang panahon
- Taripang ipapataw ng Amerika sa mga produktong mula sa Pilipinas, ibinaba sa 19% mula sa 20%; mas mataas pa rin kaysa sa 17% tariff rate noong Abril | U.S. Pres. Trump sa mga Pinoy: "We love them" | Trump: 19% ang taripang ipapataw ng Amerika sa Pilipinas; walang taripang babayaran ang Amerika sa ilang produktong i-e-export sa Pilipinas | PBBM: Walang taripa sa mga sasakyang imported mula Amerika; dadamihan ng Amerika ang ilang inaangkat na produkto mula sa Pilipinas | PBBM: "Significant achievement" ang pagbaba ng tariff rate sa 19% mula sa dating 20 | Trump kay PBBM: "He's a very good and tough negotiator"
- Dingdong Dantes, may important video reminders mula sa NDRRMC sa gitna ng kalamidad | Sparkle star Ronnie Liang, tumulong sa relief operations sa mga nasalanta ng ulan at baha sa San Mateo, Rizal
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:30.
00:34.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:57This is the case.
01:27At nakita natin kanina yung BFP gumamit pa ng chainsaw habang yung mga residente dito ay gumamit na ng itak.
01:36At dahil nga po dito sa nangyaring insidente, stop and go yung traffic scheme na pinapatupad ng mga otoridad dito,
01:42apektado yung mga residente na nanggagaling dun sa area ng sityo, veterans.
01:46Yung iba nga po nakita natin naglalakad na lang at bumaba sa kanilang mga sasakyan.
01:51Dahil nga po magdadalawang oras na ganito yung sitwasyon dito sa lugar.
01:56Habang doon naman sa mga nanggagaling sa JP Rizal Street, mga sasakyan na galing sa IVP Road,
02:01papasok dito sa sityo, veterans, sa bagong silangan, ay naiipo na rin po.
02:06Kaya abiso natin kung wala naman pong pupuntahan dito sa may area ng bagong silangan na ito,
02:11ay humaanap na muna ng alternatibong ruta dahil nga po dito sa landslide na nangyari dito sa lugar.
02:17Sinusubukan pa natin igan na makuha yung panig na mga otoridad para malaman kung ano ba talaga yung nangyari dito sa insidente.
02:25Yung muna ilitas mula rito sa Quezon City. Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:30Mga kapuso nga dito pa rin po tayo ngayon sa Poroxinco sa barangay Manggahan dito po sa Rodriguez Rizal.
02:35Isa po ito sa pinakahinagupit ng habagat at bago nito yung bagyong krisi nga.
02:41Umabot ng hanggang lampas tao yung baha rito sa isang bahagi ng kanilang barangay.
02:46Dahil nga po umapaw yung tubig dito sa Manggahan River, dito sa kanilang riprap, papasok dun sa kanilang mga tahanan.
02:55Kaya naman talagang yung kanilang mga tahanan e talagang binahanang gusto aabot sa mahigit limanda ang mga pamilya.
03:01Ang apektado po rito. Sa ngayon ay nailikas na po yung 341 families o 1,491 na individual at nasa mga evacuation center na po.
03:09Pero sa ngayon nakikita natin marami sa mga padre ni pamilya ang naiiwan dito sa kanilang mga tahanan, binabantayan yung kanilang mga ari-arian.
03:18At syempre nagsisimula na silang maglimas ng mga tubig, mga putik na naiwan.
03:22Dahil nung humupa na yung baha, naiwan ang sangkatutak na putik na kailangan po nilang linisin ngayon
03:28para makabalik naman yung kanilang mga pamilya, yung mga anak at mga may bahay.
03:33Pero ang problema ay kailangan talagang manatili pa rin sila sa kanilang mga evacuation center
03:38dahil nga po sa banta naman ng bagyong Dante na posible ulit magdulot o magdala ng marami pang pagulan at baha muli sa kanilang lugar.
03:46So kailangan ay sumunod lamang po sila sa kanilang mga otoridad pag sinasabi po ng lokal na pamahalaan
03:51na manatili na lamang po muna sa mga evacuation center, doon na lamang po muna.
03:55At doon sa mga nangangailangan po ng tulong, maaari raw pong tumawag sa hotline 911
04:00para doon sa mga kailangan ng rescue o yung iba pa nilang mga concerns na maaari pong ibigyan ng tulong
04:06ng kanilang lokal na pamahalaan at pati na rin po nung nakausap kanina natin na civil military operations ng Philippine Army.
04:13So yan po muna ang latest na sitwasyon. Dito pa rin po sa Rodriguez Rizal. Balik muna sa studio.
04:19Lumakas na naman ang ulan sa kainta Rizal. May unang balita live si EJ Gomez.
04:24Yes, EJ?
04:30Susan, ako bumuhos nga ulit no ang malakas na ulan at mas dumami ang mga stranded nating kapuso.
04:36Mga riders at pasahero. Kita po ninyo sa aking likuran.
04:39Itong dami ng riders na pinipiling o wag suungin yung baha dahil sabi nila mukhang hindi kakayanin ng kanilang mga motorsiklo.
04:50Tapos, ito po. Latest na latest. Ang ginagawa po ng mga truck na dumadaan dito dahil sila ay nakakadiretso dito sa kalsada,
04:57nagsasakay po sila ng mga pasahero.
05:00Ayan, katulad po niyan.
05:02Nako, nakikita niyo po kung gano'n po karami no yung ating mga pasahero.
05:05Sige po. Diretso po kayo.
05:08Ayan.
05:09Maraming salamat po. Ingat po kayo ha.
05:13Susan, yung baha dito no sa kahabaan ng Felix Avenue,
05:16tumaas na naman at itong kalsada parang naging ilog na dahil iilan na lang talaga nasasakyan yung nakakadaan at halos motorsiklo,
05:25mga nagpapadjak o nagtutulak na lang ng kanilang mga bisikleta o ayan, pedicab, sidecar at saka mga tao naglalakad yung dumadaan dito sa kalsada.
05:34And speaking of stranded, meron tayo nakausap si Ate Lea no na worker sa isang IT company.
05:39Yung kanyang pinagtatrabahuhan e dun lang ilang metro mula dito sa ating kinatatayuan.
05:44Ate Lea, sige po, pakikwento naman po sa ating mga kapuso, saan po ba kayo galing?
05:50Tapos kanina pala nakasasakyan kayo.
05:52Bale, galing ako mong Talban.
05:54Ngayon, pagdating dito sa gate 1 ng Vista Verde, hinarang na ako ng traffic enforcer dahil hanggang bewang na daw ang baha doon.
06:00So, ito nga, naglakad ako, tinignan ko talaga.
06:04Ngayon, nag-chinelas na lang ako, tapos hindi na ako tumuloy kasi baka magka-leptospirosis pa ako e.
06:12Ate, last question ko na po ito.
06:14So, syempre, nakita naman natin dyan sa unahan natin, talagang perwisyo, yung ganitong baha.
06:18Sa inyo po, bilang someone na nakatira pa sa Montalban, tapos ang inyong pinagtatabon e, kainta pa,
06:25gaano kalaking hirap po yung ganitong dinadanas tuwing tagulan at pagbaha?
06:28Ay, malaking perwisyo talaga kasi ang hirap ng biyahe, tapos pagdating dito, baha pa yung madadatnan ko.
06:36So, yun talaga.
06:37Sige po, katulad ng gusto natin sabihin sa ating karamihan, mga kapuso natin.
06:42Ingat po, Ate Lea, dahil may breaking news sa kanyang trabaho, suspended na daw po ang kanyang pasok.
06:48Marami tayo nakausap din, Susano, na yung kanila mga pasok, na-suspend din na,
06:54kaya sila mga pabalik na ng kanilang mga bahay.
06:57Yan po muna ang latest mula po rito sa kainta Rizal, EJ Gomez, para sa GMA, Integrated News.
07:06Tuloy ang pagulan at lubog pa rin sa bahaang ilang lugar sa Cavite at Maynila.
07:10Napilitan lang ang sumuong sa bahaang ilan para makapasok sa trabaho.
07:14Live mula sa Kawit Cavite, may unang balita si Bam Alegre. Bam?
07:18Susano, good morning. Hanggang ngayon ay lampas sa sakong pa rin.
07:26Yung baha dito sa bahaging ito ng Tirona Highway, isa sa mga pangunahing kalsada dito sa Kawit Cavite.
07:32Ito yung sitwasyon na hatid ng masamang panahon dito sa Cavite, pati sa ilang karatig lugar.
07:37Ang dalang pagulan dito sa Tirona Highway sa Kawit Cavite, ang baha lampas sakong hanggang tuhod.
07:43Kahit napahirapan itong baybayin, may ilan pa rin dumaraan dito dahil kailangan maghanap buhay.
07:48Ilan sa nakipagsapalaran dito si Raven De Los Reyes na dahan-dahang inuusad ang kanyang motorsiklo sa baha.
07:54Sobra rin po, kasi may pasok na dedeado rin po sa bagyo.
08:01Iba naman ang naging diskarte ni John Lorenzo sa malayong lugar niya iginarahe ang kanyang motorsiklo.
08:07Sinusuong niya ang baha mula sa kanilang bahay sa pamagitan lang ng paglalakad.
08:11Mahirap siya sari kasi ganito, kayo may trabaho, hindi ka makapunta na mas maayos.
08:16Diba? Kasi dapat nakamotor ka.
08:19Kasi yung motor ko nandyan sa Bacoor, hindi ibang ko.
08:23Bukod sa Kawit, baha pa rin sa ilang bahagi ng Aguinaldo Highway sa Bacoor Cavite.
08:27Ang tubig mula gutter level hanggang lampas tuhod, kaya pahirapan ang pagdaan ng light vehicles.
08:33Ganito yung sitwasyon ngayon dito sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa may Bacoor Cavite.
08:37Merong isang sasakyan na nasiraan ng gulong pero hasal itong palitan dahil meron pa rin baha na lampasakong hanggang sa mga oras na ito, pasado ating gabi.
08:47Sa Maynila, Mistulang lawa rin ang naipong baha sa ilang bahagi ng Taft Avenue malapit sa UN Avenue.
08:52May mga nakatutok na kawanin ng Manila Traffic and Parking Bureau para gabayan ng mga motorista.
08:57May hirap po yung sitwasyon nila kasi pag dito po, madalas po sinatitirikan.
09:03Lalo na po dito, papunta po Pedro Hill.
09:06Malaking perwisyo ito para sa mga motorista na kailangan pa rin bumiyahe kahit masama ang panahon.
09:11May hirap syempre, hinabot yung makina namin.
09:14Malaki talaga eh, katulad nga kagabi.
09:17Hindi ako nakawisabay dahil sya, malalim nga ang bahagi.
09:21So Susan, pinapakita ko ito yung bahagi ng Visita Street at ito hanggang Sakong dito.
09:30Pero pag mula roon, abot binte yung lalim ng baha rito.
09:36Hindi natin matatawarin yung efekto nito sa kabuhayan ng mga taga rito.
09:41Kausapin natin yung isang residente rito, si Kuya Joseph.
09:44So gano'n po efekto ng ganitong baha para sa mga residente tulad nyo?
09:47Ano po kasi, bahirap po pag baha.
09:49Wala pong mabila ng pagkahi, katulad po yan.
09:51Sarado po yung mga establishmento.
09:53So ito si Kuya Joseph, isang mga naapekto ang residente rito sa Cabit Cavite.
10:00Ito ang latest mula rito. Balik sa inyo sa studio.
10:03Susan?
10:05Salamat, Bam Alegre.
10:08Alos buong Dagupan City ang lubog ngayon sa baha.
10:10Podcast sa pagulan, dahil sa masamang panahon,
10:13nagpapabaha rin ang high tide.
10:15Kaya unang balita live si CJ Torida ng GMA Regional TV.
10:20CJ.
10:23Igan, nandito tayo ngayon sa Barangay Tapwak, isa sa mga lugar na binabaha sa Dagupan City.
10:32Nakatutok ang lokal na pamalaan ng Dagupan sa sitwasyon sa iba't ibang lugar sa lungsod na nakararanas ng baha.
10:39Ayon sa CDRRMO, halos lahat ng barangay ang nakararanas ng pagbaha.
10:44Punso dito ng walang humpay na pagulan, pagbaba ng tubig mula sa bundok at upland municipalities na sinasabayan pa ng high tide.
10:51Kaya kahapon, sumulat si Mayor Belen Fernandez sa sangguneng panlungsod upang i-deklara ang state of calamity sa Dagupan.
10:58Nakalagda ngayong araw ang special session ng konseho.
11:02Oras na i-deklara ang state of calamity.
11:05Magagamit na ang emergency resources ng LGU upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.
11:10Kahapon, may mga pamilyang inilikas sa Dagupan City People's Astrodome mula sa barangay Lasib Grande at Pugot Chico.
11:18May mga evacuee rin mula sa iba pang barangay.
11:20Sa buong Pangasinanigan, abot sa maygit 787 pamilya o katumbas ng maygit 2,463 individual ang inilikas base sa tala ng PDRRMO.
11:34Bukod sa Dagupan City, 13 pang bayan ang binaha.
11:37Base yan sa 5AM data ng PDRRMO.
11:40Igan, wala pa rin yung pasok sa Dagupan ngayong araw at ng buong Pangasinan.
11:47Samantala, sa mga oras na ito, Igan, ay nakararanas tayo ng panakanakang pagambun dito sa lungsod ng Dagupan.
11:54Balik sa iyo, Igan.
11:55Maraming salamat si Jay Torida ng GMA Regional TV.
11:58Nasa maygit 1.3 million na residente na ang apektado ng masamang panahon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
12:16Bata yan sa datos ng NDRMC mula sa pinagsamang epekto ng Bagyong Crising, Hanging Habagat at Low Perseure Area sa loob ng bansa.
12:25Katumbas siya ng maygit 370,000 pamilya.
12:29Maygit 12,000 pamilya ang lumikas sa mga evacuation center.
12:346 ng napaulat na nasawi.
12:35Dalawa rito ay validated na ng NDRMC.
12:41Ang isa mula sa Region 10, ang isa naman sa Caraga.
12:45Isang nakumpirma namang sugatan habang may bina-validate pang walong nawawala.
12:53Patapos mag-usap din ang Pangulong Bombong Marcos at US President Donald Trump,
12:57binabaan ng 1 percentage point ang taripang ipapato ng Amerika sa mga produktong inaangkat sa Pilipinas.
13:04Mas mataas pa rin kumpara sa original na 17% tariff na ipinataw noong Abril.
13:10At live mula sa Washington D.C. sa Amerika, may unang balita si Sandra Aguinaldo.
13:15Sandra?
13:19Igan, tama ka no. Matapos nga yung meeting, bumaba yung tariff rate na ipapataw sa mga produkto mula sa Pilipinas papasok dito sa Amerika.
13:29Mula 20% ay nasa 19% na ito. Ibig sabihin, nabawasan ng 1%.
13:35Pero ayon na rin kaya President Trump, meron nga ilang mga produkto na pag pumasok naman sa Pilipinas mula sa Amerika,
13:43e zero o wala itong tariff.
13:46Kaya natanong si Pangulong Bombong Marcos kung hindi kaya lugi ang Pilipinas sa deal na ito.
13:51Pagdating ni Pangulong Bombong Marcos sa White House ngayong umaga,
14:02sinalubong siya mismo ni U.S. President Donald Trump.
14:06Dito natanong si Trump kung ano ang mensahe niya sa Pilipinas.
14:09Sir, your message to the people of the Philippines.
14:12You love them.
14:13You think you'll get a deal done today, sir?
14:17Matapos nito, nag-meeting na ang mga leader ng Pilipinas at Amerika sa Oval Office,
14:22kasama ang ilang matataas na opisyal ng dalawang bansa.
14:26Matapos ang pulong, agad na nag-pose si Trump sa kanyang social media na Truth Social
14:31at sinabing 19% tariff na lang ang ibabayad ng Pilipinas imbes na 20%.
14:36Pero dagdag niya, mag-o-open market ang Pilipinas
14:41at zero o walang taripan ang babayaran ng Amerika sa mga produktong papasok sa Pilipinas.
14:48Kinumpirma naman ni Marcos ang sinabi ni Trump sabay paglilinaw
14:52na hindi naman sa lahat ng produkto kundi sa ilang sektor lamang mula sa Amerika.
14:57There were certain markets that they were asked to be open
15:01that are presently, right now, are not open.
15:06The one of the major areas that he said were automobiles.
15:10Because we have a tariff on American automobiles, we will open that market.
15:16Lalakihan din daw ng Pilipinas ang pag-i-import ng ilang produkto mula sa Amerika.
15:21The other side of that is an increased importation from the United States
15:25for soy products, wheat products, and pharma, actually, medicines
15:36para makamura naman yung maging mas mura yung gamot natin.
15:40Tanong sa Pangulo, hindi kaya lugi ang Pilipinas dito?
15:43Ang pagbaba ng taripa para sa produkto ng Pilipinas na pumapasok sa Amerika
16:06tinawag na achievement ni Marcos.
16:09We managed to bring down the 20% tariff rate for the Philippines to 19%.
16:16Now, 1% might seem like a very small concession.
16:20However, when you put it in real terms, it is a significant achievement.
16:29Si Trump naman tinawag na beautiful visit ang pagpunta ni Marcos sa White House.
16:35Mataasan niya ang respeto kay Marcos sa Amerika.
16:37Tinawag pa niya itong very good and tough negotiator.
16:59Natalakay rin sa meeting ang defense and security issues ng dalawang bansa.
17:03Igan, patuloy din ang pagbumonitor ni Pangulong Marcos sa sitwasyon sa Pilipinas
17:13at kanina nga ay nag-share siya ilang informasyon kaugnay sa pangyayari
17:18dahil sa matinding pagbaha.
17:20Ayon sa kanya, batay sa report sa kanya ay 6 ang namatay, 5 ang injured at 8 ang missing.
17:261,875 naman daw po yung areas na apektado ng flooding sa iba't-ibang rehyon.
17:33At sabi niya, ang damage to infrastructure sa ngayon ay nasa 4.7 billion pesos
17:39at maari pa raw yang tumaas.
17:42Yan muna ang pinakahuling ulat mula dito sa Washington D.C.
17:45Igan?
17:46Maraming salamat, Sandra Aguinaldo Live mula sa Washington D.C. sa Amerika.
17:49Ingat!
17:55Bilang bahagi ng kanyang bagong role, pinangunahan ni Kapuso Primetime King Ding Dong Dantes
18:00ang ilang mahalagang advisory ng Office of Civil Defense sa gitna ng kalamidad.
18:06Kapag may red warning naman, nako, ito na!
18:09Panigurado ng babahain ang mga mapapapang lugar at magkakaroon ng landslide
18:14kaya pinapayuhan ng mag-evacuate ang mga tao.
18:18Yan ang napapanahong video ni Ding Dong na tumatalakay sa iba't-ibang rainfall warnings ng pag-asa.
18:24Bukod dito, may video rin si Ding Dong tungkol sa ligtas na pagpunta sa evacuation center.
18:30Pati na rin sa pagbalik sa mga bahay na binaha at sa wastong paglilinis para iwas disgrasya.
18:35Si Ding Dong ang napiling ambasador para sa National Disaster Resilience Month 2025 ngayong Hulyo.
18:41Samantala naman si Sparkle Store, Ronnie Liyang, ay tumulong naman sa relief operations
18:49ng GMA Kapuso Foundation para sa mga nasalantanang ulan, baka sa San Mateo, Rizal.
18:55Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
19:07Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
19:12KWKWN
19:14KWKWN
19:16KWKWN
19:16KWKWN
19:17KWKWN
19:18KWKWN