00:00Mga official at kawanin ng Department of Health, personal na inalam ang kalagayan ng mga evacuee sa Marquinas City.
00:06Dito namigay sila ng mga karagdagang gamot, kabilang ng diabetes maintenance, hypertension maintenance at antibiotics.
00:13May report si Bien Manalo ng PTV.
00:18Milagrong maituturing, Nanay Aileen, ang pagkakaligtas sa Bagyong Ondoy noong 2009.
00:23Nakapasalamat po ako, nakaroon po ako ng pangalawang buhay talaga.
00:26Munti-munti na talaga ako mamatay ng time na yun.
00:29Talaga mayroon na po talaga akong phobia sa mga ganpong baha.
00:32Halos gumuho ang kanyang mundo nang anuri ng baha ang kanilang mga ari-ariana.
00:38Walang naisalba ang pamilya ni Nanay Aileen, kundi ang kanilang mga suot.
00:42Ngayong tag-ulana, nanumbalik ang kanyang takot.
00:46Kaya agad siyang lungikas kasama ang kanyang mga anak at apo.
00:49Lalo pa at malapit lang sa Marikina River ang kanilang bahay.
00:53Tumutuloy siya ngayon sa Nangka Elementary School na isa sa mga binuksang evacuation centers sa lungsod.
00:59Yun po yung pangamba namin.
01:01Kung yung bahay namin dobo, matatakot po ako baka po.
01:04Kasi umapaw, eh malulubog po.
01:07Ano po talaga kami doon?
01:08Matatrap po talaga kami.
01:10Sana po, eh masolusyonan po yung pagbaha talaga.
01:14Sa tala ng Marikina LGU, umabot na sa mahigit 6,000 evacuees ang kasalukuyang tumutuloy sa evacuation centers.
01:23Nabigyan sila ng meals at food packs ng lokal na pamahalaan.
01:27Nag-ikot sa evacuation centers si Health Secretary Ted Herbosa para kumustahin ang kalagayan ng mga bakwits sa Marikina.
01:34Namigay ang DOH ng karagdagang gamot tulad ng doxycycline, diabetes maintenance, vitamins, hypertension maintenance, antibiotics, gamot sa ubo at first aid kits.
01:47So tuloy ang tulong ng national government sa local government kung ano man ang kailangan nila para makatulong at hindi madisgrasya ang ating mga evacuees.
01:57Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng Marikina LGU para hindi na magkaroon pa ng malawakang pagbaha sa lungsod.
02:03Right now actually yung dredging operations natin hindi naman natin tinitigil pero at the same time meron tayong slow protection na project by JICA and DPWH.
02:15Hindi pa lang siya complete dahil 11 kilometer stretch yung ating ilog pero hopefully kapag yun ay naayos at with the maintenance work ng dredging,
02:24ayan pagpapalalim at pagpapalapad ng ilog, may ibsan yung baha dito sa aming lungsod.
02:30BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.