Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Lubog ngayon sa baha ang buong bayan ng Calumpit sa Bulacan at inaasahan pang palalalain ng high tide bukas.
Ang ilang residente na halos masanay na sa baha, umaasang matutuloy na ang flood control project sa kanilang bayan.
May report si Nico Waje.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Lumbog ngayon sa Baha ang buong bayan ng Kalumpit sa Bulacan at inasaan pang palalalain ng high tide bukas.
00:07Ang ilang residente na halos masanay na sa Baha, umaasang matutuloy na ang flood control project sa kanilang bayan.
00:15Live mula sa Kalumpit Bulacan, may report si Nico Wahe.
00:18Nico!
00:23Atom, isinailalim na sa state of calamity ang Kalumpit Bulacan
00:26matapos lumubog ng lahat ng dalawampu't siyam na barangay dito.
00:30Kabilang yan, ito nga barangay sa pang bayan na palaging binabaha
00:34dahil karugtong nito nga Pampanga River na madalas ay high tide.
00:42Dito lumaki, nakapag-asawa at dito na rin nagka-apo sa barangay sa pang bayan Kalumpit Bulacan si Aling Esmeralda.
00:50Sa lahat doon ang pinagdaanan niya sa buhay, palagi rin niyang kasama, ang Baha.
00:55Halos hindi na raw umalis sa barangay nila magmula noon pa.
00:58Nagkakatalo na lang kung gaano kataas o kababa.
01:01Siguro po, habang ano na yan, yung high tide na yan, baka habang panahon na yan.
01:07Katabi ng barangay ang Pampanga River.
01:09Kailan ba huling nawala ng tubig dito?
01:11Eh, ala pa po. Diretso po.
01:14Noong March, noong tag-araw?
01:16Tag-araw lang po.
01:18Eh, maski po tag-araw, meron po. Hindi naman po nawawala.
01:22Kaya mga bahay nilang ang nag-adjust. Karamihan may second floor.
01:26Marami rin sa mga residente, may kanya-kanyang bangka.
01:29Ang iba naman, sirang ref ang gamit.
01:32Halos araw-araw po, high tide ang nangyayari po sa amin dito.
01:36Kaya po ang mga bata na nag-aaral, nahihirapan po.
01:39Ang mga residente po rito, nahihirapan din po.
01:41Mas malalang tas ng tubig, lalo ngayong masamang panahon.
01:45Nakaambapan tumaas bukas dahil sa inasahang 4.9 meters na high tide.
01:49Mababaw pa nga araw ang bahang ito kung tutuusin.
01:52Dahil sa ngayon, ang nagsasabay pa lang ay ang high tide at ang masamang panahon.
01:56Pero sa oras na bumaba ang tubig mula sa mga karating probinsya gaya ng Nueva Ecija,
02:01itong Barangay Sapang Bayan sa Kalumpit Bulacan ang nagiging catch basin.
02:05Itong bahaging ito, kumaabot sa lagpastao ang baha.
02:08At dahil nga, tila forever ang tubig dito,
02:12isang dang ektaryang sakahang lupa ang hindi na napapakinabangan.
02:15Isang dekada na kanindi nakakapagsaka.
02:18Dahil?
02:19Dahil sa pagkakakuan, pumapasok agad ang alat.
02:23Umaasa silang makababalik muli dahil sa flood control project
02:27na sinimulan na noong nakaraang buwan ng DPWH.
02:30Isa lang ang Barangay Sapang Bayan sa dalawang putsyam na barangay sa Kalumpit
02:33na lubog sa baha ngayon.
02:34Kaya ang lokal na pamahalaan, nagdeklara na ng state of calamity
02:38Handang-handa naman po kami kung ano man po yung disaster po na aming naranasan sa ngayon.
02:45Yung mga dati po hindi nilulubog, ngayon po ay nilulubog na rin.
02:48Lalo higit yung mga subdivision po.
02:52Halos wala nang labasan yung tubig.
02:54Mahigit 40,500 na pamilya na ang apektado,
02:57katumbas ng mahigit 131,000 na individual.
03:00Mahigit 300 namang pamilya ngayon ang nasa evacuation center.
03:04Plano raw ng LGU na magtayo pa ng mas maraming flood control project.
03:07Naging successful yung flood control sa barangay ng Corazon, dito sa bayan.
03:13Bali dati kasi pag ganyang bahaan, halos one month to three months.
03:19Bago makukumupa yung tubig, gano'ng katagal.
03:22Nung ginawa yung flood control doon, na testing nga,
03:26approved siya, bali ngayon, bali one to three days lang.
03:31Atom, ayon sa MDRRMO, ay aabot na sa labing siyam na ektaryang pananim
03:41ang nasira dahil sa pagbaha.
03:43Katumbas siya ng 3.8 million pesos.
03:46At posibleng madagdagan pa yung bukas
03:47dahil sa inaasahang 4.9 meters na high tide
03:51na posibleng magpalawak at magpataas pa ng baha dito.
03:55Atom.
03:55Maraming salamat, Nico Wahil.
03:59Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
04:02Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
04:05Outro
04:17Outro

Recommended