00:00Mahigit sa labing siyam na libong pamilya na ang apektado ng patuloy ng buhos ng ulan sa Pangasinan.
00:07Dahil dito, nananatili sa blue alert status ang lalawigan.
00:11Yan ang ulat ni Jenry Del Rosario ng Philippine Information Agency, Pangasinan.
00:16Nananatili sa ilalim ng blue alert status ang lalawigan ng Pangasinan
00:21habang nagpapatuloy ang pagulan dulot ng habagat na pinalalakas ng low pressure area sa silangang bahagi ng Luzon.
00:28Agad na nagpatupad ng full emergency response ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
00:35upang protektahan ang mga komunidad sa mga lugar na may mataas na banta ng kalamidad.
00:40As of 5pm ng July 21, umabot na sa higit labing siyam na libong pamilya o na sa higit limampu siyam na libong individual
00:47ang naitala ng PDRRMO na naapektuhan ng masamang panahon.
00:52Kagabi, sa kasagsagan ng malakas at walang tigil na ulan,
00:56ay tuloy-tuloy ang ginawang rescue operations ng mga local DRRM
01:00gamit ang mga preposition equipment para sa agarang pagtugon sa mga emergency.
01:05Ayon kay Pia Flores, Emergency Operations Center Unit Head ng PDRRMO,
01:10nananatiling nakaalerto ang lahat ng response teams at patuloy ang heightened monitoring.
01:15For latest advisory po ng pag-asa, mararanasan po natin yung ganitong pag-ulan.
01:22So ina-expect pa rin po natin na may dalang rainfall itong si habagat na maaaring umabot ng 50 to 100 mm of rainfall.
01:31Inaasahan din po natin na itong namong LPA ay may magkakaroon ng panibagong development
01:38na maaaring makaapekto sa ating lalawigan at ina-expect po natin na hanggang weekends po ay makakaranas po tayo ng mga pag-ulan.
01:45Nakapagtala na ng pagbaha sa ilang lugar, kabilang ang Dagupan City, Lingayen, Mga Tarem, Calasyao, Santa Barbara, Aguilar, Bugalyon, Labrador, Dasol at Bayambang.
01:56May mga ilang kakalsadahan din ang nanatiling impossible sa mga light vehicles sa lungsod ng Dagupan
02:01dahil sa pagbaha na sinabayan pa ng mataas na high tide.
02:04Nasa above normal level ang tubig sa mga ilog ng Balintaging sa Mabini, Banyaga sa Bugalyon, Kayanga sa San Fabian at Pantal sa Dagupan.
02:13Samantala, umabot na sa critical level ang Marusay River sa Calasyao at sinukalan sa Santa Barbara as of 5 a.m. ngayong araw.
02:22Sa San Nicolás, isang landslide ang naganap sa kahabaan ng Villa Verde Road dahilan upang agad na magsagawa ng clearing operations sa tulong ng Department of Public Works and Highways.
02:32Samantala, sa agrikultura, umabot na sa higit 7 milyon ang estimated damages sa mga high-value crops at mga palay
02:40habang higit 104,000 ang naitalang damages sa livestock kung saan nalunod o namatay dahil sa hypothermia ang mga alagang baka, kalabaw, pato at kambing.
02:51Isang minorde-edad naman ang naitalang nasugatan sa bayan ng Dasul dahil sa nahulog na debris mula sa bahay na nahulugan ng naputol na puno noong July 19.
03:02Nagtutulungan naman ang Provincial Social Welfare and Development Office at mga lokal na opisyal sa pagbibigay ng tulong, relief goods at psychosocial support sa mga apektado.
03:12Dagdag pa ni Flores, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng PDRRMO sa Office of Civil Defense Ilocos para sa posibling dagdag na logistics, tauhan at kagamitan.
03:22Nagbabala rin ang PDRRMO sa mga manging isda na huwag munang pumalaot dahil sa umiiral na gale warning.
03:29Nanatiling suspendido ang klase at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong July 22 dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
03:37Mula rito sa Santa Barbara, Pangasinan, para sa Integrated State Media, Jendry Del Rosario ng Philippine Information Agency, Pangasinan.