00:00Nananatiling naka-alerto ang iba't ibang ahensyo ng gobyerno para mabilis na maka-responde sa mga nangangailangan ngayong mayroong kalamidad.
00:08Inangulat ni Harley Valbuena.
00:11Bagamat kasalukuyan pang rumeresponde sa epekto ng Bagyong Crising at Habagat,
00:17nakaanda na rin ang Disaster Response Agencies ng gobyerno sa Bagyong Dante at iba pang namumuong sa manang panahon.
00:25Sa press briefing sa Malacanang, inihayag ng Office of Civil Defense na nananatili silang nakared-alert at nakahanda ang kanilang assets at search, rescue, and retrieval teams.
00:37Katuwang ang iba pang ahensya para sa inasaang patuloy na pagulan hanggang sa biyernes.
00:42We have around 15,057 SRR units from the Armed Forces of the Philippines, ang Coast Guard, halos 5,000, sa PNP, 817, and ang Bureau of Fire Protection natin, 26,773 SRR units.
01:00Kasama po natin dyan ang ating DPWH na meron pong naka-ready clearing teams na umabot na 5,706 teams.
01:10May nakastandby din ang OCD na 1,600 trucks at mga aeroplano at chopper para sa air support upang mas mabilis na mayatid ang relief goods sa mga sinalantang lugar.
01:23Ang Department of Social Welfare and Development nakapaglabas na ng 92,519 na family food packs simula pa noong nakarang linggo.
01:33Pero mayroon pa silang stockpile na 3,000,000 family food packs at ipinagpapatuloy din ang pagpaproduce ng food packs araw-araw.
01:43Sa katunayan ng ating repacking center sa Pasay at sa Cebu, tuloy-tuloy ang production na nakaproduce sila ng 10,000 to 20,000 kada araw.
01:53Para masigurado natin na makasunod tayo sa instruction ng ating Pangulo na walang pamilyang Pilipino na apektado ang magugutom.
02:00Sa pinakauling ulat ng DSWD, umabot na sa 490,480 na pamilya ang apektado ng bagyong kursing at habagat.
02:1214,191 sa kanila ay nasa evacuation centers.
02:17Sa kasalukuyan naman ay nasa 500 evacuation centers ang binuksan nationwide.
02:23Sa harap naman ang nagpapatuloy na sama ng panahon, patuloy na pinapalalahana ng mga residente na makinig sa babala ng mga otoridad.
02:30At lumikas na kung kinakailangan, dahil bibigyan naman sila ng tulong pagdating sa evacuation centers.
02:38Kung may kailangan pong panawagan na mag-preemptive evacuation, sumunod po tayo.
02:44Nakaanda po ang gobyerno na magbigay ayuda o tulong.
02:48Nandyan po ang ating DSWD, ang ating DOH, ang ating armed forces na andang tumulong at magbigay suporta sa ating mga local government units.
02:57Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.