Sinagip naman ng bayanihan ang ilang binaha sa Parañaque kabilang ang ilang senior, buntis at mga bata.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sinagip naman ng bayanihan ang ilang binakas sa Paranaque kabilang ang ilang senior, buntis at mga bata.
00:07Mula po sa Sukat, Paranaque, nakatutok live si Mariz Umali. Mariz.
00:15Emil, kung ramdam ang hagupit ng habagat dito sa Paranaque, ramdam din ang bayanihan at pagmamalasakit na mga rescuer, lalo na sa mga lugar na nalubog sa baha.
00:26Sa gitna ng halos walang tigil na pagulan, tulong-tulong ang mga rescuer na ito para mailipat ang bedridden na senior citizen sa isang evacuation center.
00:38May isa pang senior na kinarga na ng rescuer.
00:42Nirescue rin ang isang bagong panganak na ginang at ang kanyang sanggol.
00:46Halos pabalik-balik naman ang mga rescuer mula sa Barangay San Junisio Disaster Risk Reduction and Management Office
00:52at ang Paranaque Dunggalo Fire Volunteers para magsalba ng mga stranded sa kanilang mga tahanan.
00:58Dito sa Barangay San Junisio, apat na bata ang pinarescue ng kanilang magulang dahil hindi pa rin humuhupa ang baha sa kanila.
01:05Kasi may paralyzed po kami sa bahay.
01:09Kahit pahirapan sinikap ng 68-anyos na ginang na sumakay ng bangka, madala lang siya sa ospital para sa nakaschedule na dialysis.
01:17Many times a week. Tapos pag 8 months na ngayon, ibang makirandam ko pag napalyahan, hindi ako mga kaling.
01:30Nenso matagal na daw po tumila yung ulan pero hanggang ngayon makikita ninyo, mapapansin ninyo,
01:35hindi pa rin humuhupa ng tuluyan yung baha dito sa May A. Santos, dito po sa Sukat, Paranaque.
01:41At makikita natin na kahit saan direksyon kayo, tumingin, bumaling, e talagang lubog pa rin sa baha.
01:50Hindi na po ito possible. Kahit nga po yung makikita ninyo, yung mga malalaking truck, yung bumbero,
01:56at marami pa pang mga sasakyan dito ay tumirik na.
02:00Ang angkos, yung creek doon na nasira indike. Dito na pumasok sa kalsada yung lahat ng tubig.
02:07Kaya kahit wala ng ulan po, yung tubig mataas pa rin.
02:11Buti na lang maraming mga rescuer ang may mga bangka para isa kayo mga stranded.
02:15Kasi po ma'am, may flight po ako mamaya. So na-stranded po, galing po ako ng Sampaloc.
02:21Thankful po kami kasi nandito po sila kuyan na nag-rescue po sa amin na hanggang po dito sa may SM Sukat,
02:28nirescue po kami para lang po makaabot po kami sa may LRT.
02:31Galing po ako sa Alabang Ma'am. Akala ko po may masasakyan, bahang-baha po pala talaga.
02:36Ay, kailangan ko na po umuwi sa Maynila. Hindi ko na po akalaan ganito pala yung sitwasyon.
02:41Pati lang residente naglabas ng bangka o ng pedicab para pagkakitaan.
02:45Meron din pati makeshift na balsa.
02:48Pero ang marami, lakas loob na sumuong na lang sa baha.
02:52Gaya ng bulto ng mga pedestrian na ito, na ang iba umakyat na lang sa Center Island para makatawid.
02:57Nang medyo humupa, nakalusot na rin ang mga truck ng polis na nagsakay ng mas marami pang stranded.
03:10Pero payo ng ilang rescuer.
03:11Payo po sa mga lalabas po ng bahay, maaari huwag na po muna.
03:16Manatili na po muna sila sa loob ng bahay nila.
03:18At talagang malalim pa po ang baha kahit saan po tayo pumunta.
03:20Tuloy naman ang paghahanda para may makain ang mga evacuee.
03:27E miya, sa mga sandaling ito, ay tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan.
03:31Kaya naman kung makikita ninyo, sa halip na tuluyang humupa na yung baha,
03:36ay unti-unti na naman po itong tumataas.
03:39At sa mga sandaling ito, makikita ninyo sa aking gilid na marami pong mga motorista
03:46ang tumigil muna.
03:49Dadalong isip sila kung tutuloy sila dahil baka tumirik sila sa gitna.
03:52Yung ibang mga sasakyan na nakita natin, bumabuelta na lamang.
03:55At ang ilang mga residente rito stranded,
03:58naghihintay na masasaki ang bangka o di kaya yung mga truck ng polis
04:02na maaaring nilang masabayan papunta sa kabilang ibayo.
04:04Samantala, update naman po tayo sa mga evacuees.
04:07As of 2 p.m. ay nasa 1,500 families o 4,311 na po na individual
04:12ang inilikas sa 18 evacuation center dito sa Paranaque.
04:17At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Paranaque.