Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Kung hindi baradong imburnal, bumarang water lily sa ilog ang nagpabaha sa Biñan, Laguna. Kaya nagbayanihan ang mga taga-roon para tanggalin ang mga bara.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung hindi baradong imburnal, bumarang water lily sa ilog ang nagpabaka sa Binyan, Laguna.
00:07Kaya nagbayanihan ang mga tagaro na para tanggalin ang mga barah.
00:11Nakatutokon live si June Valoracion. June!
00:19Emil, Mel, lubog ngayon sa bahagin ng low-lying barangay dito sa Binyan City, Laguna.
00:26Bukod sa malakas na ulan, ay nakadagdag pa sa problema ng pagbaha ang mga water lily na nakabara sa isang ilog dito.
00:39Ilog Mariano ang tawag dito ng mga residente.
00:42Isa sa pangunahing lagusan ng tubig ng mga mapababang barangay sa Binyan.
00:47Dala ng malakas na ulan, umapaw ito kaya hindi madaanan ang ilang kalsada.
00:52Kapag masama ang panahon, madalas talagang umaapaw yung tubig dito sa ilog Mariano, dito sa Binyan City, Laguna.
00:59May mga pagkakataon gaya ngayon na mabagal yung pagdaloy ng tubig mula rito sa ilog palabas ng Laguna Lake.
01:06At isa sa mga sinasabing dahilan ay yung mga nakabarang water lily dito sa ilog.
01:12Dahilan kung bakit may mga barangay ngayon ang lubog sa baha.
01:16Nagtulong-tulong ang mga volunteer, taga-barangay at lokal na pamahalaan para maalis ang mga nakabarang water lily.
01:22Mostly po, kusa po kasing tumutubo po ang water lily po.
01:26Pero lagi naman po minomonitor po ng kawanin ng gobyerno.
01:29Lagi po nilang nililines pag alam po nilang may parating po mga bagyo.
01:33Pinagkakakitaan ng mga residente ang pinatuyong water lily.
01:36Ginagawa itong basket.
01:38Pero kapag napabayaan, nakadagdag din ito sa problema ng pagbaha.
01:42Binaha ang mga barangay gaya ng Dilapas at San Jose.
01:45Bitbit ang mga pala at iba pang gamit.
01:48Nagbayanihan ang ilang residente para matanggal ang nakabara sa mga imburnal sa kanilang lugar.
01:53Kapag pinagkuturong-turong para makikitaan ang baha dito sa amin.
01:57Kahit hindi po masyadong malakas ang pagulan po sa Binyan, sa taas po, sa Cavite po.
02:01Nagdadala po sila ng mga tubig po dito sa Laguna Lake.
02:05Kaya po bumabaha po sa amin po.
02:07Unang beses makaaranas si Jezabel na lumikas dahil sa baha.
02:10Dala-dala niya sa evacuation center ang tatlo niyang anak.
02:13Ilang taon na sila?
02:16Ano, 10 at saka 3, 8 months.
02:20Bakit kao?
02:22Nahirapan lang ko kasi yung asawa ko nandun sa trabaho niya.
02:26Malayo sa amin, nasa Cavite po.
02:28Sa tala ng CD-RRMO ng Binyan ay nasa mahigit 250 na pamilya na ang nagsilikas dahil sa pagbaha.
02:41Ang problema sa mga low-lying barangay dito ay kumisan daw inaabot ng buwan bago humupa ang baha sa kanilang lugar.
02:50Emil.
02:50Maraming salamat, June Veneration.

Recommended