Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras: (Part 2) Bagyong Crising at habagat, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong weekend; bagong sama ng panahon, posibleng mabuo; da: Presyo ng isda at 740,000 ektarya ng lupang pang-agrikutura, maaapektuhan ng bagyo; Serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno, isahan na lang sa eGovPH serbisyo hub, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Negros Occidental
00:30Kaya nakaalerto ang PDRRMO sakaling madagdagan pa ang mga evacuees na umabot na ngayon sa mahigit dalawang libong indibidwal.
00:41Sa taas ng baha, di na makadaan ang maliliit na sasakyan kaya kinakailangang mag-drop ng mga residente sa Barangay 5 Isabela kaninang umaga.
00:52Ito rin ang sitwasyon, malapit sa tulay sa Barangay San Vicente sa Bayan ng Bayan ng Binalbagan.
00:57Ayon sa Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, walong LGUs ang apektado ng baha.
01:05Mahigit dalawang daang indibidwal o nasa anim na raang pamilya ang nag-evacuate.
01:09Talara, sa Giapon, ang moderate to heavy rains man. Actually, ang forecast man ipag-asa sa Aton is until this day, July 18, maka-experience agit kita si Giapon sa 100 to 200 millimeters of accumulated rains as tapagid buwas.
01:27Halos hindi naman makita ang ilang kabahayan malapit sa Ilog Hilabangan River sa Barangay Kamugao, Kamangkalang City matapos umapaw.
01:34Nagsagawa na ng rescue operation ng LGU sa apektadong mga residente.
01:38Naka-alerto naman ang mga residente na nakatira malapit sa Bago River sa Bago City dahil sa patuloy na pag-ulan.
01:44Hindi pa manipakta ng inyo nga, ano, machimpo sa mga sige pa ulan. Siguro, maawaawas gini.
01:52Ang mga residente sa Coastal Area sa Barangay Banago, nag-aalala rin sa malakas na hangin at mataas na alon.
01:59May katulog kay gabag-bus-bus ang hangin. Di maandam ka gijay kay di mong manapaktan.
02:05Mga atopla naman, sige, ano, tukal-tukal, balati. Siyempre, kami gabantay, kami kung anong matabo.
02:12Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ang ilang mangingisda na pumalaot.
02:17Budlay eh, lagko-balod na, ano. Lagko-balod eh, pero tingangin. Antos-antos na kanay eh.
02:30Mel, pinaalalahan na naman ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa low-lying areas,
02:36na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha o landslide.
02:39Dito naman sa bayan ng Ponte Vedra, pinag-iingat ang ilang mga motorista,
02:44lalo na at may ilang kasada na binabaha bunsod ng pagulan.
02:48Balik sa inyo dyan, Mel.
02:50Maraming salamat sa iyo, Aileen Pedreso, ng GMA Regional TV.
02:56Apektado na ang presyo ng isda at ilang gulay ng bagyong krising.
03:00Sa taya naman ng Agriculture Department, mahigit 700 hektarya ng agrikultura
03:04ang posibleng maafekto ka ng bagyo.
03:06Nakatutok si Bernad Reyes.
03:08Kasamang inanod ng baha sa Poblasyon National Road sa Occidental Mindoro
03:16ang mga punla ng palay na ito.
03:18Mga punla, naanod na.
03:20Ang ilang residente, kanya-kanyang kuha ng punla sa pag-asang mapapakinabangan pa.
03:26Ayon sa Department of Agriculture,
03:28tinatayang mahigit 740,000 hektars na lupang agrikultura
03:32ang posibleng maapektuhan ng bagyong krising.
03:35Handa raw ang DA na magbigay ng tulong sa mga maapektuhan.
03:40Kailangan yung kanilang palayan, nakaregister yan.
03:42Nakastandby yung ating mga regional field offices in partnership with the LGUs
03:48for the prepositioning ng mga binhi, pataba, biologics kung may maapektuhan ng mga livestock.
03:56Ramdam na rin ang epekto ng bagyo sa presyo at supply ng isda.
03:59Sa pwestong ito, dito sa Mega Q Mart sa Quezon City, may ilang klase ng isda
04:05ang wala raw dumating na supply ngayong araw.
04:08Kaya naman sa halip ng mga sariwa, imported ang tinitinda nila ngayon.
04:12Hasa-hasa, alumahan, yun po ang wala kasi may bagyo po.
04:17Mahirap po ang huli ngayon.
04:19Ganito rin ang sitwasyon sa Marikina Public Market
04:22kung saan tumaas ng 20 pesos ang kilo ng ilang isda tulad ng matambaka.
04:26Yung wala ngayon, sap-sap, talakitok, maya-maya.
04:33Ano pang wala?
04:34Espada.
04:35Espada.
04:36Bilis.
04:37Siguro sa bagyo, walang makuha sa dagat.
04:42Ayon sa DA, maaaring epekto ito ng hindi pagpalaot ng mga maying misda para sa kanilang kaligtasan.
04:49Sa gulay naman, kapansin-pansin raw ang epekto ng bagyo sa kalidadan.
04:52Ang siguro dahil sa ulan, yung mga gulay pumapangit na yung quality, katulad yung mga dahon, nagsisira-sira na, nalulusaw.
05:01Medyo nagbabasa po siya.
05:03Basa po siya. Medyo nasisira po.
05:06Kagaya ng Repolyo, pag po umuulan, nababasa po siya.
05:10Nasisira po.
05:10Nagsimula na rin tumaas ang presyo ng ilang gulay bagyo tulad ng Repolyo, Pechay Bagyo at Carots na tumaas ng 20 hanggang 40 pesos depende sa palengke tulad sa Marikina Public Market.
05:23Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
05:28Hindi na kailangang magpalipat-lipat ng lugar kung may transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
05:36Pwedeng isahan na lang yan sa inilunsad na EGOG PH Servisyong Hub sa Sarwan.
05:43Ang proseso, sinubukan at tinutukan ni Ivan Mayrina.
05:47NBI o Police Clearance? Check.
05:53Birth or Marriage Certificate mula sa PSA? Check.
05:57Lahat ng karaniwang servisyo-transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno matatagpuan dito sa EGOG Servisyo Hub sa San Juan.
06:04Kaya naman sinamantala ko na na makapag-update ang aking records sa SSS at PhilHealth at kumuha ng kopya ng birth certificate mula sa PSA.
06:12Lahat sa loob lamang na humigit kumulang 30 minuto.
06:15Una lamang mga one-stop-shop servisyo hub na ito na pinasinayaan kanina ni Pangulong Bongbong Marcos.
06:21We'll also do the same thing for all the local governments around the country.
06:26And I think that that is a very, very important development.
06:31Because we are trying to make things easier for our kababayans so that they can go about their business na hindi naman sila nahihirapan.
06:43At kung ano-ano pangangailangan na nauubos ang oras nila.
06:49Para hindi dumugin, kailangan mag-set ang appointment sa pamagitan ng EGOV PH Super App.
06:54Ito ang EGOV PH App sa aking telepono.
06:58Madali lang i-download dyan. Pwede sa iOS, pwede sa Android at libre lang ang pag-download sa app.
07:02Sa bungan pala, makikita mo na NGA, National Government Agencies.
07:07Scroll mo lang yan, makikita mo mga hensya ng pamahalaan kung saan gusto mo kumuha ng servisyo.
07:12Makikita mo na dito halimbawa, PhilHealth.
07:15I-check mo ang records mo kung magkano ang iyong contributions, magkano na ang iyong claims.
07:21At syempre, yung mga lokal na pamahalaan, konektado na rin sa EGOV PH App.
07:26At bago kayo magtungo sa inyong munisipyo o city hall, check nyo muna baka konektado na ang inyong LGU at baka hindi nyo na kailangang sumadya pa sa kanila.
07:35Sa ngayon ay may 14 million users na rin ng EGOV PH App at umabot na sa mahigit 200 million transactions ang naisagawa rito.
07:43Isa sa mga pinaplansyang servisyong idaragdag dito, ang pagbabayad ng buwi sa BIR na pwede na rin gawin online.
07:50Napakadali, it's very intuitive and it is now that goes these two elements, the one-stop shop plus the EGOV PH, eh mapupunta na tayo.
08:02Doon sa amin, ang aking instruction sa kanila, walang korupsyon, walang fixer, walang pila.
08:10Para sa GMainting Rated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
08:15Mga kapuso, alamin natin ang magiging lagay ng panahon ngayong weekend, lalo tatawid sa lupa, ang bagyong krising.
08:24Maki-update tayo kay Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor!
08:32Salamat, Emil. Mga kapuso, ngayong gabi nga po, posibli pong dumaan o mag-landfall itong bagyong krising.
08:37Diyan po yan sa bahagi ng Cagayan o di kaya naman sa may Babuyan Islands.
08:41At dahil pa rin po dito sa bagyong krising at sa hinahatak po nito o pinalalakas na habagat,
08:46posibling magpatuloy po ang mga pag-ulana sa ilang bahagi ng ating bansa ngayong weekend.
08:51Base po sa latest bulletin ng pag-asa, nakataas pa rin ang signal number 2.
08:55Diyan po yan sa Batanes.
08:56Cagayan, kasama po ang Babuyan Islands, Isabela, Apayaw, Kalinga, northern at central portions ng Abra,
09:02eastern portion ng Mountain Province, eastern portion ng Ifugao, Ilocos Norte at ganun din sa northern portion ng Ilocos Sura.
09:10Sa mga nabangit na lugar, posibli pong maranasan ang masungit na panahon dahil po yan sa direktang epekto ng bagyong krising.
09:17Signal number 1 naman po ang nakataas.
09:19Diyan po yan sa Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi po ng Mountain Province,
09:24natitirang bahagi ng Ifugao at ng Abra, Buong Bingget, natitirang bahagi po ng Ilocos Sura,
09:29La Union, northern portion ng Pangasinana, northern portion ng Aurora,
09:33at pati na rin po sa northeastern portion ng Nueva Ecija.
09:37Dito naman po, posibli pong makaranas ng malakas sa bugso ng hangin na may kasamang mga pagpulana.
09:43Magiging maano naman po sa northern at ganun din dito sa eastern seaboards po ng northern Luzon.
09:48At meron pa rin pong banta ng storm surge o daluyong.
09:51Dito po yan sa Batanes, Cagayan, kasama po ang Babuyan Islands, Isabela at ganun din ito pong Ilocos provinces.
09:59Huling namataan ang sentro ng bagyong krising.
10:01Dito po yan, 135 kilometers silangan po ng Apari, Cagayana.
10:05Taglay po nito ang lakas ng hangin na abot sa 75 kilometers per hour.
10:10At yung pagbugso po nito, 105 kilometers per hour.
10:13Kumikilos po yan pa west-northwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
10:18Ayon po sa pag-aasa, ngayon nga po, inaasahan po natin na posibli po yan mag-landfall ngayong gabi
10:23dito po sa northeastern portion ng Cagayan, o di kaya naman sa bahagi po ng Babuyan Islands.
10:29Pagkatapos po nito, patuloy po yan kikilos pa west-northwest hanggang sa makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility bukas po ng hapon.
10:38Pusibli rin po lalo pa lumakas ang bagyo sa mga susunod na oras.
10:42At mga kapuso, pusibli rin po magkaroon pa ng pagbabago sa pagkilos ng bagyo kaya patuloy po kayong tumutok sa updates.
10:49Hinahatak at pinalalakas pa rin po ng bagyong krising, ito pong hanging habagat.
10:53Kaya po, kahit po yung mga lugar na hindi po direktang dadaanan itong bagyong krising,
10:58ay pusibli pa rin po makaranas ng mga pag-ulana.
11:01Base nga sa datos ng Metro Weather, ngayong gabi may mga malalakas na ulan pa rin.
11:05Dito po yan sa northern Luzon, gano'n din po dito sa ilang bahagi po ng Mimaropa, western Visayas, Leite Provinces.
11:12May mga kalat-kalat na ulan din po dito sa may Central Luzon, pati na rin po dito sa ilang bahagi ng Bicol Region, at pati na rin po sa Mindanao.
11:21Dito naman sa Metro Manila, hindi pa rin po natin inaalis ang chance sa mga pabugsubugsong ulan sa ilang lungsod.
11:28Bukas naman, Sabado, magpapatuloy po yung mataas na chance ng ulan.
11:32Dito po yan sa Ilocos Region, gano'n din dito sa Central Luzon, Calabar Zone, Mimaropa, at pati na rin po dito sa Bicol Region.
11:39Halos gano'n din po ang inaasahan natin sa hapon, pero mas marami na ulit po ang uulan din.
11:44Dito po yan sa bahagi ng Northern Luzon, at pati na rin sa Central Luzon.
11:48Meron pa rin po tayo nakikita ang mga malalakas sa pagulan, yung po yung nagkukulay orange at kulay pula.
11:53Ibig sabihin po yan, heavy to intense pa rin ang mga pagulan.
11:56Sa Visayas at Mindanao area naman, may chance rin po ng ulan bukas ng umaga.
12:00Dito yan sa Panay Island at Negros Island Region, Summer and Leite Provinces.
12:05Gayon din dito sa ilang bahagi po ng Barm at Zamboanga Peninsula.
12:09Magpapatuloy po yung mga pagulan sa hapon at may mga pagulan na rin.
12:13Dito po yan sa May Zamboanga Peninsula, mas malaking bahagi na po yan.
12:16At gano'n din dito sa ilang bahagi po ng Soxar Gel.
12:20Pagsapit po ng linggo mga kapuso, umaga may ulan pa rin po sa Western sections po ng Luzon.
12:25Kasama po dyan, ito pong Ilocos Provinces, Zambales, Bataan, Calabar Zone, Mindoro Provinces,
12:31at ilang bahagi rin po dito sa Bicol Region, Western Visayas, at pati na rin po sa silangang bahagi po ng Visayas.
12:37Pero mga kalat-kalat na ulan po yan.
12:39Sa linggo ng hapon, may mga scattered rains pa rin po dito po yan sa halos buong Luzon.
12:44Nakikita po natin yan.
12:45At bahagyan naman po mababawasan yung mga pagulan dito sa malaking bahagi po ng Visayas at ng Mindanao,
12:51kumpara po sa mga nakalipas na araw.
12:55Sa Metro Manila, mataas pa rin po ang chance ng ulan this weekend.
12:59Mararandaman pa rin po kasi natin yung epekto ng hanging habagat, lalo na po bukas.
13:04Ayon po sa pag-asa, posili po maranasan yung monsoon rains.
13:07May chance rin po ng mga pag-ulan sa linggo yan po mga posibleng pabugsubugso mga pag-ulan,
13:12kaya po patuloy po mag-monitor ng rainfall advisories ng pag-asa.
13:16Samantala mga kapuso, ayon po sa pag-asa, posibleng may mabuong bagong sama ng panahon.
13:22Dito po yan sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.
13:28At tumataas na rin po yung chance na nito na maging bagyo.
13:31Sakali po na matuloy yung pagkakabuo niyan, papangalanan po ito na Bagyong Dante.
13:37Patuloy po natin yung tututukan sa mga susunod na araw.
13:40Yan ang latest sa lagay ng ating panahon.
13:42Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
13:49Bistado ang refilling station sa Pampanga na iligal umanong nagre-refill ng mga tangke ng LPG.
13:55Maraming naiingganyo dahil mura pero lubhang belikado.
13:58Nakatutok si John Consulta, eksklusibo.
14:04Nakasaksak pa sa mga equipment ng establishmento ang mga tangke ng LPG.
14:08Nang abutan ng PNP Highway Patrol Group, ang umanong illegal LPG referring operations ng isang referring station sa Florida Blanca, Pampanga.
14:17Sabay likuran, bumungad naman ang mga luma, kinakalawang at may damage ng mga tangke ng LPG na tinatamper di umano para mapakinabangan pa kahit lubhang peligroso.
14:27While conducting checkpoint, namata nila yung isang tanker na biglang umiwas sa ating checkpoint.
14:35Kaagad naman sinundan natin mga operatiba at napagalaman nila na ito pala ay papunta roon sa isang refilling station na kung saan na iligal na nagkakarga ng mga LPG tank.
14:48Baibang kumpanya ang nagmamayari nitong mga iligal na tank.
14:53Mas bababa raw ang singil sa refilling station kaya marami ang naiingganyo.
14:58Mahalaga nga masawatan natin itong mga iligal na nagre-refill ng mga di-authorisadong tanki dahil madalas ito yung pinagsisimula ng sunog sa ating mga tahanan.
15:10Kung piskado ang inabot ang LPG tanker at mga tanker ng LPG na di pag-aari ng kumpanya,
15:16naarap ang dalawang inarestong tauhan ng refilling station sa reklamang paglabag sa Illegal Refilling Act.
15:21Hanggang sa ngayon ay wala pa silang pahayag. Babala ng HPG sa mga consumers.
15:26Huwag tankilikin itong mga iligal na nagbibenta ng LPG.
15:30Makakamura nga kayo pero sa kalaunan ay mga didisgrasya din kayo.
15:34Para sa GMA Independent News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
15:40Kahit hirap ng maglakad, nanatiling matayog ang pangarap na isang mag-aaral na nakilala namin sa SAMAR.
15:52Bilang pakikiisa sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week,
15:57handog ng GMA Kapuso Foundation sa kanya at iba pang PWD doon, ang mga wheelchair at saklay.
16:05Sa bayan ng Basay sa SAMAR, may ilang kababaihang matatagpuan sa isang kuweba, ang Saob Cave.
16:18Pero hindi sila nakatira rito, kundi sila'y naghahabi.
16:23Gamit ang tikog grass, gumagawa sila ng mga bag, chinelas, laptop case at banig.
16:31Ang temperature dito ay malamig. Ang material kasi namin ay kailangan ang malamig na temperature kaya dito kami gumagawa.
16:40Kasi pag nasa labas kami, lalo na ngayon na mainit, ang tindi na nagiging brittle siya.
16:44Si Lilia, siyam na taong gulang ng matutong maghabi ng banig.
16:49Ito na rin ang pangsuporta niya sa apong si Ken.
16:54Sanlibot limang daan ang kita niya sa bawat banig na magagawa.
16:59Pero simulaan niya ng maaksidente ang apo sa motorsiklo na kailangan ding operahan.
17:07Kinukulang na ang kanyang kita.
17:09Yung mga buto niya nabasak, saka ito naalis.
17:17Apektado po, hindi po nakakapag-aral ngayon.
17:20Hirap ngayong maglakad si Ken at kailangan niya ng wheelchair para makapasok sa eskwelahan.
17:27Kasama si Ken sa 67 beneficiaries na nabigyan ang wheelchair o saklay
17:33ng GMA Kapuso Foundation sa mga bayan ng San Sebastian, Calviga at Masay sa Sama.
17:41Kung may mga pupuntahan din sila, gaya ng magsisimba, pupunta sa school,
17:47pwede po nilang magamit yung mga assistive device na binigay po sa kanila.
17:52Na mahagi rin tayo ng hygiene kits at pagkain.
17:55Malaki yung tulong ng wheelchair kasi makakapasok na ako.
17:59Salamat po sa GMA Kapuso Foundation sa binigay niyong wheelchair.
18:05At sa mga nais makiisa sa aming mga project,
18:08maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account
18:11o magpadala sa Semuana Luolier.
18:14Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
18:21Inalis na ng ride-hailing app na InDrive.
18:23Sa kanilang platform ang driver na nagtangka o manong manaksak ng pasahero
18:27Sa isang pahayag, sinabi ng InDrive na inimbestikaan nila
18:31ang sumbong ng pasahero na tinutukan ang kutsilyo ng driver
18:34nang magreklamo ito dahil sa maling lugar sila ibinababa.
18:39Permanente na raw ang pag-alisan driver sa ride-hailing app.
18:42Sa ngayon, patuloy na sinusubukan ng InDrive na makipag-ugnayan
18:45sa apektadong pasahero para magpaabot ng tulong
18:48kabilang ang pagsasampan ng reklamong kriminal.
18:51Laban sa driver, magsusumiti rin daw sila
18:53ng formal na tugon sa inalabas na show cost order ng LTFRB.
18:57Para natural at walang kemikal,
19:11dumarami ang gumagamit ng mga bulate
19:14para magpataba ng lupa.
19:17Kaya industriya na rin ngayon
19:19ang pagpaparami ng earthworms
19:22na pinadali ng isang automated solution.
19:25Pasintabi po sa mga kumakain
19:28para sa worth it na game-changing technology
19:31hatid ni Martin Avier.
19:33Hindi tulad na akala ng marami,
19:40hindi peste ang mga earthworm.
19:43Mahalaga ang papel ng mga ito
19:44sa pag-transform na organic waste
19:46para maging pataba sa lupa
19:48o vermicast.
19:49Kaya na-develop ang scientific process
19:51ng pagpaparami sa kanila
19:53o vermiculture.
19:54Prosesong mukhang madali, ano?
19:56Easier said than done
19:58dahil hindi raw gano'n kadaling paramihin
20:00ang mga earthworm
20:01gaya ng African nightcrawlers.
20:04Hmm, bakit kaya?
20:08Nakasalalay kasi yan
20:09sa tatlong environmental parameters.
20:12Taamang temperatura,
20:14moisture,
20:15at carbon dioxide level.
20:16Pero mahirap i-monitor ang mga yan
20:19gaya ng nalaman
20:20ng ilang engineering students
20:22from the Technological Institute
20:24of the Philippines.
20:25Kapag-interview po ng mga farmers
20:28din sa Laguna
20:31na determine po namin
20:33yung mga problems.
20:37Kaya goodbye manumanong monitoring
20:39ang naisip nilang solusyon.
20:41Time to upgrade
20:42sa dinevelop nilang vermicometer.
20:45Sistema itong connected
20:46sa internet
20:47na nagmo-monitor
20:48at nagre-regulate sa lupa
20:49kung saan pinaparami
20:51ang bulate
20:51worm bed in real time
20:53sa pamamagitan
20:54ng mga sensors.
20:56Una na rito
20:57ang Capacitive Soil Moisture Sensor.
20:59Ito ay ginagamit
21:00upang mapanatili
21:01ang moisture sa lupa
21:02na siyang may iwasan
21:04ang pagkadehydrate
21:05ng mga worms.
21:06Sumunod ay ang DHT-22
21:08para sa temperature sensor.
21:10Ang sumunod naman
21:11ay ang MG811
21:12para sa carbon dioxide
21:14upang hindi mamatay
21:15ang mga uod
21:16sa pagkaubos
21:17ng kanilang oxygen.
21:19Pag na-sense
21:20na may kailangan baguhin,
21:21automatic na ina-adjust
21:22ng system
21:23ang kondisyon ng lupa.
21:25Once na ma-detect
21:25ni vermicometer
21:26na low na ang moisture,
21:28mag-on yung pump
21:29then solenoid valve.
21:31For our
21:31temperature sensor,
21:33kapag nag-exceed
21:34na sa threshold,
21:36mag-on yung
21:36pelcher module
21:37for temperature control.
21:39and then
21:40kapag
21:42na-detect
21:43ng MG811
21:44na may
21:44carbon dioxide
21:45build-up,
21:46mag-on yung exhaust fan
21:47para ma-expell
21:49yung gas build-up.
21:51May instant alerts
21:52din na natatanggap
21:53ang farmers
21:53anytime,
21:54anywhere.
21:55Lahat ng sensor
21:56readings
21:57na na-detect
21:57ng system
21:58ay madi-display
21:59dito sa loob
22:00ng mobile application.
22:02Nasa 10.46 seconds
22:03ang average response time
22:05ng prototype
22:06na sumailalim na rin
22:07sa testing.
22:08High-tech
22:09pero organic pa rin.
22:10A game-changing
22:11innovation
22:12na makakatulong
22:13sa pag-automate
22:14ng cultivation
22:15ng earthworms
22:16at malaking bagay ito
22:17para sa iba't-ibang
22:19industriya
22:19katulad
22:20ng farming.
22:21Para sa GMA Integrated News,
22:23ako si Martin Abier,
22:25Changing the Game!

Recommended