00:00Samantala, naka-alerto na ang response cluster ng Office of Civil Defense para mabilis na makatugon sa epekto ng bagyong krising.
00:07Inangulat ni Harley Valbuena.
00:11Nakabantay ang Office of Civil Defense, particular sa mga region sa Northern Luzon, na inasa ang tutumbukin ng bagyong krising.
00:20Ayon sa OCD, inactivate na ang response cluster para sa pag-rescue at pag-responde sa mga posibleng biktima.
00:27Kinansala na rin ang lahat ng flights sa Cagayan Valley at ipinagbabawal na rin muna ang paglalayag sa karagatan.
00:34Ipinagutos na rin ang pre-emptive evacuation sa mga lugar na posibleng bahain o makaranas ng landslide.
00:42Nakapreposesyo na ang food at non-food items kasama na ang mga gamot.
00:47Inactivate na namin yung aming response cluster, ang ating AFP, ang PNP, ang BFP at ang ating cost guard.
00:54Yung sa DOI naman po natin, meron na silang mga preposition na mga medisina po.
01:03Sa ngayon, ay libo-libong pamilya na ang napaulat na apektado ng bagyo mula sa Mimaropa, Region 6, Region 7 at Region 12.
01:13Pero sa Region 2, pinagahandaan ang posibleng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam at pag-apaw ng Cagayan River sakaling lumakas pa ang ulan.
01:22Doon sa scenario building, ito pong mga kababayan natin who might be affected kung sakali nga po na may umapaw na rivers.
01:31Hindi lang dito sa Cagayan and in other areas also.
01:34So ito po yung mga kumbaga paunang inabisuhan na mag-preemptive evacuation.
01:39Patuloy ang pakikipagugnayan ng OCD sa Regional DRM Councils habang ramdam pa ang hagupit ng bagyo.
01:45Ibinabala naman ito na dapat din mag-ingat kahit ang mga lugar na malayo sa bagyo dahil pinalalakas ni Kresing ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
01:56Right now, we are actually looking at buong Pilipinas po because itong bagyong Kresing ay pinalalakas niya ang habagat.
02:07So meaning, ang binabantayan talaga natin ay yung baha or rather the amount of rain na dadalhin itong habagat at saka magdudulot, maari magdulot ng mga pagbaha at saka mga landslide.
02:19Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.