Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Unan na natin kumustahin ang sitwasyon sa Cagayan.
00:06Connie Rafi, sa mga oras na ito ay patuloy na nakakaranas ng pabugso-bugsong pagulan dito sa Bayan ng Lalo, sa Lalawigan ng Cagayan.
00:14Dulot nga po yan ang Bagyong Kriseng.
00:16Pero Connie, doon sa mga nadaanan natin na ilapang mga bayan patungo dito sa lugar, ay malakas ang boos ng ulan.
00:23Umaga pa lang ay pabugso-bugso na ang pagulan sa Togigaraw City.
00:26Sa Bayan ng Igig, halos mag-zero visibility sa Maharlika Highway, kaya nagmenor ang mga sasakyan.
00:32May ilang bahagi ng kalsada na gator deep ang pagbaha. Malakas din ang boos ng ulan sa Bayan ng Amulung.
00:39Ganyan din ang sitwasyon sa isang bahagi ng Bayan ng Gataran, kaya iilan na lang makikita ang motorisa sa daan.
00:45Ang Provincia Disaster Risk Reduction and Management Office, kahapon pa nagtaas ng red alert status.
00:51May ikpit na binabantayan ng labing limang coastal municipalities, pinag-iingat ang mga residente sa banta ng storm surge o daluyong.
00:58Ipinagbabawal din ang paglalayag, pangingisda at paglangoy sa buong lalawigan.
01:02Handang-handa na rin sa pitong quick response stations ang mga search and rescue equipment.
01:07Dahil naman, Connie, dito sa patuloy na nararanasan na pagulan dito sa lalawigan ng Cagayan,
01:12may ikpit na minomonitor ng mga otoridad yung antas ng tubig sa Cagayan River at iba pang tributaris nito,
01:18gaya ng Pinakanuan River at Chico River.
01:20Yan muna ilitas mula dito sa Cagayan. Balik sa'yo, Connie.
01:23Marami salamat, James Agustin.
01:26May mga lugar pang nagsuspindi ng klase dahil pa rin po sa masamang panahong dulot ng Bagyong Crising at Habagat.
01:33Wala pong pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Mandaluyong at sa Talisay Negros Occidental.
01:40Ngayon din sa mga lalawigan ng Bataan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Negros Oriental.
01:46Kanselado na rin ang panghapong klase mula kinder hanggang grade 12 sa lahat ng public schools sa Quezon City.
01:53Kasama rin dyan ang Child Development Centers at Alternative Learning System.
01:58Sa Quezon Province, wala rin pasok ang kinder hanggang grade 12 sa public at private schools doon.
02:04Shift naman muna sa online o modular learning ang lahat ng antas sa muntin lupa.
02:08Wala rin muna ang in-person classes, ang kinder hanggang grade 12 sa Taguig.
02:15Tutok lang po sa balitang hali para sa iba pang anunsyo ng class suspensions.
02:21Habagat naman po ang nagdulot ng masamang panahon sa ilang lugar sa Western Visayas.
02:26Dahil sa pagulan sa Sebaste Antique, nagka-landslide sa Barangay Abiera.
02:30Bukod po sa mga natumbang puno, tatlong bahay ang natabunan.
02:35Ang isa sa mga ito, halos umabot na sa bubong ang gumuhong lupa.
02:39Isang lalaki naman ang tinangay rao ng baha sa Barangay Bakalan.
02:44Patuloy ang paghahanap sa kanya.
02:46Binaharin po ang bayan ng Kulasi.
02:49Bukod sa mga kalsada, pinasok na rin po ng tubig ang ilang paaralan.
02:53Sa Negros Occidental naman, isang kabaong ang inilipat sa gitna ng buhos ng ulan sa Kabangkalan.
03:00Binaharaw kasi ang bahay kung saan ito unang nakaburol.
03:04Hindi rin nakaligtas sa baha.
03:05Ang babuya na ito sa Barangay Karadyoan sa Himamaylan.
03:10May mga residente sa iba't ibang lugar sa probinsya ang inilikas dahil sa pagtaas ng tubig.
03:17Binaharin po ang ilang probinsya sa Mindanao dahil din sa hanging habagat.
03:21May naitalaring paghuho ng lupa.
03:24Balitang hatid ni Bam Alegre.
03:29Dahil sa malakas na onlan sa San Buangas City, umabot hanggang bewang ang baha sa Barangay San Jose Gusu.
03:35Gumamit ng rubber boat ang mga rescuer para ilikas ang ilang residente.
03:39Nasira naman ang ilang bahay sa coastal area dahil sa malakas na alon at hangin.
03:43Dalawang barko ang sumadsad sa dalampasingan ng Barangay Maasin.
03:46Isang passenger vessel naman ang halos dumikit sa seawall sa RT Lim Boulevard.
03:51Kwento naman ni U.S. Cooper Julius Sino Haiktin.
03:54Nabagsangan ng puno ang bubong ng kanilang bahay sa dapitan sa Buanga del Norte.
03:58Dulo daw ito ng malakas na ulan at hangin.
04:00Ligtas naman ang kanyang pamilya.
04:03Sa Lebak, Sultan Kudarat, pinasok ng baha ang isang bahay sa Barangay Purigay.
04:07Galing daw ang tubig sa umabaw na kanal.
04:10Ayon sa Lebak MDRMO, mahigit isang daang pamilya ang naapektuhan ng baha sa pitong barangay.
04:15Sa bayan ng Kalamansig, gumuhong lupa at kahoy ang humambalang sa isang kalsada sa Barangay Sabanal dahil sa patuloy na pagulan.
04:23Ayon sa pag-asa, hanging habagat na nagpapaulan sa mga probinsya sa Mindanao.
04:27Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:32Kaugnay po sa kahandaan at pagdugon naman sa mga lugar na apektado ng bagyong krising at habagat.
04:37Kausapin po natin si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo.
04:41Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halit.
04:46Magandang umaga, Connie. Magandang umaga sa ating mga viewers.
04:49Yes, sir. Bago po sa, o base po doon sa latest assessment ninyo,
04:53ano mga probinsya o rehyon ang matinding maapektuhan kaya itong bagyong krising
04:57at maging nang pinalalakas itong habagat?
05:01Opo, medyo malawak nga po ang tinitingnan natin ng mga rehyon,
05:05ano na maapektuhan itong bagyong krising kasi kung mga hinihilan nito ang hanging habagat.
05:11In terms of mga probinsya po at mga rehyon, ano po,
05:15yung bagyong krising po, so ang inabaga natin itong Northern Luzon Regions,
05:19pero ang sinasabi nga po ulit natin, dahil hihilahin ito ang bagyong krising,
05:24ang buong Luzon po at saka ang wisayas,
05:27and some parts of Mindanao ay kumbaga tinutukan din po natin ito na maaaring maapektuhan din po.
05:32Kumbaga, dun sa mga walang bagyo naman, habagat ang problema.
05:36May mga bilang na ho ba tayo ng pamilya o individwa na kinailangan po ilikas bulsud na mga pag-uulang ito?
05:43Opo, sa mga apektadong pamilya po, as of 9 a.m., meron tayong nakatala na 7,500 families,
05:53at saka ang mga 177 families po na ito ay mga nasa loob ng evacuation centers na mga inilikas,
06:00although meron din po mga inilikas na wala po doon sa loob ng evacuation center,
06:04at nasa mga kamag-anak po at sa masliptas na lugar.
06:07Ano yung mga parameters po na tinitignan natin kung patuloy na iiral itong red alert status?
06:14Opo, sa red alert status po kasi, ang tinitignan natin sa ngayon talaga
06:17ay yung bubos ng ulan na maaaring magpabaha at magkaroon ng landslide.
06:23Kaya nga po, naka-red alert status po po.
06:26In fact, sa ilang sandali po, magkakaroon ng briefing po kasama ang ating Pangulo
06:34at saka ang ating mga response agency po,
06:38kabilang na dyan po ang DLWD, ang DALG, ang ating DOSP,
06:43at saka ang Department of Health at iba pong mga ahensya pa.
06:46Meron pa ba kayong mga ginawang adjustments sa OCD pagdating po sa quick response?
06:51Ngayong may pagbabago siyempre sa inyong liderato.
06:55Sa ngayon po, itinutuloy natin yung po anuman yung mga dating ginagawa natin
06:59na mas pinalakas po para dun sa response mechanism.
07:03Saka especially po, ang ating NDRRM operation center natin sa Office of Civil Defense.
07:10Ang main function po namin sa ganitong mga panahon ay really coordinating po
07:14itong ating mga response agencies na kabilang po dito sa ating National DRRM Council.
07:20Oo, at siyempre makikibalitan na rin po kami at makikikamusta
07:23doon sa kahandaan po naman ng OCD matapos makapagtala
07:27ng minor afriato magmatic eruption sa Bulcang Taal.
07:32Opo, doon sa nangyari kahapon ba ng Alastresa
07:36na minor afriato magmatic eruption,
07:39doon naman po kasi sa mga areas po na malapit doon sa Taal,
07:45eh hindi naman po itinakitaan ng epekto kahapon.
07:47In fact, ito yung sinasabi last week na magkakaroon ng pagsabog
07:51ay this is just a minor one.
07:53So hindi naman po ito, yeah.
07:55At saka dito naman po kasi ang permanent danger zone natin dito
08:00ay itong Taal volcano island.
08:03So dati pa man po dahil nakataas naman yung alert level 1 dito.
08:08So naka-inplace naman po yung mga paghahanda doon sa mga areas.
08:13Okay, marami pong salamat sa inyong ibinigay sa aming oras dito sa Balitang Hallie, sir.
08:18Walang anuman. Salamat, Connie.
08:20Yan po naman si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo.
08:23Sa gitna ng paghahanap sa Taal Lake para sa mga nawalang sa Bungero
08:30ay nagkaroon nga ng minor phreato magmatic eruption itong vulkan.
08:34Ayon sa Feebox, labing dalawang minutong nagtagal ang pagsabog
08:37pasado alas tres ng hapon kahapon.
08:39Alos isang oras lang yan matapos makabalik sa pampang
08:42ang mga kawaninang soko at divers ng PCG.
08:45Agad din namang nawala ang usok at hilangin palayo sa search area ng PCG.
08:49Ayon sa Feebox, nangyari ang minor phreato magmatic eruption
08:53kapag nagkakaroon ng kontak ang magma sa external water
08:56gaya ng groundwater, tubig dagat o lawa.
09:00Nananatili ngayong sa Alert Level 1 ang vulkang Taal.
09:03Ang buong lawa ng Taal, ligtas naman daw dahil ang itinigbabawalang puntahan ng Feebox
09:07ay ang mismong Volcano Island.
09:19Mga kulimlim at maulan ng panahon dito sa Taal Lake
09:22kung kaya ngayong umaga, hindi mo na pumalaot itong mga divers ng Philippine Coast Guard
09:26para sa kanilang paghanap sa mga nawawalang sa Bungero dito sa lawa.
09:30Kaninang umaga, ituloy-tuloy yung katamtamang lakas na ulan
09:33at hanggang ngayon ay patuloy itong malakas na pagambon
09:36at makulimlim at madilim pa rin dito sa ating kinaroroonan.
09:41Kalmado naman itong lawa at wala tayong malakas na hanging nararanasan.
09:45Maging itong Taal volcano, ikalmado rin ngayong umaga
09:47matapos nga yung minor phreato magmatic eruption kahapon ng hapon.
09:51Ayon sa post ng Feebox sa kanilang social media account
09:53ay 6 na volcanic earthquakes ang kanilang naitala.
09:565 rito ay volcanic tremors.
09:58Pero hindi natin ito naramdaman dahil mahina lang
10:01ang mga ito at naitala ng kanilang mga instrumento
10:03sa mismong volcano island.
10:05Kahapon, matapos ang ilang araw na walang naretrieve
10:08na kahinahalang bagay mula dito sa Taal,
10:10apat na sako ang iniangat mula sa lakebed
10:12na kalauna ay kinuntirma ng DOJ
10:14na dalawa sa mga sako
10:15ay ang naglalaman ng mga kinihinhalang buto ng tao.
10:19Patuloy tayong aantabay kung ngayong hapon
10:21itutuloy ng PCG ang kanilang paghahanap
10:23at kung gaganda na ang panahon
10:25dito sa Batangas.
10:28Phaim hong.
10:29.

Recommended