Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Let's go to the next episode of Ilocos Norte.
00:04J.P. Soriano, J.P.
00:30Kaya ng Egay at Lawin kung saan nga ho nagkaroon ng storm surge at binaha ang ilang coastal barangay.
00:36At Connie, sa mga oras na ito, tumigil lang saglit yung ulan pero pabugso-bugso yung malalakas na ulan dito sa lugar at malalakas nga po yung alon dito sa tapat po ng West Philippine Sea sa barangay Kauwakan, Lawag, Ilocos Norte.
00:48Dahil sa Bagyong Crising, nakataas nga po ang storm signal number 2 sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
00:54Ibig sabihin po, delikado para sa maliliit na bangka ang maglayag sa dagat.
00:58Di man binaha at nakaranas ng storm surge ang mga coastal barangay sa probinsya ngayon, epektado po ang kabuhayan ng mga mangingisda na ilang araw nang hindi makalaot.
01:08Sa buong magdamag, makulimlim at pabugso-bugso sa lawag, Ilocos Norte ang ulan, kabilang na po kaninang umaga.
01:15At isa nga po sa mga binabantayan ng mga otoridad sa tuwing may bagyo ay ang Pad San River dahil noong July 2023 ay tumaas ang antas ng tubig ng ilog dahil sa bagyong Egay.
01:26Dahilan para bahain naman ang maraming sityo at katabing barangay.
01:31Sa official social media page ng probinsya ng Ilocos Norte, e pinag-iingat po ng mga taga-probinsya o mga tiga-city hall at provincial office,
01:40ang mga kababayan nila dahil sa red rainfall warning kaninang umaga na indikasyon ng posibleng pagbaha sa flood-prone areas o yung mga madalas bahain.
01:50Pero sa ating pagkatanong sa local officials dito, wala namang mga reported pa na mga flash floods at pagbaha at naghahanda nga po sila para sa posibleng development at talagang ready po yung mga barangay dito
02:05para kung sakali po magkaroon ng pre-emptive evacuation ay handa pong lilikas yung mga kababayan nila.
02:11At yan muna ang latest. Balik muna sa iyo, Connie.