Kahit hanggang sa huli ay hindi pa rin susuko si Olive (Camille Prats) para makuha si Mookie (Shayne Sava). Kaya para siguraduhin na wala nang makakapigil sa kaniya ay ipapahamak niya si Emma (Katrina Halili). Magtagumpay kaya siya sa makapigil-hiningang pagtatapos na ito?
Subaybayan sa finale ng 'Mommy Dearest' ngayong Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.