00:00Sa Cordillera naman, pinalikas na ang mga residenteng malapit sa mga delikadong lugar bago pa man maramdaman ang bagyong krisin.
00:09Yan ang ulat ni Jess Real Kate Lapisar ng PTV Cordillera.
00:14Naka-blue alert na ngayon ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa banta at posibleng epekto ng bagyong krisin.
00:26Muling nag-convene ang mga miyembro ng DRRM Council para sa risk assessment at pagpaplano sa worst case scenario.
00:35Sa pagtaya ng pag-asa, tatawid ang bagyong krisin sa kalupaan ng Hilagang Luzon.
00:41Kaya nakataas na sa Tropical Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cordillera Region na maaaring makaranas ng malalakas na hangin at pagulan sa susunod na 36 na oras.
00:55Sa pinakahuling hazard information mula sa Mines and Geosciences Bureau, susceptible sa pagguho at pagbaha ang higit dalawang daang barangay sa Abra,
01:06siyam napot siyam na barangay sa Benguet at siyam napot walo sa Mountain Province.
01:12Ang Department of Social Welfare and Development CAR naman, nakahanda na ang kanilang food and non-food items na ipapamahagi sa maaapektuhan ng bagyo.
01:22Mahigit 68,000 family food packs ang inilaan ng DSWD. Mahigit 50,000 ang nasa kanilang warehouses at higit 15,000 naman sa mga lokal na pamahalaan.
01:37Na-activate na po ang ating mga teams para i-monitor po yung maaaring epekto ng bagyo po dito sa region natin.
01:44So aside from the team po dito sa field offices, meron din po tayong mga teams din po sa ating mga SWD offices.
01:52And in collaboration and partnership with the P-Dream O's and the M-Dream O's is nakikiisa din po sila para sa monitoring din po sa kanilang area of responsibility po.
02:03Samantala, puspusan na rin ang paghahanda ng Baguio City DRRM Office sa magiging epekto ng bagyo, lalo na sa mga barangay na binabaha at mataas ang tsansa ng pagguho ng lupa.
02:17Pinapayuhan ang mga residente na magsagawa ng pre-emptive evacuation kung may nakikitang banta sa kanilang paligid bago pa manalasa ang bagyo.
02:27Kung talaga makita natin piligro na at alanganin na yung kanilang lugar, we ask these residents kung possible kung wala silang lilipatang kamaganak dito sa barangay or dito sa ating office na as evacuation.
02:41We observe our surroundings, ating mga nearby residents. Kung may mga piligro pong nakikita nila, i-report po sa ating mga barangay or call 911 at agaran natin ang aksyonan niya.
02:53Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.