Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Tinawag na kasinungalingan ni dating NCR Police Chief Jonnel Estomo ang mga paratang sa kanya ni Julie "Dondon" Patidongan, alias "Totoy” na sangkot siya sa pagkawala ng mga sabungero. Inilabas din niya ang isang sertipikasyon na nagsasabing hindi siya opisyal ng charitable organization ng kumpanyang pagmamay-ari ni Atong Ang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The NCR Police Chief Johnel Estomo
00:30Sa pagharap ni Julie Patidongan alias Totoy sa Napolcom noong lunes,
00:34isa sa mga idinawit niya sa kaso ng mga mising sa bugero, si dating NCR Police Chief Jonel Estomo.
00:40Si Jonel Estomo, siya ay membro ng ALPA.
00:45Pag sinabing ALPA, kasama siya sa hatian na tag 70 milyon.
00:50Isa yan na nag-udyok kay Mr. Atong Ang na boss, patayin mo na si Dundon Patidongan para matapos na yung problema mo na yan.
01:00Giti Estomo, puro kasinungalingan daw ang pinagsasabi ni Patidongan.
01:04Kailangan daw bawiin ito ng Patidongan dahil kung hindi, ay sasampahan niya ito ng reklamo.
01:10Dapat daw mag-public apology sa kanya si Patidongan.
01:25Walang maisip na dahilan si Estomo bakit nadamay siya sa kaso.
01:29Hindi naman daw niya kilala si Alias Totoy.
01:32Si Atong Ang naman ay isang beses lang daw niya nakita.
01:35Inilabas ni Estomo ang sertifikasyon mula sa Pitmaster Foundation na nagsasabing hindi siya trustee o opisyal ng korporasyon
01:53at wala siyang kaugnayan sa business activities o operasyon nito.
01:56Ang Pitmaster Foundation ay charitable organization ng gaming company na Lucky 8 Star Quest na pagmamayari ni Ang.
02:05Sinusubukan pa namin kunin ang reaksyon ni Alias Totoy.
02:08Para sa GMA Integrated News.
02:11June Van Rasyon, nakatutok 24 oras.
02:13Sinagot ni Dondon Patidongan ang hamon sa kanya ni dating NCRPO Chief Johnel Estomo na magsagawa ito ng public apology.
02:22Matapos si Yugnay, ang retiradong police general sa isyo ng missing sa Bungeros.
02:26Sa bagong panayam ng GMA Integrated News, sinabi ni Patidongan na bakit daw siya magbibigay ng public apology gayong wala naman siyang kasalanan.
02:34Tanong pa niya sa ipinakitang sertifikasyon ni Estomo na hindi ito konektado sa Pitmaster Foundation ni Atong Ang, bakit Anya galing doon ang sertifikasyon?
02:43Dapat daw ay sa Lucky 8, ang gaming company na pagmamayari ni Ang.
02:48Inihinga namin ng reaksyon dito si Ang.

Recommended