Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli kam sa Cebu City, sumalpok ang motosiklong niyan sa railing ng highway sa Barangay Busay.
00:10Sa lakas ng impact, pumilapon ang lalaking rider at angkas niyang babae.
00:15Ayon sa mga saksi, pareho silang nagtamo ng sugat at binala sa ospital.
00:20Sabi naman ng Traffic Enforcement Unit sa lugar, hindi ni-report sa opisina nila ang insidente.
00:26Sumalpok naman sa concrete barrier sa Pasig ang isang pickup.
00:32Paliwanag ng driver na mali siya ng pagtansya sa pagliko sa kalsada.
00:38Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:42Nasira at natumba ang ilang concrete barrier na iyan matapos salpokin ng isang pickup sa Siray Mundo Avenue sa Pasig City mag-aalas-dos ng madaling araw kanina.
00:51Sa lakas ng impact, wasak ang unahang bahagi ng sasakyan.
00:55Nayupi ang gilid at tumagilid ang gulong sa unahan.
00:59Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan.
01:02Biglang malakas yung putok.
01:04Saka kami lumapit.
01:07Ayun na yun na nakita namin.
01:09Kung nagminuri yan, hindi niya abutin ito.
01:13Alakas eh, biglang may lumaga pa eh. Parang pumutok yata yung gulong eh.
01:17Tapos yun na, pagtingin ko bumangga na siya, sumalpok na siya dito.
01:20Tumangging humarap sa kamera ang 58-anyos na driver ng pickup na nakauniforme ng DPWH.
01:26Okay lang, mamaya na ako.
01:30Kwento niya, galing daw sila sa lamay at papuntang DPWH sa Barangay Rosario.
01:35Ay yung driver po natin, habang nagmamaniho po siya, pakanan po ng Sirimundo Avenue,
01:41na miscalculate po niya yung pagkanan po niya at aksidenteng sumalpok po yung sasakyan niya doon sa concrete barrier na nakaposisyon sa gitna ng kalsada.
01:52Kompleto naman po siya, mayroon naman po siyang lisensya at mayroon naman po yung rehestro yung sasakyan po niya.
02:00Sakay ng driver ang tatlong babaeng kaanak nito. Wala namang nasaktan sa insidente.
02:04Na-issuean po siya ng citation ticket po.
02:08Unang-una, kailangan po niyang bayaran yung property ng government of Pasig at pwede na po niyang matubos yung kanyang lisensya.
02:17Hindi po, hindi po nakainom yung driver at aksidente po niya nasalpok po talaga yung concrete barrier.
02:23Pasado alas tres ng madaling araw nang naialis ang humambalang na sasakyan,
02:27na iayos sa mga tumumbang concrete barrier at muling nadaanan ang apektadong kalsada.
02:32E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:38Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahong hatid ng bagyong krising at habagan.
02:44Walang pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Binalbagan at Calatrava sa Negros Occidental.
02:53Shift muna sa alternative delivery mode ang mga paaralan sa kawayan.
02:58Habang modular distance learning naman ang ipatutupad sa hinigaran at himamailan.
03:04Sa dinalungan Aurora, wala rin pong pasok ang lahat ng antas sa public at private schools doon dahil sa power interruption.
03:11Ito'y para bigyang daan ang pagsasayayos ng NGCP sa mga poste ng kuryente sa lugar.
03:17Happy Thursday mga mari at pare ni Reveal ni Sparkle Opa Kim Jisoo ang favorite niyang katrabaho sa GMA Prime series na Sanggang Dikit for Real.
03:35Chika ni Jisoo, si Kapuso Drama King Dennis Trillo ang favorite niyang workmate sa series.
03:43Professional at funny raw ang aktor.
03:46Sabi naman ni Dennis na intimidate siya noong una kay Jisoo hanggang sa na-discover nila na makulit din ang Sparkle Opa.
03:55Nakakasan na rin daw ang TikTok collab ni na Dennis at Jisoo.
03:59Magaling siya mag-adjust at makisama sa mga katrabaho.
04:05Masaya kasi naka-adapt siya dito sa sistema ng mga Pilipino kung paano paggawa ng mga teleserye.
04:13Napapanood na si Jisoo bilang isang hired assassin sa Sanggang Dikit for Real.
04:19Aminado ang Sparkle Opa na nag-adjust siya sa kanyang character at pati na sa ilang fight scenes.
04:29In the Black Rider, it was kind of good way character.
04:34He just like protect someone.
04:36But here is opposite to justice.
04:40He killed the people for money.
04:42He's totally bad guy.
04:43Fight scene is always hard.
04:46And during the hot weather, it's really make me exhausting.
04:51May mga hinukay na buto sa isang sementeryo dito sa Laurel, Batangas.
05:05Hinala ng mga otoridad, may kaugnayan sa kasayan ng mga nawawalang sabongero.
05:10Balita hatid ni Ian Cruz.
05:12May nakitang mga buto ang mga otoridad sa kanilang paghukay sa isang bahagi ng public cemetery sa Laurel, Batangas.
05:22Hinala ng otoridad, mga buto ito ng tao.
05:25Ayon sa sepultorero na nakausap natin, tatlong bangkay yung nilibing niya sa bahaging ito ng public cemetery dito sa Laurel, Batangas.
05:34Ayon sa kanya, hindi magkakasabay yung paglilibing niya dahil magkakahiwalay daw na natagpuan doon sa isang bulbunduking bahagi ng bayang ito yung mga bangkay.
05:44At yung iba naman ay doon pa sa ibang area at inatasan lamang daw siya na ilibing nga dito sa lugar na ito yung mga bangkay.
05:53At sa ngayon naman ay aalamin ng mga otoridad kung yung bang mga inilibing na bangkay dito ay may koneksyon doon sa mga hinahanap na mga nawawalang sabongero.
06:02Ayon sa sepultorero, inilibing niya ang labi, may tatlo hanggang apat na taon na ang nakakaraan.
06:08At sa pagkakaalam niya, mga salvage victim ito.
06:11Tila matagal na rin daw patay nang sila ay matagpuan.
06:13Habang naguhukay, nakabantay sa lugar ang mga taga-forensic group ng PNP.
06:35Naroon din ang mga taga-CIDG ang pangunahin nag-iimbestiga at local police para sa siguridad.
06:41May dagdag-pwersa pa ng Provincial Mobile Force Company ng Batangas Police na dumating para isecure ang lugar.
06:48Inilagay ng forensic team sa body bag ang mga nahukay na buto.
06:52Ipoproseso ito at kukuha na ng DNA profile para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
06:58Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, ang paghukay ay bahagi ng misikasyon sa nawawalang sabongero.
07:05There were some victims found in 2020 that were just buried by the police because nobody claimed them in the pulinaria.
07:15We are assuming them now.
07:17We are setting up the DNA bank that we need to set up because precisely of those people who are missing.
07:22Si Interior Secretary John Vic Remulia nangakong wala silang sasantuhin paugnay ng kaso.
07:28Dahan-dahan talaga nilang tinatahi lahat yan. Pag may natahila nila, kami na General Torrey ang mag-aaresto sa kanila kung sino man sila.
07:35And I repeat, no sacred cause.
07:38Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:41Itinanggi ng tagapagsalita ng Office of the Vice President na konektado pa siya kay Charlie Atong Ang na itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabongero.
07:51Pinalagan din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tila pag-uugnay sa kanya sa issue ng mga nawawalang sabongero.
07:57Balit ang hatid ni Marisol Abduraman.
07:59Ito raw ang naging reaksyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin sa kanya ni Vice President Sara Duterte na tila iniuugnay sa dating Pangulo ang issues and missing sabongero.
08:22Kasunod ng pahayag na ito ni Justice Secretary Crispin Remulia.
08:26May mga taong parehong involved sa pagpatay ng tao sa drug war at sa e-sabong.
08:33That's as far as we can trace right now but we will have to establish clearer links to each other.
08:42Ang negosyanteng si Atong Ang ang itinuturo ng whistleblower na si Pati Dongan na mastermind sa pagpatay sa mga sabongero.
08:49Si Ang ay dating kliyente ni Attorney Ruth Castelo na tagapagsalita na ngayon ng Office of the Vice President.
08:55Pero paglilinaw ni Castelo, matagal na siyang walang koneksyon kay Ang.
08:59Charlie Atong Ang was my client in 2007 for the crime of plunder.
09:06And then we went on probation.
09:09We succeeded in seeking for probation.
09:12And he was given a two-year period.
09:15In 2009 I just got him, I released him from the Bikutan where he stayed.
09:20As soon as he was released from Bikutan in 2009, that was the end of our lawyer-client relationship.
09:27He was never my lawyer again.
09:29Nasa The Hague sa The Netherlands ngayon si VP Sara para dalawin ang amang nakadetain sa International Criminal Court sa Kasong Crimes Against Humanity.
09:38Ang vice, nagpasalamat sa mga senador na nagsusulong ng interim release para sa kanyang ama.
09:43Kasama niya doon ang kaalyalang si Senadora Aimee Marcos.
09:47Nitong lunes lang, inihain ni Marcos ang tinawag niyang President Rodrigo Duterte Act.
09:52Panukalang batas ito na nagbabawal sa mga extraordinary rendition o ang sapilitang paglipat sa isang tao mula sa Pilipinas,
10:00pupunta sa ibang bansa ng walang court order.
10:03Parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon at muntang hanggang 10 milyong piso ang itinagdang parusa sa panukala.
10:10Kaugnay sa impeachment, handa naman daw ang bisin harapin ang kaso.
10:14Matapos dumaba sa resulta ng SWS na 66% ang Pilipino ang nagsabi na dapat harapin ito ang impeachment para masagot ang mga aligasyon laban sa kanya.
10:25Ipinauubayan na raw ng OVP sa Korte Suprema ang usapin sa impeachment.
10:29Pero ayon sa takapagsalita ng OVP, mas mainam daw kung hindi na ito itutuloy.
10:34We'll be very lucky actually as a country because we'll save millions and millions of money on the trial that is technically defective from the beginning.
10:46Mas marami tayong kailangan na pagkagastahan kesa sa trial na matitechnikal rin sa dulo.
10:53Ipanagmalaki naman ng OVP ang mga accomplishment ng tanggapan, kabilang ang libreng sakay na umaabot daw hanggang Tacloban City,
11:00lugar ni Speaker at later Representative Martin Rumualdez.
11:03In Tacloban in particular, the Office of the Vice President really needs to provide the help because we have been consistently asked,
11:13naghihingi ang mga tao sa Office of the Vice President.
11:17Sinabi rin ni Castelo na ang hindi pagbibigay ng pondo para sa mga proyekto ng OVP at ang hindi pagsuporta sa BISE ay the service sa bansa.
11:26Tugo nito ng OVP sa sinasabing spare tire lang ang BISE.
11:29We need a Vice President who is always ready to assume.
11:33The services that are now being delivered by the Vice President through her office
11:38is a way of preparing herself just in case anything happens from now until 2028.
11:45And keeping her out of the loop, whoever the Vice President is,
11:49keeping her out of the loop or not being able to provide funds for her projects and programs,
11:57not being able to support the Vice President is a great disservice to the country.
12:02Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:07Bip, bip, bip, abisa sa mga motorista.
12:16May dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang Caltex Philippines ngayon pong araw.
12:21Batay sa anunsyo ng Caltex, 20 centavos kada litro ang taas presyo sa gasolina.
12:28May dagdag namang 35 centavos ang kada litro ng diesel.
12:3220 centavos naman ang taas presyo sa kerosene.
12:34Kabilang ang oil company sa mga nag-taas presyo na ng kanilang produksyon o produkto nito.

Recommended