Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sumalpok naman sa concrete barrier sa Pasig ang isang pickup.
00:04Paliwanag ng driver na mali siya ng pagtansya sa pagliko sa kalsada.
00:09Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:13Nasira at natumba ang ilang concrete barrier na yan
00:16matapos salpokin ng isang pickup sa Siray Mundo Avenue sa Pasig City
00:21mag-aalas-dos ng madaling araw kanina.
00:23Sa lakas ng impact, wasak ang unahang bahagi ng sasakyan.
00:26Nayupi ang gilid at tumagilid ang gulong sa unahan.
00:31Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan.
00:34Biglang malakas yung putok.
00:36Saka kami lumapit.
00:39Ayun na lang yung nakita namin.
00:41Kung nagminuri yan, hindi niya abutin ito.
00:44Alalas eh, biglang may lumaga pa eh.
00:46Parang pumutok yata yung gulong eh.
00:48Tapos yun na, pagtingin ko bumangga na siya, sumalpok na siya dito.
00:52Tumangging humarap sa kamera ang 58-anyos na driver ng pickup
00:55na naka-uniforme ng DPWH.
00:58Hindi, okay lang. Mamaya na ako.
01:02Kwento niya, galing daw sila sa lamay at papuntang DPWH sa Barangay Rosario.
01:08Yung driver po natin, habang nagmamaniho po siya,
01:10pakanan po ng Sirimundo Avenue,
01:12namin calculate po niya yung pagkanan po niya
01:16at aksidenteng sumalpok po yung sasakyan niya
01:19doon sa concrete barrier na nakaposisyon sa gitna ng kalsada.
01:24Ang kompleto naman po siya, mayroon naman po siyang lisensya
01:26at mayroon naman po yung rehestro yung sasakyan po niya.
01:31Sakay ng driver ang tatlong babaeng kaanak nito.
01:34Wala namang nasaktan sa insidente.
01:36Na-issuean po siya ng citation ticket po.
01:39Una-una, kailangan po niyang bayaran yung property ng government of Pasig
01:44at pwede na po niyang matubos yung kanyang lisensya.
01:48Hindi po, hindi po nakainom yung driver.
01:51At aksidente po niya, nasalpok po talaga yung concrete barrier.
01:55Pasado alas tres ng madaling araw nang naialis ang humambalang na sasakyan,
01:59naiayos sa mga tumumbang concrete barrier
02:01at muling nadaanan ang apektadong kalsada.
02:04EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended