Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Samantala, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Education na mag-hire ng libu-libong guro at administrative staff para mabawasan ang kanilang workload.
00:09Kasunod po yan ang pagbisita niya sa isang paaralan ngayong pasukan.
00:12May ulat on the spot si Darlene Cai.
00:19Connie, ka na tapos lang mag-ikot at mag-inspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa Epifanio de los Santos Elementary School o EDCES sa Malate, Maynila.
00:29Isa raw itong EDCES sa mga pinakamalalaking elementary schools sa buong lungsod.
00:36Bumati at nakipagkwentuhan ng Pangulo sa mga mag-aaral, magulang at mga guro.
00:41Sa isang punto, pumasok siya sa isang classroom o sa classroom ng Juan Gumamela para subukin ang reading skills ng ilang grade 1 students sa pamamagitan ng flashcards.
00:51Ininspeksyon din ng Pangulo ang security system ng eskwelahan.
00:54May Zoom meeting din na nakaset up kung saan nakausap ng Pangulo ang mga kinatawa ng hindi bababa sa siyam na eskwelahan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
01:04Kinumusta niya ang pagbubukas ng klase at ang mga issue na kinaharap nila.
01:08Sabi ng Pangulo, inutusan niya na raw ang DepEd na mag-hire ng 20,000 bagong guro at 10,000 bagong administrative staff para raw ito madagdagan ang mga guro at mabawasan ng load o mga tungkulin nila.
01:21Nais daw ng Pangulo na nakafocus lang o nakatutok lang sa pagtuturo ang mga guro.
01:27Nabababaan din si Pangulong Bongbong Marcos sa 60% ng mga eskwelahan sa Pilipinas na may internet connection.
01:33Kaya inutusan niya na raw ang DICT na solusyonan ito.
01:36Kaakibat din ito ang pagsisigurong maayos ang supply ng kuryente.
01:40Kasama sa inspeksyon, si DepEd Secretary Sonny Angara na sinabing maayos at wala naman daw reported incidents sa pagbubukas ng klase sa buong bansa.
01:49Dito raw sa EDCES, may nakita lang na minor repairs na kailangan gaya ng pag-aayos ng pintura sa iba't ibang bahagi ng pasilidad.
01:58Connie, dahil malaking eskwelahan nitong EDCES ay wala silang problema sa kakulangan ng classroom.
02:02Kaya hindi nila ginagawa yung shifting.
02:05Kaya sa mga oras na ito ay pauwi na ang lahat ng mga estudyante nitong paaralan.
02:10Yan ang latest mula rito sa Malati, Maynila. Balik sa'yo, Connie.
02:12Maraming salamat, Darlene Kai.
02:14Maraming salamat, Darlene Kai.

Recommended