Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Scholar ng bayang patuloy na lumalaban.
00:09Ganyan po ang ipinakitang fighting spirit ng isang fresh graduate
00:14na sa kabila ng pagkakaroon ng brain tumor ay nagtapos ng suma cum laude sa UP Dileman.
00:20Narito ang kanyang kwentong success!
00:23Sa bawat hakbang niya patungo sa entablado, bitbit ni Crystal Joy Swin hindi lang ang pangarap, kundi lakas ng loob.
00:35Sa likod kasi ng matamis ng ngiti, may isa pa siyang laba na hindi basta-basta.
00:40Bagong graduate ng BS Geodetic Engineering sa University of the Philippines Dileman si Crystal Joy.
00:47Hindi lang nagtapos bilang suma cum laude, nagtagumpay rin sa personal na laban.
00:52Ang buhay na may brain tumor.
00:55Noong November 2024, na-diagnose si Crystal ng isang uri ng tumor sa utak.
01:01Pago ang official diagnosis, isang taon siyang dumaranas ng matinding sakit ng ulo.
01:06Out of nowhere po, sumakita yung buong mukha ko talaga na to.
01:10Tapos kasama po yung ngipin, naiyak na po talaga, nilalagnat na po kasa sakit.
01:15Tapos po yung mata ko, talagang nagkaroon na ng, nag-drop na po siya, bumagsak na.
01:21So may physical manifestation.
01:23Nilalabanan ng sakit habang tinatapos ang college degree.
01:27Malayo sa pamilya at kapos sa pera.
01:30Inako ni Crystal ang lahat mag-isa.
01:33Hanggang sa may mga dumating para damayan siya.
01:36Mula sa mga profesor, kaibigan sa church community at di kakilala.
01:41Sobrang overwhelmed po ako na ang dami pong mabubuting loob na kahit hindi ko po kakilala.
01:48Isa din po yun sa mga dahilan kung bakit sinikap ko po talaga na makapagtapos ng may honor, may Latin honors.
01:54Kasi nakita ko po yung supporta ng community sa akin.
01:58Yung community ko po kasi dito sa UPI, yung church po.
02:04Sobrang nalapit po talaga ako kay God kasi naniniwala po ko na lahat po nung blessings na natatanggap ko galing po talaga sa kanina.
02:14Ang kanyang graduation speech, nagsilbing isang inspirasyon.
02:18Hindi pa siya na-ooperahan pero sa huling MRI, nakita raw na unti-unting lumiliit ang tumor.
02:25Sa ngayon, patuloy raw ang gamutan.
02:27Pero paniniwala ni Christelle, hindi lang ito dahil sa siyensya, kundi dahil sa Diyos.
02:34Sobrang naiyak din po ako nung timeline kasi parang hindi po ako makapaniwala na from kinakailangan na mag-surgery,
02:43tapos malaman na lumiliit yung tumor, tapos napansin ko din po na babawasan din po yung sakit ng ulo.
02:50Pero isa din po kasi sa ginawa ko nun, lifestyle change din po talaga.
02:55Pero maaari pa rin siyang sumailalim sa radiation therapy.
02:59Para kay Christelle, ang pagtatapos ay simula ng isang misyon.
03:03Hindi lang magdisenyo ng mga solusyon sa mundo, kundi pagalingin ang mga sistema ang nangangailangan ng kabutihan.
03:10Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:16Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:19Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
03:25Mag-subscribe sa GMA Monetije Ma.

Recommended