Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00I-dinadain ng ilang resort owners sa Zambales ang coastal erosion
00:04o yun pong unti-unting paguhon ng lupa na nakaka-apekto sa kanilang kabuhayan.
00:10Sinisisi nila ang ginagawa mo ng dredging sa lugar.
00:14Ang tugon po ng lokal na pamalaan sa pagsaksi ni Oscar Oila.
00:23Giba ang ibang mga istruktura ng mga resort dito sa barangay Liuliwa sa San Felipe, Zambales,
00:29ang dinatan namin kaninang umaga.
00:32Ang gusaling ito, itinali na lang para di tuluyang mabuwal.
00:36Ayon sa resort owner na si Erwin,
00:38mangyiyak-ngiyak mo na siya nang tangayin ng alon
00:41ang aabot sa pitong cottage na kapapatayo lang niya.
00:45Ang bilis. Kung baga in a matter of 3 hours,
00:50ang kinakain 10 meters patras.
00:53Kinainan ng dagat yan.
00:55Target daw sana niyang mag-opening ng resort ngayong Agosto,
00:58pero mukhang mauudlot pa raw ito.
01:02Ilan sa mga resort owner na nakausap namin,
01:05mga dating OFW,
01:07isinugal sa pagpapatayo ng resort ang naipon sa pagtatrabaho
01:10sa kagustuang makita ang bunga ng kanilang paghihirap.
01:15Pero ang pangarap, gumuho sa isang iglap.
01:1745 years na subroad, sumugal ako dito.
01:25Pakitapos, gano'n na mayayari.
01:27Dati meron kayong mga regular employee.
01:33Nakiusap na lang muna kami sa kailan na on-call na lang sila.
01:35Yung pa isang impact.
01:36Sa loob ng labing pitong taon,
01:45ngayon lang daw ito nangyari.
01:47Partida, wala pa umanong bago yan.
01:50Ang sinisisi ng mga taga dito.
01:53Dredging kasi ilang barko yan tuwing gabi,
01:56ang kinukuha dyan na puno yung buhangin.
02:00Siyempre, lumalalim yan.
02:01Ang alam ko, 40 meters yung lalim yan eh.
02:04Natural, pagka yan ay kinunan mo tapos umalon,
02:09kukunin yan.
02:11Kupunan yun.
02:1224-7, dalawang taon.
02:15Gano'n na ginawa.
02:15After that, yan na.
02:18Yan na.
02:19Gumuli niya.
02:19Yung dati namin yung beachfront namin na yung mga 70 meters.
02:25Ngayon, 10 meters na lang.
02:28Batuhan pa.
02:29Ayon sa mayor ng San Felipe,
02:31tanging mga eksperto lang daw ang makakapagsabi
02:34kung ano ang sanhin ito.
02:36Pero kung siya raw ang tatanungin,
02:38dapat daw tandaan na dati naman talagang bahagi ng karagatan
02:42ang nasabing barangay.
02:44At kaya lang umano nagkalupa dito
02:46ay bunsod na akrisyon at buhangin binagsak sa lugar
02:50sa pagputok ng bulkang pinatubo.
02:53Sa aking pananaw,
02:55ang action ng sea is a continuous erosion and akrisyon.
03:03Akrisyon, pag maraming buhangin na inespread out sa coastal,
03:08madadagdagan yung aming coastal.
03:09Erosyon, kung wala nang nadadagdag na buhangin
03:15but instead, nawawash out ng buhangin towards the sea.
03:19It's a continuous phenomenon.
03:22Akrisyon, erosion, akrisyon.
03:23Dagdag pa ni Mayor,
03:25bago pa man daw nagsimula ang dredging,
03:28may nangyari ng kaparehang insidente.
03:30Even before nag-start yung dredging dyan sa Santo Tomas River,
03:33that was December of 2023,
03:36if I remember correctly,
03:39meron na pinadalang letter and DNA
03:42dun sa isang structure dyan eh.
03:45Notice of violation,
03:47notice of,
03:49I think,
03:51instructed pa sila to leave the coastal area.
03:56Sa ngayon,
03:57nakikipag-ugnayan na umano
03:59ang pamunuan ng San Felipe
04:00sa mga eksperto
04:02sa kung ano ang pinakamainam na hakbang
04:04para masolusyonan ang problema.
04:07Para sa GMA Integrated News,
04:09ako si Oscar Oydang,
04:11inyong Saksi!
04:12Mga kapuso,
04:14maging una sa Saksi.
04:16Mag-subscribe sa GMA Integrated News
04:17sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended