Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tampak-tampak na basura at kakulangan sa drainage system.
00:04Ang mga nakikitang dahilan ng Metro Manila Development Authority o MMDA kung bakit bumabaha.
00:09Ang plano nilang pangmatagalang solusyon, pinag-isang drainage system para sa buong Metro Manila.
00:16May unang balita si Mark Salazar.
00:21Nung isang linggo, rumagasa ang baha sa ilang lugar sa Las Piñas.
00:25Halos anuri naman ang sasakyang ito sa SLEX.
00:37Ang mga lugar na ito sa South ay isa sa walong critical flood-prone areas ng Metro Manila.
00:43Sa bawat lugar, iba ang dahilan ng pagbaha at iba ang kailangang solusyon.
00:48Isa po sa nakaka-apekto dito ng malaki ay yung pong kakulangan ng drainage system,
00:55particularly sa SLEX.
00:57At ganon din po yung Skyway.
00:59Diretso raw po bumabagsak sa karsada.
01:02Wala pong, hindi po makalabas ka agad.
01:05Pero ang long-term solusyon po dito
01:09ay yung tinatawag na Paranaque Spillway Project.
01:15Ang Dolomite Beach naman ang dahilan daw ng pagbaha sa Taft Avenue.
01:19Binarahan kasi ng Dolomite Project ang mga lagusan palabas ng Manila Bay.
01:23Kaya hinahabol ngayong gumawa ng dalawang kapalit na drainage doon.
01:27May tatlong outfall po yan, meaning labasan ng tubig.
01:31Yung faura, remedios, tsaka itong estero, San Antonio Abad.
01:37Noong ginawa po ang Dolomite Beach, sinaran po itong tatlong outfalls na ito.
01:44Kombinasyon ng tatlong mali ang nagpapabaha naman sa Araneta Avenue.
01:50Mababa ang lugar, basura, at kakulangan sa drainage.
01:54Kailangan ng maraming pumping stations sa lugar.
01:57Yung apat pong ginagawang pumping stations funded by World Bank ay naan dyan po.
02:03Yung ROAS 1, ROAS 2, Tatalon, at Doña Imelda Pumping Stations.
02:09So masasabi ko po na pag natapos po itong apat na pumping stations na ito,
02:14substantially, mawawala po ang baha dyan po sa may Araneta Avenue.
02:21Sa kabuan, nare-rehabilitate ang 26 sa 71 pumping stations ng MMDA.
02:27At nagtatayo ng apat na bago.
02:29Maibsan lang ang pagbaha sa umaabot na ngayong 48 na bahaing lugar sa Metro Manila.
02:35Sa halos lahat ng bahaing lugar, basura ang literal na lumulutang na salarin.
02:40Kung bakit literal ding basurang itinapon mo, babalik sa iyo.
02:45Kada araw, halos isandaang cubic meters ng basura ang nahahangon ng MMDA sa mga pumping station na nagbabara at sumisira ng pumping station.
02:56Kahit ano pong linis ang gawin namin, kung patuloy yung pagtatapon ng basura sa ating mga waterways,
03:03eh wala po talagang mangyayari.
03:05Tapos po, sisisihin natin ang pamahalaan. We have to do our share.
03:09Kabilang sa mga long-term solution ang pinag-isang drainage system sa buong Metro Manila.
03:15Ang Marikina Dam na sasalo ng tubig ng Sierra Madre at Paranaque Spillway na magtatapo ng tubig baha mula Laguna Bay palabas ng Manila Bay.
03:24Buo na ang plano sa lahat ng ito. Pondo na lang ang kulang.
03:27Ito ang unang balita. Mark Salazar para sa GMA Integrated News.
03:33Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:37Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended