Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/14/2025
24 Oras: (Part 3) Isang stranded malapit sa talo, patay; iligal na dog fighting sa La Paz, Tarlac, bistado; Kamara, handa umano sakaling paboran ng SC si VP Duterte batay sa technicality ng hinaharap niyang impeachment complaint; usap-usapang performance ni Jillian Ward sa Pride Month event, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbestigahan na rin ang Justice Department kung konektado ang mga pumapatay sa mga sabongero sa mga sangkot noon sa drug war.
00:10Nakatutok si Salima Refran.
00:16Kasunod ng pagkakarecover ng mga sakong naglalaman ng mga buto sa Taal Lake,
00:21tumitibay raw ang case build-up ng Department of Justice kaugnay ng mga nawawalang sabongero.
00:26We're going about the narration of patidongan in the moves that we are asking the authorities, meaning the Coast Guard and the Navy, to search.
00:38Mukhang nakasanayan na magtapon talaga ron. It has already become a place to dispose of human remains.
00:47Ang pagkakadiskubre ng mga sako, bunsod ng mga pahayag ng akusadong humaharap ngayon bilang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan.
00:55Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Lemullia, hihintayin ang resulta ng forensic examination sa mga buto at sa DNA matching sa mga kaanak na mga nawawala.
01:06Nagiging malinaw yung legal aspects na kinakailangan namin i-clarify within our ranks.
01:13Hindi pwedeng barabara. It can be murder, it can be kidnapping, it can be a violation of international humanitarian law, it can be a violation of 2851.
01:23So marami kami in-explore dyan na possibilities.
01:25Ipinagkibitbalikat naman ni Remullia ang mga lumalaba sa social media na umano'y tanimsako kasunod ng pagkakadiskubre ng mga ito sa taalik.
01:35Wala yan, kalokohan yan. Alam mo yan, this country is full of politics and troll farms that they always want to spoil whatever good things that we can do as a country.
01:48Iniimbestigahan na rin ang DOJ ang koneksyon ng mga death squad na pumapatay sa mga sabongero at sa mga sangkot naman sa mga pagpatay noong drug war.
01:59May mga taong parehong involved sa pagpatay ng tao sa drug war at sa East London.
02:06As far as we can trace right now, but we will have to establish clearer links to each other.
02:15Tinanong naman si Remullia kung mula sa mga umatras noon, mga kaanak na mga nawawalang sabongero ay may nagpahiwatig ng muling pagnanais na ituloy ang mga kaso.
02:25Di man ito direct ang sinagot ng kalihim. Sabi niya.
02:28The state is the interested party here. Kaya huwag natin sasabihin na porky may pamilyang tumahimik, hindi na sila, hindi na kakasuhan tungkol sa kamag-anak nila. Hindi po.
02:42This is the interest of the state and this is the interest of the people of the Philippines.
02:47Para sa GMA Integrated News, Sanima Refrain, Nagkatutok, 24 Oras.
02:52Mga kapuso, may bagong low-pressure area na nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
03:02Huli itong namataan sa layong 1,880 kilometers east-northeast ng Extreme Nodal Zone.
03:10Ayon sa pag-asa, inaasahan itong lalayo at hindi tutumbukin ang basa,
03:13pero may iba pang cloud cluster o kumpol na mga ulap na minaw-monitor sa silangang bahagi ng Visayas at Mendenau.
03:20Sabi ng pag-asa, may tiyansang mabuo yan bilang panibagong LPA.
03:25Ayon sa latest outlook ng pag-asa, may dalawa pang sama ng panahon na posibleng mabuo o pumasok sa par ngayong linggo.
03:32Isa riyan ang may tiyansang maging bagyo.
03:34Patuloy naman tabay sa mga updates sa mga susunod na araw.
03:37Habagat pa rin ang patuloy na makaka-apekto sa malaking bahagi na bansa.
03:40Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may pag-ulan na sa western portions ng bansa.
03:46Kasama ang Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
03:50Sa kapon, halos buong bansa na ang posibleng ulanin.
03:53Malalakas ang ulan sa malaking bahagi ng Luzon, Panay Island, Eastern at Central Visayas at halos buong Mindanao.
04:00Maging handa pa rin sa banta ng Bacao landslide, may tiyansa rin ang ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila bago magtakali.
04:06Pusibleng maulit yan sa hapon at gabi.
04:10Happy Monday, chikahan mga kapuso!
04:15Exciting times ahead sa Encantadio Chronicles Sangre dahil unti-unti nang matutuklasan ni Tera ang kanyang hidden powers bilang isang sangre.
04:24At available na rin online ang episodes with English subtitle, lalo at ang ilang fans ay mga foreigner.
04:30Makichika kay Nelsang Kanlas.
04:32Wala talagang bumibitaw sa mga Encantadix sa gabi-gabing paggulong ng kwento ng Encantadio Chronicles Sangre.
04:45Nakita na natin kung gaano kabangis sa pakikipaglaban ang karakter ni Bianca Umali at ang siddhi ng damdamin niya para ipagtanggol ang mga naaapi.
04:56Sana nakatulong ako kung hindi na ako napapagasan.
04:59Pero ngayong gabi,
05:03lalabas na rin ang mas malalakas at tunay na kapangyarihan ni Tera bilang isang sangre.
05:10Masarap sa puso na maganda ang pagtanggap ng mga tao.
05:17Yun naman din po talaga ang goal namin ay makapaghatid ng isang magandang kwento at mabigyan ng justice ang Encantadio.
05:23Tanong ng marami, magkikita na rin kaya sila ng kanyang ashti na si Sangre Pirena na magigising ngayong gabi?
05:32Ano kaya ang kahihinatnan kung magsasani puwersa ang dalawang Sangre?
05:38Para kay Pirena Glyza de Castro, hindi lang basta GMA Prime Telefantasha ang gumugulong.
05:44Inukukit na rin nila ang kakaibang kwento sa kalinangan ng mga Pinoy.
05:49Kaya grateful daw siya sa pantangkilik ng ibang lahi sa kanilang serye.
05:54Kabilang ang kanyang supportive husband na si David Rainey na naging pan na raw ng serye.
06:01Naging parte siya ng Pinoy culture.
06:04Kaya nakakatuwa, even with David, sinasabi ko rin na engkwento, ganyan.
06:08Kasi fascinated din siya.
06:09Nanonood na siya ng Encantadio.
06:11Kilala niya na si Perena, si Lamitena, ganyan.
06:14Affected siya.
06:15And thank you GMA for making subtitles sa mga international fans.
06:23Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
06:27Laking gulat ng isang pamilya sa banga South Cotabato
06:30nang may tila naki-joyride na ahas sa kanilang road trip.
06:35My God!
06:37Bye Halas, bye!
06:38Lali, sulod sa ano.
06:40Wala kasi magsulod.
06:40My God!
06:42Napasigaw ang mga sakay ng sasakyan nang lumitaw sa windshield ng isang ahas.
06:46Ayon sa driver, papunta sila sa isang birthday party nitong biyernes
06:50na maparaan sa liblib na kalsada.
06:53Laking gulat na lamang nila nang may biglang sumulpot na ahas.
06:57Hindi sila huminto at ginamit na lamang ang wiper para itaboy ang ahas hanggang sa mawala ito.
07:02Hindi na rin nila nalaman kung saan galing at kung anong klaseng ahas ang napadpad sa sasakyan.
07:10Patay ang isa habang nasagip ang tatlong stranded malapit sa isang talon sa Cebu City.
07:16Sa gitna ng pagragasan ng tubig dahil sa masamang panahon.
07:21Nakaranas rin ang baha at mga pagguho ng lupa ang iba pang probinsya lang mula Luzon hanggang Mindanao.
07:28Nakatutok si Oscar Oida.
07:32Gamit ang lubid, sinagip na mga otoridad ang dalawang stranded sa isang talon sa Budlaan, Cebu City.
07:41Napagalamang may dalawa pang stranded sa hindi kalayuan kung saan sila ni-rescue.
07:46Pero nang puntahan, wala nang buhay ng natagpuan ng isa sa kanila na 21 anyos na lalaki.
07:53Nakaligtas naman ang kaibigan niyang babae.
07:55Dumaan lang sila sa Kabang Falls at mapunta saan ng barangay Kan-Irag.
08:00Na unag kalabang ang bayo niya, late na ni ang baktong laki.
08:04And then basin o naratol siya ma'am, ipahubo onta ang ihang bakpak.
08:10Motong sa information na po nga ako na-receive.
08:13However, sa ihat tingaling karatol, wala nga nahubo iyang bakpak.
08:17Murag ihang nada.
08:18So na-submerge siya sa tubig.
08:21Nak-add po tingalito sa gibog atun.
08:23Plus ang soap po datong na time is sa good heavy, good siya.
08:28Sa Esperanza Sultan Kudarat naman, tuluyang tinabunan ng makapal na putik kaya di na makilala ang isang kalsada.
08:36Paahirapan ang pagdaan ng ilang residente.
08:39Tulong-tulong ang ilan na magtawid ng motosiklo.
08:43Ilang araw namang lubog sa baha ang ilang paaralan sa Maguindanao del Sur dahil sa mga pagulan noong nakaraang linggo.
08:49Sa ngayon, salitan umano ang klase ng mga estudyante sa dalawang classroom.
08:56Nasagip naman ang labing walong pasahero at crew ng isang motorized banka na tumaob sa kalampasian sa Maluso, Basilan dahil sa masamang panahon.
09:06Base sa imbisigasyon, lumakas ang hangin habang naglalayag ang bankang galing sa Sulu.
09:11Nasa maayos na umanong kondisyon ang lahat ng narescue.
09:14Tila nilamo naman nang rumaragas ang tubig ang spillway sa bahaging yan ng Balatan-Kamarinesur.
09:23Sa lakas ng Agos, wala halos na katawid na sasakyan at stranded ang ilang residente.
09:29Sa ibang bahagi ng bayan, may gumuhong bahagi ng kalsada dahil sa paglambot ng lupa.
09:36Nalubog din sa baha ang ilang kalsada sa Calamba, Laguna dahil sa malakas na pagulan nitong Sabado.
09:42Nagdulot yan ng mabigat na trapiko sa South Luzon Expressway exit.
09:48Sunod-sunod naman ang pagdausdos ng mga bato mula sa bundok sa bahaging ito ng Halsema Highway sa Bauco Mountain Province.
09:56Nagkalat ang naglalaki ang bato sa kalsada.
09:59Ngayong lunes, possible na ang lahat ng kalsada sa bayan pero patuloy ang paalala ng motoridad sa mga motorista.
10:06Tumaas din ang tubig sa barangay Castro sa Sudipen, La Union.
10:20Ilang oras hindi nadaanan ng mga light vehicle ang bahagi ng Castro Porporiquet Access Road.
10:26Ayon sa pag-asa, habagat pa rin ang dahilan ng mga pagulan at masamang panahon sa ilang bahagi ng bansa.
10:32Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
10:39Iniimbestiga na ng PNP ang pagpatay sa enforcer ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation of Sight sa kanyang bakay sa Kabite.
10:47Bago pinagbabaril ang biktima na pansing tila may nagmamanman sa kanyang bahay at may nagbago sa kanyang nakagawian.
10:55Nakatutok si Joseph Moro.
10:56Binaril nitong Sabado sa mata, leeg at pisngi.
11:04Si Herwin Cabanban, enforcer ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation of Sight.
11:10Pinatay siya sa kanyang mismong bahay sa General Trias, Kabite.
11:14Sa inisyal na investigasyon ng pulisya, bandang alas dos ng madaling araw ng pasukin ang bahay nitong psych enforcer na si Herwin Cabanban at makikita sa pintuan ng kanyang bahay ang ilang mga marka ng sapatos.
11:29Nakunan din ang CCTV ang pag-alis ng isang van.
11:33Kwento ng kamag-anak ng biktima ilang oras bago ang krimene nakita ng mga kapitbahay ang ilang tila nagmamanman sa bahay ng biktima.
11:41May umiikot na vehikel kasi may nag-iinuman doon sa Myquan. May napansin lang sila around 11 o 12 daw.
11:50Mga 2 a.m. siguro yun na yun siya yung bumalik ulit.
11:56Tapos may nakarinig na isang residente, gownshot lang na dalawa.
12:01Ayon pa sa kanak, wala silang alam na kaaway ng biktima o kung may kinalaman ito sa trabaho niya bilang psych enforcer.
12:07Sa ganong trabaho, risk kasi yan mga ganun sir. Kung sa mga nakakasakuan niya sir,
12:16straight sir, hindi talaga kwan kung ano yung kwan mo.
12:21Baylation na yun talaga.
12:24Kung anong kwan mo, kung anong talaga yung otos sa kanya, bawal, bawal talaga.
12:33Walang pakiusap, pakiusap, ganun.
12:37Pero anila, napansin nilang hindi na nito ipinaparada sa labas ng bahay, ang motorsiklo tulad dati.
12:43Ibig sabihin, may natatanggap na siyang kwan o may iniiwasan siya.
12:51Kasi pag nasa labas ng mga baon siya?
12:53Positive na sa loob siya, nandyan.
12:55Open niyo yung viber niya o kaya yung cellphone niya, nang walang nabubura.
12:58May makukuha kayong kwan doon.
13:01Mga information na makakatulong kung paano makuhaan.
13:06Lead o ganun.
13:08Kung may nakakausap ba siya, may threat ba ganun.
13:11Nangako naman ang masinsing investigasyon si Transportation Secretary Vince Dyson
13:15nang dumalaw sa burol.
13:17Binigyan na rin ang security ang kamag-anak ng biktima.
13:20The President gave orders to involve all law enforcement agencies.
13:26We will find you and we will bring you to justice.
13:28Balong was part of our family.
13:31Kasama namin siya sa pamilya sa DOTR.
13:33Our CIDG Cavite is on top of this situation.
13:35We are looking at various angles regarding this case.
13:40Bukod sa PNP, mag-iimbestiga na rin ang National Bureau of Investigation o NBI.
13:45Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
13:51Nasa GIP, ang mga kawawang tuta at asong pinagsasabong umano sa Lapas at Arlac.
13:58Ipinapalabas pa ang iligal na laban online na tinatayaan rin umano ng mga nasa abroad.
14:06Nakatutok si Jonathan Nanda.
14:12Imbes na mga manok, aso ang pinagsasabong sa maliit na arinang ito sa Barangay Motrico sa Lapas, Arlac.
14:20Good boy!
14:23May mga naguudyok, nanonood live at ipinalalabas din online.
14:28Good boy!
14:31Pero nabisto ito ng mga otoridad sa tulong ng isang impormante at sinalakay sa visa ng search warrant.
14:38Huli ang umano'y nagpapatakbo nito, isang alias Akira, sa kanyang bahay dinatna ng mga kawawang aso.
14:44Ang isang aso, tila naiyak nang dumating na sa wakas ang saklulo.
14:52Ah, sige na, rescue na kayo.
14:57Rescue na kayo, ha? Okay na?
14:59Parang sugat, oh.
15:03Bite mark, oh.
15:04Tatlong aso ang nasigip ng pinagsalib na pwersa ng CIDG Anti-Organized Crime Unit, PAOK o Presidential Anti-Organized Crime Commission at ng AWIP o Animal Welfare Investigation Project.
15:17Pero bago yun, may una na silang narescue na pitong tuta na binili nila sa sospek para makuha muna ang kanyang loob.
15:24Ang mga tuta, sinasanay na umanong ipangsabong kahit walong linggo pa lang.
15:29Ang ilan, maliit pa pero sugat-sugat na.
15:32Pinapakagat nila yung tuta sa panalaking naso para maging mas, ano to, mas wild, mas maging agresibo yung tuta abang lumalaki.
15:42Naiimiyo na siya sa mga kagat-kagat tapos pinapalo-palo nila.
15:47Generally what happens is that they will use, for example, weighted collars.
15:52They will use poles with something on the end of it to train these dogs and condition these dogs.
15:57And generally conditioning is for a long period of time.
16:00In this case, however, the individual just wanted to get to a fight.
16:05This is very, very unacceptable.
16:07Kinumpis ka rin ng mga otoridad ang mga gamit sa pagsasanay sa mga aso.
16:11Kahoy na improvised bite stick, weighted collars, training pole, fight cage, healing oil at iba pang gamot sa aso.
16:19Inaalam na lang pa o kung saan binubroadcast ang online sabong ng mga aso na tinatayaan umano kahit ng mga nasa abroad.
16:26Hindi lang peso ang pustahan dyan, talagang pumupustahan ng mga dollars dyan.
16:32O depende kung saan ang bansa.
16:34Hawak ngayon ang AWIP ang mga narescue na aso.
16:37If you are involved in dogfighting, we're coming after you.
16:42And you will also find yourself, just like this man, you will find yourself in jail.
16:47Nakakulong naman sa CIDG ang naarestong suspect na maharap sa reklamang paglabag sa Animal Welfare Act.
16:53Sinusubukan pa namin makuha ang kanyang panik.
16:56Pero hahabulin din daw ng paok ang mga nasa video na pinag-aaway ang mga aso at ang iba pang nasa likod ng online sabong.
17:03Since nag-o-online ito, we will consider this as our organized grand group din.
17:08Yung mga nagpapatakbo ng online, yung mga management mo, yung mga administrator mo.
17:14Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
17:19Handa ang kamera sakaling paboran ng Korte Suprema si Vice President Sara Duterte batay sa mga technicality
17:25nang hinaharap niyang impeachment complaint.
17:27Kung sakali, pwedeng maghain ulit ng articles of impeachment laban sa kanya pagkatapos ng one-year bar rule
17:33ayon po sa isa sa mga impeachment prosecutor.
17:36Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
17:41Pinabalangkas na ng kamera ang sagot nito sa mga katanungan ng Korte Suprema
17:45kaugnay sa petisyon ni Vice President Sara Duterte na humaharang sa impeachment complaint laban sa kanya.
17:52Kabilang sa tanong ng Korte Suprema,
17:55kung ano ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.
18:00Matatanda ang magkakasunod na inihain ang tatlong impeachment complaint
18:04na hindi na gumalaw hanggang sa umarangkadang ikaapat na impeachment complaint noong February 2025.
18:11Sabi ni Manila Representative Joel Chua,
18:14isa sa House impeachment prosecutors,
18:17sinunod daw ng kamera ang konstitusyon,
18:19ang rules on impeachment at mga dating desisyon ng Korte Suprema,
18:23lalo na sa one-year bar rule na nagbabawal sa mahigit isang initiated impeachment complaint
18:30sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
18:34Ang tinutukoy na jurisprudence ni Chua ay ang desisyon ng Korte Suprema
18:39sa dalawang kasong kumwestyon sa impeachment complaint laban kay na Chief Justice Celario Davide
18:44at Ombudsman Mercedes Gutierrez.
18:47Dito inilatag ng Korte Suprema kung ano ang ibig sabihin ng pag-initiate ng isang impeachment complaint
18:53na siyang basehan ng one-year bar rule.
18:56Una, ng filing ng verified complaint at pag-refer sa House Justice Committee for action.
19:04Ito po yung supposedly dapat nangyari sa unang tatlo na mga impeachment complaints.
19:10Pero hindi po ito nangyari.
19:12There was no referral to the House Committee on Justice.
19:16But the fourth impeachment complaint,
19:17At isa po ito doon sa mga requirements din po ng Francisco at Gutierrez
19:22ay yung pagkakaroon po ng one-third filing ng House members
19:28to the House Secretary General.
19:31Ito po yung nangyari sa fourth impeachment complaint.
19:34Humaasa si impeachment prosecutor Joel Chua
19:37na mapagdedesisyonan nito ng Korte Suprema sa lalong madaling parahon
19:41para hindi na rin anya ito magamit para lalo pang patagalin ang impeachment proceedings.
19:47Wala pong dahilan para antayin ng Senado
19:51kung ano po ang magiging desisyon ng Korte Suprema
19:54dahil wala naman pong TRO na nilalabas.
19:59So sa ngayon, dapat po mag-proceed pa rin po ang trial
20:03hanggat hindi po ito pinapahinto ng Korte Suprema.
20:07E sa delay po na nangyari sa Senado,
20:09parang aabot na rin tayo sa one-year bar rule.
20:12Pero paano kung pumanig ang Korte Suprema sa BICE?
20:15Of course, kumitiya ro. Di siyempre susunod ang impeachment court.
20:21But of course, we will do all our legal remedies para ito ay malif.
20:30At alam naman po natin na lagi na itong ginagawa naman po natin ay nasa tama.
20:36Ang articles of impeachment, pwede naman daw ihain ulit matapos ang one-year bar.
20:42Kung wala namang violation, ang pinagbabawal lamang is yung period.
20:49So pwede, as is, as is.
20:51Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
20:59Buong araw nang maninita ang mga otoridad na mga iligal na nagtitinda at pumaparada
21:06sa Chino Roses Avenue Extension. Nakatutok si Nico Wahe.
21:11Noong nakaraang buwan, ikinabit ang mga tarpoli na may nakalagay na
21:17no-illegal vendor, no-illegal parking sa Chino Roses Avenue Extension
21:21na sakop ng barangay Fort Bonifacio Taguig City.
21:25Pero sa pagbaybay namin sa Chino Roses bandang alas 5 kaninang hapon,
21:29may mga pasaway pa rin kaming nakita.
21:31Nasa mismong mangketa ang mga nagtitinda.
21:33Ang mga vulcanizing shop, sa kalsada pa rin nag-aayos.
21:37Iligal na nakaparada sa gilid ng mga kalsada ang mga jeep at mga pribadong sasakyan.
21:42Ginawa pang terminal ng mga tricycle ang mismong gilid ng kalsada.
21:45Aminado ang barangay Fort Bonifacio na nahihirapan sila sa pagpapasunod,
21:49lalo yung mga hindi taga Fort Bonifacio.
21:51Sobrang kulit po talaga, sabi namin, maghanap na lang sila ng lugar kung saan pwede silang magtinda.
22:00Hindi naman namin pinipigil kung magtinda sila kasi hanap buhay.
22:03Pero sana hindi sila makaabala, lalo na sa mga motorista.
22:08At saka minsan, mga tao, imbis na sa banketa, dadaado na sila gumandaan sa highway.
22:15Ilang beses na rin silang namumpis ka ng gamit ng mga vendor.
22:18Pero pag wala ng bantay ay bumabalik pa rin.
22:21Kaya ang gagawin ng barangay, buong araw na silang maninita ng mga illegal vendor at nag-i-illegal parking.
22:36Magre-request din daw sila ng seminar sa MMDA para sila na raw ang maninikit sa mga mahuhuli nila.
22:41Sabi ng MMDA, magandang hakbang yan.
22:43Mag-get the accreditation from us na mabigyan sila ng authorization to use the UOVR o yung ticket po natin.
22:52So may idadaan pa po yan sa seminar before they can fully utilize itong ating mga ticketing system.
23:00Ayon din sa MMDA, maglalagay rin daw sila ng kanilang mga tauhan, oras na ginamit na ang new Senate building.
23:06Pag nailipat na yung Senate building po natin dyan, it will be a very very busy street.
23:11So for sure, magkakaroon po ng traffic management plan dyan and traffic management scheme.
23:17And definitely, maging katawang po ang aming ahensya when it comes to the implementation and mitigation factor
23:23ng mga traffic solutions or mga traffic problems po natin sa area niyan.
23:27Para sa Gemma Integrated News, ni Kuahe, nakatutok 24 oras.
23:37Living up to her name as the star of the new gen, si Jillian Ward,
23:41na hindi lang palaban sa actingan at pagkanta, ready na rin to set the stage on fire sa isang fierce performance.
23:47Maraming napahanga sa dance moves ni Jill, na regalo rao niya para sa LGBTQIA plus community.
23:55Makichika kay Nelson Canlas.
23:57From the all-out Sunday stage.
24:16Jillian Ward flaunted her vocal prowess.
24:21And fierce dance moves sa stage ng isang bar and lounge sa Makati City.
24:27Ang on-fire performance ng star of the new gen, regalo niya for the LGBTQIA plus community,
24:42pahabol sa katatapos lang na Pride Month.
24:44Surprise niya rin ito para sa drag queen na nag-i-impersonate sa kanya.
24:53Nakasama rin niyang nag-perform on stage.
24:56Non-stop ang pag-cheer sa kanya ng crowd.
24:59After the performance, nagyaka pa ng dalawa.
25:05Sabi ni Jillian sa kanyang Instagram post,
25:08Pride Month may be over but the energy lives on.
25:13Ang video na yan, umani ng over a million views on Facebook and TikTok na may libo-liboring reactions.
25:20Marami ang napabilid kay Jillian sa kanyang total performance.
25:26Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
25:29At yan ang mga balita ngayong lunes.
25:35Ako po si Mel Tianco para sa mas malaking misyon.
25:38Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
25:41Ako po si Emil Sumangyo.
25:42Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
25:46Nakatuto kami 24 oras.
25:59Nakatuto kami 24 oras.

Recommended