Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Dahil sa pagsusugal umano online habang nagmamaneho, 3 buwang suspendido ang lisensya ng isang bus driver. May isa pang ganyan din ang inaatupag habang bumibiyahe sa EDSA.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa pagsusugalumano online habang nagmamaneho,
00:06tatlong buwang suspendido ang lisensya ng isang bus driver.
00:10May isa pang ganyan din ang inatupag habang bumabiyahe sa EDSA.
00:15Nakatutok si Darlene Kai.
00:19Kuha ito ng isang pasahero ng bus na biyahing Cavite.
00:23Kita kung paanong nagsasalita ng tingin ng driver sa kalsada
00:26habang tila may binubutingting.
00:29May hawak palang cellphone ang driver at naglalaro ng online sugal.
00:35Tumaging humarap sa camera ang uploader pero kwento niya sa GMA Integrated News
00:40na bahala siya dahil nawawala na sa linya ang bus.
00:43Hindi rin daw ito nakakapreno agad dahil tila hindi napapansin ang ibang sasakyan.
00:49Sinita kalauna ng pasahero ang driver at agad namang tumigil noon sa pagsiselfone.
00:53Nakarating na si LTFRB ang insidente niyan at kanila nang iniimbestigahan.
00:57Iniimbestigahan na rin ng LTFRB ang video na ito na kumakalat din online
01:01kung saan nag-online sugal din umano ang driver ng modern jeep habang nagmamaneho sa kalsada.
01:08Ayon sa nagpadala ng video, nangyari raw ito madaling araw noong July 7.
01:12Ayon sa LTFRB, ang parehong insidente, malinaw na paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.
01:20Linalagay niya sa peligro yung mga pasahero niya. Bakit?
01:24Hindi kasi siya concentrated sa driving niya.
01:28So, kita natin yung violation doon.
01:32At pag may violation, may kaukulang penalty at nakasaad din yung sa batas.
01:38Sinuspin din ang LTO ng siyam na pong araw ang lisensya ng bus driver.
01:43Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Attorney Greg Pua Jr.
01:46na tila malala na ang pagka-addict sa online sugal
01:50dahil umabot na sa puntong nilagay niya sa alangani ng kaligtasan ng mga pasahero.
01:55Hindi raw ito palalagpasin ng LTO.
01:58Bukod sa Anti-Distracted Driving,
02:00mahaharap ang bus driver sa reklamong paglabag
02:02sa Land Transportation and Traffic Code dahil sa reckless driving.
02:06Pinagpapaliwanag din ng LTO ang Kirsteen Joyce Transport
02:09kung bakit hindi ito dapat parusahan sa pagkuhan ng anilay reckless driver.
02:15Tumagay magpaunlak ng panayamang Kirsteen Joyce Transport
02:17pero sinabi ng kinatawa nila sa GMA Integrated News
02:21na sinuspin din na nila ang driver na sangkot sa insidente.
02:25Maglalabas din ang show cost order ang LTFRB
02:27laban sa operator ng modern jeep driver
02:30na nakunang nagsi-cellphone din habang nagmamaneho.
02:33Naghihintay pa ang GMA Integrated News
02:35ng karagdagang detalya mula sa LTO
02:37tungkol sa aksyong gagawin nila sa insidenting yan.
02:40Ayon sa isang support group,
02:42maaaring maituring na gambling addiction
02:44na ang ipinapakita ng dalawang driver na nakuna ng video.
02:47Sa compulsive gambler category na siya.
02:50So malamang may addiction na siya regarding this matter.
02:55Bukas naman daw sa pagtulong ang kanilang organisasyon
02:58sa mga nalululong sa online sugan.
03:01Bahigpit na bilin pa ng LTFRB.
03:04Unless yan ay for emergency purpose,
03:07ay iwasan po natin dahil kapag gumagamit po tayo ng cellphone
03:11while driving,
03:13na hahati yung concentration natin sa pagmamaneho.
03:16The mere fact that it poses already danger
03:21to your passengers,
03:24ay violation na.
03:26Para sa GMA Integrated News,
03:28Darlene Kai, nakatutok 24 oras.

Recommended