00:00Samantala, dalawang barkong pandigma ng China ang namonitor ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.
00:08Unang namonitor ang People's Liberation Army Navy Warship 793.
00:13Agad na nagradyo ang mga tauha ng PRP Teresa Magmanwa para alamin ang intensyon nito.
00:19Gayunman ang sagot o sumagot sa PCG ay ang escort nito na barko na China Coast Guard, the CCG 4203.
00:28Patuloy na mga binuntutan ng PRP Teresa Magmanwa ang naturang mga barko kung saan isa pang warship ng China ang sumama, ang PLA Navy Warship 164.
00:40Bukod dito, namonitor din na isang helicopter ang nagsagawa ng landing exercises sa isa sa mga barkong pandigma.
00:48Hindi nagpatinag ang PCG at patuloy ang isinagawang radio challenges para igiit na itigil na ang kanilang hindi otorizadong pagpapatrolya o iba pang aktibidad sa loob ng ating exclusive economic zone.