- today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00What happened?
00:02Sa alitang pinagsasampal at sinaktan ng kanyang mga kaeskwela,
00:06ang isang babaeng estudyante.
00:08Ang biktima at mga nanakit sa kanya, magkakaibigan daw,
00:12pero nagkaalitan matapos umanong magkating klases at makaino.
00:17Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Sa video na ito,
00:24kitang nakatambay ang grupo ng mga grade 8 students
00:26sa isang tent sa Bambang Nueva Vizcaya.
00:29Isa sa kanila nagsiselfon sa gilid hanggang sa...
00:43Napaupo ang biktimang nakapulang palda
00:45habang nanood lang ang iba pa nilang kasama.
00:52Hindi pa man tapos magsalita ang biktima,
00:54nilapitan siya ng isa pang babae at bigla siyang sinampal.
00:57Hindi po malagang biktima pero hindi pa rin natigil ang mga kasama niya.
01:04Ang mga nanakit, nagtawanan pa,
01:07habang ang biktima na natili na lang na nakaupo at hindi na kumikibo.
01:11May isa pa ulit na sumampal sa kanya.
01:13Doon na sila nilapitan at inawat ng isang may-ari ng kalapit na tindahan.
01:18Sa isa pang video,
01:20nakatayo sa gilid ng halamanan ang magkakaiskwela
01:23at muling nagkaroon ng komprontasyon at tulakan.
01:26Nataranta ang grupo at agad sinilip ang biktima
01:29na nakahiga at nadaga na ng tumulak sa kanya.
01:32Muli silang pinuntahan at inawat ng may-ari ng tindahan.
01:36Ang nagviral na insidente na nangyari noong Martes,
01:39nakarating na sa Alkalde ng Bambang na agad nagpaimbestiga.
01:43Kuha ang mga video ng isa rin kasama ng mga estudyanteng kita sa video.
01:47Base sa inisyal na imbestigasyon,
01:49nag-cutting o lumiban sa klase ang mga estudyante
01:52at nag-inuman malapit sa paaralan.
01:54Nagkainitan daw sila hanggang sa nauwi sa sakitan.
01:58Ayon sa Schools Division Superintendent,
02:01limang sinasabing nanakit sa biktima
02:03at rekomendasyon ng mga otoridad,
02:05ilipat sila ng paaralan.
02:07Nagtakda na rin sila ng counseling at debriefing
02:10para sa biktima at iba pang sangkot na estudyante.
02:13Sabi ng mga otoridad,
02:14pag-aaralan din nila ang reklamong cyberbullying
02:17dahil sa pag-upload at pagbabahagi ng viral video ng pananakit.
02:21Ayon sa polisya,
02:22desidido raw na magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima.
02:25Ipatatawag din ang opisyal ng paaralan
02:28na nagbenta ng alak sa mga sangkot na estudyante.
02:30Ipinagutos na rin ng LGU
02:32na tiyaking walang magbibenta ng alak sa mga minor de edad,
02:35alinsunod sa kanilang ordinansa.
02:38Sinubukan naming makuha ang panig ng mga sangkot sa insidente
02:42pero tumanggi silang magbigay ng pahaya.
02:44Para sa GMA Integrated News,
02:46Bernadette Reyes,
02:47nakatutok 24 oras.
02:51Pahirapan man ang pagsisid,
02:52muling nakakuha pa rin ng mga sako sa Taal Lake
02:55ang divers ng Philippine Coast Guard.
02:57Habang lumalalim ang paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
03:00apektado naman ang kabuhayan at turismo sa lugar.
03:04At mula sa Laurel, Batangas,
03:06nakatutok lahat si Rafi Pima.
03:09Rafi?
03:11Pia, dalawang sako muli ang naiahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard
03:18sa pangatlong araw ng kanilang search and retrieval operation
03:20dito sa Taal Lake sa bahagi ng Laurel, Batangas.
03:23Pero kakaiba daw yung nakakapa ng kanilang mga divers ngayon
03:26dahil tila may mga pabigat ito.
03:32Nakasilit sa mesh bag ang suspicious object
03:34ng iaahon ng mga divers ng Philippine Coast Guard
03:36sa ikalawang araw ng kanilang dive operation.
03:39Tulad kahapon,
03:40may ingat itong iniabot sa mga kawani
03:42ng PNP Senator Crime Operative Sosoko
03:44at isinilid sa cadaver bag.
03:46Mas mahirap daw ang visibility ngayong araw kumpara kahapon.
03:48Bukod dito,
03:49ang nakitang suspicious object ng mga PCG divers kanina
03:52tila may pabigat umano.
03:54Unlike kahapon,
03:55pagka mismo pagpunta mo sa bottom
03:57that's the time na ang distansya ng divers
04:00sa visibility,
04:01one meter lang halos.
04:03So ito,
04:05pagbaba mo pa lang ng
04:07wala ka na talaga halos makita.
04:09Gayunman,
04:10tuloy pa rin naman daw ang ginagawang operasyon
04:12ng mga divers ng Coast Guard.
04:13Bukod sa visibility,
04:14hamon din daw ang malakas na current o agos
04:16sa ilalim ng Taal.
04:17Bukod sa visibility,
04:18hamon din daw ang malakas na current o agos
04:21sa ilalim ng Taal Lake.
04:22Bagamat batid daw nila ang kahalaga
04:24ng paghahanap sa mga nawawalang sabongero,
04:26kaligtasan ng kanilang mga kawani pa rin
04:28ang pangunahin sa isinasagawang operasyon.
04:30May mga, of course,
04:32there are technicalities
04:34and safety considerations
04:36sa pagre-recover ng any items
04:39dun sa ilalim.
04:40Kapakapa,
04:41and sinusuyod pa rin nila dahan-dahan.
04:44May underwater current din yan,
04:46yung area na yan.
04:48Ang Taal Lake ay very challenging na area
04:53para magkakanda ka ng diving operations.
04:56Ang search area hindi kalayuan mula sa lugar
04:58kung saan may nakuhang dalawang suspicious objects din
05:01ang PCG kahapon.
05:02Sa gitna ng isinasagawang search and recovery operation,
05:05ramdam na daw ng bayan ng Laurel
05:07ang epekto nito sa kanilang bayan.
05:08Ayon sa alkali ng bayan,
05:10nabawasan ang mga pumapalaot nilang manging isda.
05:13Basis sa report ng ating Peaceport Office
05:17ay before nagkakaroon tayo ng 10 na
05:22bankang pumapalaot,
05:23ngayon dalawad na lang kada araw.
05:26Dahil nang wala ang masyadong order
05:30na dinadala sa market sa Manila.
05:33Maliban sa pangingisda,
05:34magia mga turista ay nabawasan na rin daw.
05:36Gayon man,
05:37handa pa rin daw silang makipagtulungan
05:38sa isinasagawang search operation.
05:41Kung ano po yung kailangan nila
05:42nakakapag-provide tulad nga po
05:44ng mga bankang malalaki,
05:45tumawag sila kahapon
05:47at kailangan nila.
05:48Kami naman po ay nakaka...
05:50kami naman po ay willing na nakikipag-cooperate
05:52po sa kanila.
05:58Pia ang mga tila pabigat sa suspicious object
06:00na nakita ng divers ng PCJ
06:02na iwan pa rao sa site,
06:03pero nakamarka na ang mga ito.
06:05I-retrieve din daw ang mga tila pabigat
06:07ng mga bato dahil posibleng makatulong
06:08ang mga ito sa investigasyon.
06:10At yan ang latest mula dito sa Laurel Batangas.
06:13Pia?
06:14Maraming salamat, Rafi Tima.
06:17Dahil sa mga nakuhang buto sa Taal Lake,
06:20tingin ng Justice Department,
06:21credible ang whistleblower
06:23na si Julie Dondon Patidongan
06:25alias Totoy
06:26sa kaso ng missing Sabongeros.
06:28Sinagot din ang DOJ ang aligasyong tanimbuto
06:31o inilagay lang daw ang butong
06:33na iahon sa Taal.
06:34Nakatotok si JP Soriano.
06:36Desidido na si Julie Dondon Patidongan
06:42alias Totoy
06:43na maghain ng reklamo o complaint affidavit
06:45laban sa mga polis
06:47na sinasabi niyang kasabwat sa pagdukot
06:49at pagpatay sa mga nawawalang sabongero.
06:52Sa lunes, talagang pupunta na ako sa Napolcom.
06:56Yung mga polis na nabanggit ko
07:00ay ipapahilan ko na ang DOJ sa Napolcom.
07:04Ayon kay Patidongan,
07:06aktibo pa raw ang isa sa mga sangkot na polis
07:08at nagmamayari umano
07:10ng isang fish pond sa Taal Lake.
07:12Siguro doon dinadala
07:14at doon siguro tinagawa
07:16yung pagpaslang
07:18sa mga missing Sabongero.
07:20Sa kabuan ayon sa PNP,
07:2234 sabongero
07:24at kasamahan nila
07:25ang naiulat na nawawala.
07:27Sa sobrang dami niyan,
07:29hindi ko masyado matandaan
07:31kung ilan yung mga nilubog nila dyan.
07:34Base doon sa mga video
07:37na naisin sa akin,
07:39asadyang mayroon talagang inilubog dyan.
07:41Nang makuha sa Taal Lake
07:43ang mga nangingitim ng buto,
07:45hinala ni Patidongan.
07:47Sa sobrang dami niyan,
07:49sa ginagawa nilang pambilisan,
07:51baka sinapsap na nila yan,
07:53nilagyan ng pabigat na buhangin.
07:55Sinagot din ang DOJ
07:57ang aligasyon sa social media
07:59na tanim buto umano
08:01o inilagay lang daw ang mga butong
08:03na recover sa Taal.
08:05Sinusuri natin ng mainam
08:06kung saan tayo dadalhin ng ebidensya.
08:09Kailangan niyan,
08:10merong science-based,
08:11merong ebidensya.
08:12At yun ang kinutumbok natin ngayon
08:14doon sa pagkakaroon
08:15ng forensic institution
08:16Daraan sa pagsusuri
08:18ang mga naiahong buto
08:20sa Taal Lake
08:21sa tingin pa ng DOJ
08:22kay Patidongan.
08:23Incredible siya.
08:25At lalo na
08:27yung tinuturo niya
08:29na lugar kung saan
08:30tinagtakunan daw
08:32ayon sa kanya
08:33ng mga biktima
08:35ng ajaan
08:37sa kanyang karumag-dumag
08:39na krimen
08:40ay lumalabas
08:41na merong mga sako na buto.
08:43So,
08:44So,
08:45these are all
08:47developments
08:48that really would
08:49support
08:50his statement
08:51ng real evidence.
08:53Para sa GMA
08:54Integrated News,
08:55JP Soriano,
08:56nakatutok 24 oras.
09:00Pansamata lang si
09:01Ruspende ang operasyon
09:02na Mactan Cebu
09:03International Airport
09:04dahil sa nakitang
09:05pothole
09:06o yung pumbutas
09:07sa runway nito.
09:08May delay
09:09at pagbabago
09:10sa schedule ng flights
09:11dahil sa isinagawang inspeksyon
09:12at pagkukumpuni
09:13sa runway.
09:14Ayon sa MCIA,
09:16nakaschedule ang repair
09:17hanggang
09:18alas 6.30 ngayong gabi
09:20at may umiiral din
09:21notice to airmen
09:22hanggang
09:23alas 7 ng gabi.
09:25Possibly raw itong palawigin
09:27depende sa status
09:28o lagay
09:29ng pagkukumpuni
09:30sa runway.
09:31Nakikipag-unain daw
09:32ang pamunuan ng airport
09:33sa mga airline
09:35at inibisuan nila
09:36ang mga pasahero
09:37na makipag-ugnayan
09:39sa kanika nilang airline.
09:44Mismong si Vice President
09:45Sara Duterte
09:46nang nagsabing
09:47edited o fake
09:48ang kumakalat na litrato
09:49ng kanyang amang
09:50si dating Pangulong
09:51Rodrigo Duterte
09:52na umano'y nakaratay.
09:53Nakatutok si Bernadette Reyes.
09:58Unang-una,
09:59nag-hearing
10:00nandun ako
10:01walang kahit
10:02isang tanong.
10:03Ngayon,
10:04may impeachment trial
10:05tapos magbibiscuss ako noon
10:07sa labas
10:08ng impeachment trial.
10:10Pag wala ng
10:11pag wala ng
10:12ibang venue
10:13saka
10:14ako
10:15magsasalita.
10:16My
10:17explanations
10:18will be
10:19in my own time.
10:20Hindi
10:21sa panahon
10:22kung kailan gusto
10:23ng mga members
10:24of the House of Representatives.
10:26Ito ang sagot
10:27ni Vice President
10:28Sara Duterte
10:29sa mga batikos
10:30ng mga kongresista
10:31kung bakit ngayon lang
10:32siya sumasagot
10:33kaugnay sa issue
10:34ng confidential fund.
10:35Noong pinalahan daw siya
10:37ng sulat ng
10:38Commission on Audit,
10:39maayos raw itong sinagot
10:40ng Office of the Vice President.
10:42Nitong Martes,
10:43hininga ng Supreme Court
10:44ang Kamara at Senado
10:46na makakaragdagang
10:47impormasyon
10:48kaugnay sa impeachment
10:49ng vice-presidente.
10:50Nauna ng kinumpirma
10:52ni House Secretary General
10:53Reginald Velasco
10:54na natanggap na nila
10:55ang notice
10:56mula sa Korte Suprema.
10:57Nanindigan din si Velasco
10:59na walang nilabag na rule
11:01sa impeachment
11:02ang kanyang tanggapan
11:03at ang Kamara.
11:04Sagot ng vice,
11:05Sumagot na lang siya
11:06sa Supreme Court.
11:07Nagtanong na
11:08ang Supreme Court
11:09doon sa mga
11:10questions
11:11na sa tingin nila
11:12may irregularity.
11:13So, huwag
11:14huwag siya sumagot sa atin.
11:15Hindi naman tayo
11:16nagtatanong
11:17doon sa Supreme Court.
11:18Siniguro din ang vice
11:20na maayos ang kalagayan
11:21ni dating Pangulong Duterte.
11:23Meron pong nagpadala
11:24sa akin ng foto
11:25na mukhang
11:28nasa hospital bed
11:29si dating Pangulong Duterte.
11:31Hindi totoo yung foto na yun.
11:33Malamang edited yung foto na yun.
11:36Ibang pasyente yun.
11:38Inanulang nila yung mukha
11:40ni dating Pangulong Duterte.
11:42Duterte.
11:43Wala po siya sa hospital
11:44ng
11:45detention unit.
11:46Nandun po siya sa regular
11:48wing
11:49ng detention
11:51unit.
11:52At kanina
11:54naglalakad naman siyang mag-isa
11:56albeit may daladala siyang
11:59tungkod.
12:01May daladala siyang tungkod.
12:03So, clearly
12:04wala siyang
12:07sakit na
12:08kailangan niya maging bed rated.
12:12Para sa GMA Integrated News,
12:14Bernadette Reyes
12:15nakatutok
12:1624 oras.
12:19Nang dahil sa pagkakasangkot
12:20sa iligal na droga,
12:21naaresto sa Maynila
12:22ang isang
12:23Korean national
12:24na matagal
12:25ng wanted sa Korea.
12:27Nakatutok
12:28si Jomer Apresto.
12:32Nakunan sa surveillance video
12:34ang isang Korean national
12:35habang may hawak na
12:36ecstasy tablets
12:37sa Malate, Maynila.
12:38Makalipas ang ilang araw,
12:39nahuli siya
12:40ng mga tauhan
12:41ng Ermita Police Station
12:42sa tapat
12:43ng isang convenience store
12:44sa bahagi ng
12:45Nakpil Street
12:46kasamang isang Pilipino.
12:47Naaktuhan raw siya
12:48ng mga otoridad
12:49habang bumibili
12:50ng iligal na droga
12:51sa isang lalaki.
12:52Matapos ang isinagawang
12:53verification
12:54sa Bureau of Immigration,
12:55napagalaman ng pulisya
12:56na ang dayuhan na nahuli
12:58wanted sa South Korea
12:59at pinagahanap ng
13:01Interpol
13:02noon pang 2022.
13:03Operator daw
13:04ng ilang illegal gambling sites
13:05sa nasabing bansa
13:06ang sospek.
13:07Malaking tao ito.
13:08Visita sa report
13:10o ipinigay sa atin
13:11ng Interpol
13:13positively
13:14identified siya
13:15na siya yun
13:16and then he is involved
13:17in series
13:18of online gambling
13:21activities
13:22sa kanilang lugar.
13:24Pusibleng hindi raw
13:25kaagad nakilala ang sospek
13:26dahil gumamit siya
13:27ng ibang pangalan
13:28nang makarating
13:29sa Pilipinas.
13:30Sabi ng Manila Police District
13:31o MPD,
13:32bagaman may red notice
13:33ang sospek,
13:34kinakailangan niya
13:35pa rin harapin
13:36ang kaso niya
13:37sa Pilipinas.
13:38After niya
13:40magawa ng
13:41documents dyan
13:42at nakapag-decide
13:44yung ating court,
13:45he will be
13:48extradited
13:49or deported
13:50to his country.
13:51Sinusubukan pa namin
13:52makuha ang panig
13:53ng dayuhang sospek
13:54at ang Pilipino
13:55na sinasabing
13:56supplier niya
13:57ng illegal na droga.
13:58Na-inquest na sila
13:59at naharap sa kasong
14:00Comprehensive Dangerous Ragsak
14:01nakatakdang i-turn over
14:03sa immigration
14:04ng dayuhang sospek
14:05at nadalhin siya
14:06sa custodial facility nito
14:07habang gumugulong
14:08ang kanyang kaso
14:09sa bansa.
14:10Para sa GMA Integrated News,
14:12Jomer Apresto
14:13nakatutok 24 oras.
14:17Tumaas ang presyo
14:18ng isdad
14:19sa ilang pamilihan
14:20dahil mababa raw
14:21ang supply.
14:22Apektado rin ang presyo
14:23ng gulay
14:24dahil sa mga pagulan.
14:25Nakatutok si Bernadette Reyes.
14:27Kakaunti ang mga panindang isda
14:32ni Elizabeth
14:33ngayong araw
14:34sa Litex Market
14:35sa Quezon City.
14:36Medyo madalang po
14:37kasi dahil doon
14:38sa bagyo
14:39tsaka mahirap
14:40pong mamili ngayon.
14:41Nauubusan ng stock,
14:42mahal pa po.
14:44Kaya ang mga mamimili
14:45tulad ni Hannah.
14:46Kung ano lang po yung
14:47kaya,
14:48kung anong budget namin,
14:49kung ano lang yung
14:50meron kami,
14:51yun yung ginagawa namin,
14:52yun yung niluluto.
14:53Dito sa Marikina Public Market,
14:55tumaas na rin ang presyo
14:56ng mga isda.
14:57May iba naman
14:58na wala talagang dumating
14:59na supply
15:00habang ang mga galunggong
15:01naman,
15:02maliliit ang mga dumating
15:03ngayong araw.
15:04Sa monitoring
15:05ng Department of Agriculture,
15:07tumaas ng 20 pesos
15:08ang kada kilo
15:09ng galunggong.
15:10Sa ngayon,
15:11mahirap.
15:12Ang isang
15:13kahit sa,
15:15kaya pataas
15:16ng pataas
15:17ang presyo.
15:18Wala pong dating ngayon
15:19mga espada.
15:20Taas yung mga galunggong,
15:21maliliit lang yung dating.
15:22Dahil naman sa mga pagulan,
15:24tumaas raw ang presyo
15:25ng ilang gulay.
15:26Ang palaya po,
15:27130 po ngayon,
15:28dating 100 lang.
15:29Yung Repolyo,
15:30parang medyo losaw po eh.
15:31Pero yung mga Tagalog,
15:33matitibay.
15:34Nangangamba ang ilang nagtitinda
15:36na baka makaapekto rin
15:37sa presyo ng gulay
15:38ang panibagong oil price hike
15:40sa Martes.
15:41Tuloy-tuloy na yung ulan
15:43and talagang papasok na yung bagyo
15:45and then yung
15:46sa pagtaas ng gasolina.
15:47Siguro doon talaga siya
15:49maapituhan yung mga gulay namin.
15:52Ayon sa Department of Agriculture,
15:54base sa pinakahuling damage report
15:56dahil sa Habagat at Bagyong Bising,
15:58umaabot sa 34 metric tons
16:00ang nasirang palay sa Cavite.
16:02Hinihintay pa ang ulat
16:04kung may iba pang naiulat
16:05na napinsalang agricultural products.
16:17Para naman matiyak na sapatang supply
16:19na isda,
16:20nauna nang pinayagan ang importation
16:22ng 25,000 metric tons ng isda.
16:24Para sa GMA Integrated News,
16:26Bernadette Reyes,
16:27Bernadette Reyes,
16:28Nakatuto, 24 Horas.
16:32Matapos po ang dalawang
16:33magkasunod na rollback,
16:34oil price hike ang nakaamba
16:36naman sa susunod na linggo.
16:38At sa tansya ng kumpanyang Unioil,
16:40hanggang piso at 30 cm
16:41kada litro
16:42ang posibleng dagdag presyo
16:44sa diesel.
16:45Hanggang 50 cm naman
16:46sa kada litro ng gasolina.
16:48Naunang sinabi ng Oil Industry Management Bureau
16:51na kabilang sa dahilan
16:52ng pagtaas ng presyo
16:53ay ang pagbaba ng produksyon
16:55ng langis na Amerika
16:56habang tumataas ang demand
16:58at ang pag-atake ng mga hooties
17:00sa mga shipping vessels
17:01sa Red Sea.