00:00Samantala, abiso po sa mga consumer ng Meralco, simula ngayong July ay tataas ng halos 49 centavos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente.
00:11Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa tumaas na generation charge, dahil sa pagtaas ng presya ng langis sa world market at paghina ng piso.
00:19Para sa billing period ngayon buwan, ang mga kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour ay magbabayad ng dagdag na 98 pesos, 146 pesos naman ang madadagdag sa mga kumukonsumo ng 300 kilowatt per hour, 195 pesos sa 400 kilowatt per hour ang konsumo habang 244 pesos naman sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt per hour.
00:45Una rito, dalawang magkasunod na buwang nagbaba ng singil ang Meralco na umabot sa 86 centavos per kilowatt hour.