Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ilang influencer at content creator ang tinukoy ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC na nag-eendorso ng illegal online gambling sites. Apela ng CICC, kusa na nilang tanggalin ang kanilang mga post bago sila aksyunan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang influencer at content creator ang tinukoy ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center o CICC
00:07na nag-e-endorso ng illegal online gambling sites.
00:12Apela ng CICC kusa na nilang tanggalin ang kanilang mga posts bago sila aksyonan.
00:18Nakatutok si JP Soriano.
00:20Kung panayscroll ka sa social media, malamang lumabas na sa feed nyo ang ilang kilalang social media influencers
00:31na nanghihikayat o nagpopromote ng online gambling platforms.
00:35Pero sabi ng Cyber Crime Investigation and Coordinating Center o CICC,
00:40may natukoy daw ng mga influencer na illegal online gambling sites ang ine-endorso.
00:46Several influencers and content creators promoting illegal gambling content have also been identified.
00:52Gaya ho yung sila sabi ni Ronald, may nakabot na pa kami nagla-live.
00:55Kaya mensahe sa kanila ng CICC.
00:58Itanggalin nyo na ho, itakedown nyo, mag-usak kayo yung itakedown yung mga content na pinutap nyo
01:04with regards to promoting these illegal online activities.
01:08So up to today, nakikiusap pa rin ako sa inyo.
01:12So starting next week ho, CICC will take action.
01:16Sabi ng CICC, handa silang kasuhan ang mga influencers na ito
01:21kung mapapatunayang nilabag nila ang batas sa pangihikayat na tumaya sa iligal na online sugalan.
01:29Sa lunes, kapag di raw tinanggal ng mga influencers at social media personalities ang mga contents nila,
01:36sasadyain na raw nila ang mga ito para iabot ang formal na abiso sa kanila.
01:40Hindi pa pinangalanan ng CICC ang mga social media influencers
01:44at hindi pa rin nila binanggit kung may mga artista rin kabilang dito.
01:49Sa ngayon, nakipag-ugnayan na raw ang CICC kay PNP Chief General Nicolás Torre
01:55at nanawagan na rin sa BIR upang silipin ang kinikita at kung nagbabayad ba ng buwis ang mga naturang influencers.
02:03Ang utos ng CICC ay kasunod ng direktiba ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor
02:10na nag-uutos naman ng agarang pagbaklas sa mga billboards at iba pang uri ng patalastas na nagpopromote ng online gambling.
02:19Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended