Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/26/2025
Binawi na ang suspensyon sa pagproklama kay Marikina outgoing mayor Marcy Teodoro bilang kinatawan ng unang distrito ng lungsod. Pero may hinihintay pa para maging pinal 'yan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binawi na ang suspension sa pagproklama kay Marikina Outgoing Mayor Marcy Teodoro bilang kinatawa ng unang distrito ng Lungsor.
00:10Pero mahinihintay pa para maging penalian. Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:18Mahigit isang buwan matapos ang eleksyon, binawi na ng Commission on Elections
00:22ang suspension sa pagproklama kay Outgoing Marikina Mayor Marcelino Teodoro bilang kongresista ng 1st District ng Marikina City.
00:32Pero maari lang siyang maproklama sa oras na maging final ang desisyon sa loob ng limang araw
00:38at kung walang temporary restraining order na ilalabas ang Korte Suprema.
00:42Nakakasama po yan doon sa limang araw. Nahihintayin upang ang desisyon ng Comelec and Bank ay maging final and executory.
00:51Tsaka palang papasok yung City Board of Canvassers upang magproklama nung nanalo naman na kandidato.
00:58Dahil five working days ang bibilangin, wala pang kongresista ang Marikina 1st District sa June 30
01:04o simula ng termino ng mga bagong halal na opisyal.
01:08Ayot sa Comelec, pwede pa dumulog sa Korte Suprema ang nakalaban sa eleksyon ni Teodoro
01:13at petitioner sa kaso na si Senador Coco Pimentel.
01:16Kaya sabi ni Teodoro, hihintayin niyang maging pinal ang desisyon ng Comelec bago manumpas sa pwesto.
01:23Ang desisyon ng Anbank ay nagbaliktad sa pagkating ng Comelec 1st Division sa disqualification cases
01:30na kumukustyon sa pagiging residente ni Teodoro ng 1st District ng mahigit isang taon.
01:36Sabi ng Anbank ngayon na natili namang domicile o itinuturing natahanan ni Teodoro ang distrito.
01:43Yung domicile of origin, diyan ka pinanganak, diyan ka lumaki, diyan ka practically, diyan ka natumanda sa lugar na yan.
01:49So long as meron ka pang intention laging bumalik at bumalik doon sa pinanggalingan mo, yung pa rin ang domicile of origin mo.
01:56Sa isang statement, kinwestyo ni Pimentel kung bakit inabot ng 6 na buwan bago inilabas ng Comelec ang desisyon.
02:03Sagot naman ng Comelec, inabot daw ito ng pagraretiro ng dalawa sa kanilang commissioners bukod pa sa mga gawain nila nitong eleksyon.
02:10Dagdag pa ni Pimentel, kung pwedeng baliwalain ang residency requirement na nakasaad sa konstitusyon,
02:17ano raw ang makipipigil sa iba na manipulahin ang sistema,
02:21aniya gagamitin niya ang lahat ng legal na remedy laban sa desisyon.
02:26Sinabi naman ni Teodoro na naipakita niya na hindi siya nagsinungaling sa kanyang certificate of candidacy
02:32at hindi niya inabando na ang kanyang domicile sa 1st District
02:36na ipakita raw niya ang koneksyon sa barangay San Roque at napatunayan ang kanyang paninirahan doon.
02:44Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.

Recommended