00:00Samantala, unang pagsisid ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake
00:04para sa paghanap ng mga labi na mga nawawalang sabongero.
00:09Isinagawa na kanina umaga, ang update niyan alamin sa Sentro ng Balita ni Isaiah Mirafuentes live.
00:19Angelique, ng unang araw ng pagsisid ng Philippine Coast Guard dito sa Taal Lake
00:24para sa paghanap sa mga nawawalang sabongero.
00:27At binabantayan nga natin kung may panibagong mga buto na naman ba ang makikita mula sa lawa.
00:35Pabigat para sa mga manging isda ng Taal Lake, ang lumabas na ulat na dito ay tinapo ng mga nawawalang sabongero.
00:41Kagaya na namang ni Tatay Gabby, malaki ang naging kabawasan sa kanyang kita matapos umugong ang balita.
00:47Ito ah, nakikita ng liman libo.
00:50E, isang araw.
00:52Dati?
00:53Dati.
00:54Ay, sir. Magkano na lang?
00:55Mga dalawang libo na lang ang nakadali.
00:57Eksaktong 745 ng umaga kanina, nagsimula ang unang beses na pagsisid ng Philippine Coast Guard
01:03dito sa bahagi ng Taal Lake sa Laurel, Batangas.
01:06Nagsimula sila sa barangay Balakilong,
01:09kung saan din nila malapit na kuha ang mga buto na nakalagay sa sako na nakuha kahapon.
01:13Tatlong grupo na may pito hanggang walong miyembro ng PCEG ang sumisid ngayong umaga.
01:19Tilututukan nila ang isang daan hanggang dalawang daan at pitong pong metro na layo mula sa pampang.
01:25Pasado las 10 ng umaga, bumalik ang mga sumisid na miyembro ng PCEG.
01:29Hanggang sa mga oras ito, wala pang kumpirmasyon mula sa PCEG kung may nakuha ba sila na kanilang unang pagsisid.
01:36Pero ngayong tanghali ay may napansin tayong kulik kahil na pananda na nilagay ng PCEG sa Taal Lake.
01:43Ngunit patuloy pa nating inaalam kung para saan ito.
01:46Mamayang alas 2 ng hapon, muling sisisid ang PCEG sa Taal Lake.
01:50Angelic, may mga ulat niya tayo nakuha na may mga panibagong sako na naman na ang nakuha dito sa Taal Lake sa unang pagsisid yan ng Philippine Coast Guard.
02:02Pero patuloy pa nating inukumpirma yan sa PCEG kung ito ba ay naglalaman ng mga buto o kung anuman ang laman ng mga sakong posibleng nakuha ngayong umaga.
02:12Alas 2 ng hapon niya ay magkakaroon ng press briefing o haharap ang PCEG sa media.
02:16Kawag na yan sa naging resulta ng unang pagsisid ng mga PCEG dito sa Taal Lake.
02:21At inaasahan din natin na may ilang mga pamilya na mga nawawalang sabongero na magtutungo dito ngayong araw upang kanilang saksihan ang paghahanap sa mga nawawala nilang kaanak.
02:32Angelic.
02:32Okay, yung marker na nakita natin sa video mo, yung lumulutang.
02:36Hindi malinaw kung ano yun, kung anong palatandaan yun.
02:42Tama ka dyan, Angelic.
02:46Kung napansin lang natin yan ngayong umaga, itong kulay kahel na lumulutang dito sa Taal Lake na nilagay ng PCEG.
02:53Inaalam pa natin, tinatanong natin sila kung ano ito pero hindi pa nila tayo sinasagot.
02:58Ang sabi nila, magbibigay daw sila ng impormasyon sa oras na humarap na sila sa media ngayong alas 2 ng hapon, Angelic.
03:04Okay, abagan natin yan. Maraming salamat sa iyo, Isaiah Mirafuentes.