00:00Ati namang alamin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene sa report ni Timic, Carl Velasco.
00:15Sinibak na sa pwesto si Christian Horner, ang team principal ng Formula One team na Red Bull Racing nitong nakaraang Webes.
00:22Hindi pa matuko yung dahilan ng pagsibak sa veteranong driver, ngunit maraming espekulasyon ang lumabas na dahil ito sa alitan niya sa pamilya ng driver ng kupunan na si Max Verstappen.
00:34Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang RBR sa kanilang Instagram account kung saan nagpasalamat ang kupunan kay Horner at sa mahigit dalawang dekada niyang serbisyo sa racing team.
00:45Nagpasalamat din si Horner sa kupunan na iniheg niya sa kanyang Instagram account.
00:51Tinulungan ni Horner ang RBR na makakuha ng 6 na Constructors Championship, kabilang narito ang 8 Drivers World Championships at humigit kumulang 120 wins sa loob ng dalawang dekada.
01:05Sa ngayon, papalit sa posisyon ni Horner bilang team principal si Laurent Mechies na siya rin punong tagapamahala ng Red Bull Sister Team na Racing Bulls.