Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras: (Part 1) Paghahanap sa mga labi sa Taal Lake, sinimulan na; 2-anyos na natutulog sa bangketa, nasagip matapos dukutin at molestiyahin umano; DMW: 8 sa 21 Pinoy na sakay ng barkong Eternity C, nakaligtas, bineberipika pa ang ulat na 2 sa 3 patay ay Pilipino, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Gold Club.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:23Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:27Mayigit tatlong pong diver ng Philippine Coast Guard ang magsasalitan sa paghanap ng mga labi na mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
00:38Diyan umano sila itinapon ayon sa whistleblower na si Dondon Patidongan.
00:43Pagdidiin ang Justice Department, may mahanap mga labi o wala ay uusad pa rin ang kaso.
00:50At live mula sa Laurel, Batangas, nakatutok si Chino Gaston.
00:54Chino!
00:58Mel Vicky, sinimula na ng Philippine Coast Guard ang paghahanap sa mga labi na mga nawawalang sabungero sa isang parte ng Taal Lake katapat ng Bayan ng Laurel.
01:07Nagsagawa ng ocular inspection at pagsusuri sa lalim at kundisyon ng lawa ang mga technical diver ng Philippine Coast Guard malapit sa isang fish cage sa Taal Lake sa bahagi ng Bayan ng Laurel.
01:21Ang naturang fish cage inuupahan umano ng isa sa mga sospek sa kaso ayon sa DOJ.
01:27Nagkaroon ng surface search kanina sa lugar ang mga diver pero wala pang nakitang indikasyon kung naroon nga ang hinahanap ng mga labi.
01:34Pero simula bukas, higit tatlong pong divers ang magsasalitan sa pagsisid sa lalim na 30 hanggang 50 meters at posibleng gumamit pa ng specialized diving equipment at gas mixtures para sa kanilang kaligtasan.
01:47Right now, nag-start na tayo ng initial survey. The operations already started and nag-ocular lang tayo and ina-assess natin yung other equipments that we'll be using.
02:00This is a lake. So, karakteristik niya lalo na pagkamaalon and nakikita niya naman murky.
02:07So, same yun sa bottom. As you go deep, medyo lumalabo. Maburak din yung lugar.
02:12Pusibleng gamitin din ang sariling remotely operated vehicle ng PCG sa paghahanap kung kinakailangan.
02:19Bago magsimula ang operasyon, binigyan ng PCG ng briefing ang mga kinatawa ng Department of Justice sa lugar kung saan gagawin ang paghahanap.
02:27Natukoy ng DOJ ang lugar kung saan sisimulan ang paghahanap batay sa mga isiniwalat ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
02:37Kung gaano katagal gagawin ang paghahanap, sabi ng DOJ.
02:40Well, until we have a good picture, we will not stop. Kasi pag kailangan ituloy talaga eh, kailangan tapusin yung trabaho.
02:50We're here to make sure that there are no human remains or if ever there are, to find them.
02:55So, until masasabi natin na talagang wala or talagang meron, hindi tayo titigil.
03:01May mga nagsasabi po na meron pa po tayong maabutan.
03:05Importante na umahanap ang mga labinang nawawalang sabongero, pero pwede pa rin namang umusad ang mga kasong murder laban sa mga sospek sa pamamagitan ng ibang ebidensya.
03:16But this will definitely shift the attention now to a murder case if ever bodies are found and remains are found.
03:24So, we do hope to see remains that will match the DNA of those missing cockfight enthusiasts.
03:34However, even if we do not find the bodies, what we have to prove is the fact of death.
03:41That is what is important in a murder case.
03:43Humingi na rin ng tulong ang DOJ sa Philippine Air Force para madala oras na aprobahan ng Japanese government ang mga hinihiram na ROV.
03:57Vicky, bukas na sisimulan ng malalim na pagsisid ng mga PCG technical divers sa lake bed base sa isang search pattern na itatakda ng operations commander.
04:07Shifting daw ang gagawin para hindi masagad itong ating mga technical divers ng PCG.
04:12Nalimitado lang din naman ang oras na pwedeng manatili sa sobrang lalim ng katubigan.
04:18Vicky.
04:19Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
04:21Dinukot at minoles siya umano ang isang batang natutulog sa bangketa sa Quezon City kasama ng kanyang mga magulang.
04:31Nasagip naman siya at inareso ang umano'y sospek.
04:34Ang nahulikam na pagkidnap sa kanya sa pagtutok ni John Consulta.
04:39Madaling araw kanina nang makunan sa CCTV ang pagdaan ng isang nalaki sa kalsadang ito sa Quezon City.
04:49Pero imbis na dumerecho, bigla siyang huminto, nagmasid-masid at dahang-dahang bumalik habang tumitingin sa gilid ng bangketa.
04:58Ilang saglit pa.
05:02Makikitang maitangay na siyang bata na kinuha niya habang mahimbing na natutulog ang mga magulang nitong mga ngalakal.
05:10Kita sa CCTV na may nakasulubong na nakapayong na babae ang patakas na sospek na nakita ang pagkuhas sa bata.
05:17Ginisin ng babae na nakapayong ang mga magulang na dalag-daling hinabol ng dalawang nalaki ang sospek.
05:22Pero mabilis na sumakay sa isang jeep na dumaan ang sospek.
05:25Pasado alas 7 ng umaga, isang batang minomoles siya umano ng 26 anos na nalaki ang nasagip.
05:31Napag-alaman na ang batang nasagip at ang batang nahulikam na dinukot ay iisa pala.
05:36May natanggap po ang tawag ang ating kabulisan.
05:39Naaksyonan po ang incidenting ito sa pamagitan ng tinatawag na 3-minute response, sir.
05:45At doon, sir, naabutan na nakumpirma na meron na huli ang mga taong bayan doon,
05:53kasama pa nga barangay tanod na may minomoles siya pong bata.
05:56Kwento ng nanay ng bata, laking gulat niya nang magising na wala na ang anak.
06:01Nasa loob pa raw ito ng damit niya nang natulog sila kagabi.
06:04Parang binaksakan po ko ng martilyo.
06:09Nalaman ko po na pinapalo, nasinampal niya po, tapos nanupan niya.
06:13Basta po ito, toli ko po kasi huwawa po yung batay, dalawang taong po po, wala po yung isip.
06:18Nang tanongin namin ang sospek kung bakit niya ito ginawa.
06:21Napag-alaman na ang sospek. May dati ng record ng pang-abuso sa isang minor de edad at pagdukot sa isa pang bata,
06:42bukod pa sa mga kasong robbery noong 2016 at 2022.
06:51Rape, tsaka po yung in relation to 7610.
06:55Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
07:01Vineverify pa ng gobyerno ang ulat na Pinoy ang dalawa sa tatlong nasawi sa pag-atake ng grupong Huthi
07:08sa barkong Eternity Sea sa Red Sea at kung hawak na nga ng grupo ang iba pang sakay nito.
07:15Nasa gip naman ang walong iba pang Pilipinong sakay ng barko.
07:18At nakatutok si JP Soriano.
07:21Kita sa videong inilabas ng grupong Huthi kung paano umano nila pinalubog ang bulk carrier na Eternity Sea sa Red Sea.
07:32Sa video namang inilabas ng isang maritime security firm, kita ang pag-rescue sa mga sakay ng barko.
07:38Mula sa dagat ay umakyat sila sa lubid na haddan ng isa pang barko at hinila ng mga tripulante nito.
07:45Mahigit 24 oras sila sa tubig ayon sa mga nag-rescue.
07:50Umakyat na sa walong Pilipino ang nailigtas ayon sa Department of Migrant Workers.
07:55Tugma naman ang itsura ng nasa video sa itsura ng Eternity Sea ayon sa Reuters News Agency.
08:01At kinumpirma ng United Kingdom Maritime Trade Organization ang paglubog nito ayon sa defense attache ng Pilipinas sa Baharing.
08:09Ayon kay Undersecretary Bernard Olaria, nakatanggap na rin sila ng report na Pilipino ang dalawa sa tatlong naiulat na namatay sa pag-atake bago pa lumubog ang barko.
08:19Pero sabi ni Migrant Workerssecretary Hans Kakdak sa Palacio, hindi pa nila alam kung ano ang lagay ng labing tatlo sa dalawamput isang Pilipinong sakay ng barko.
08:29Ang inaalam ngayon ng DMW kasama ang Department of Foreign Affairs ay kung totoo ang impormasyong galing o manumismo sa Houthi na hawak nila ang mga tripulanting sakay ng Eternity Sea na inatake nila.
08:42We have to confirm for ourselves whether indeed the Houthis have the rest of the crew.
08:51This is something that is yet subject to confirmation and we're working closely with the SECTES, Lazaro and the DFA along these lines.
09:00Nakausap na ng DMW ang kaanak ng mga Filipino seafarers na sakay ng Eternity Sea kasama ang manning agency at ship owners.
09:09Suspendido na aniya ang licensed manning agency sa Pilipinas ng Eternity Sea, pati na rin ang principal o yung may-ari ng barko bilang bahagi raw ng pagpapataw ng paunang regulatory measure at investigasyon.
09:20Na ginagawa, base sa mga nauna ng Department Order ng DMW, pinaiiwas na ang mga barkong magsasakay ng mga Pilipinong tripulante sa pagdaan sa Red Sea at Gulf of Aden.
09:33Pero ang lumalabas daw sa inisyal na impormasyong nakuha ng DMW, naglabas-masok ito sa mismong mga bahagi ng dagat na itinuturing ng delikado.
09:43Dalawang beses nag-traverse sa Red Sea kasi kung titrace mo yung rota niya ng Egypt to Somalia, that's one turn or one crossing across the Red Sea.
09:59And then bumalik ng Jeddah, so a second one. So at least two counts of violations of our rules and regulations.
10:06Hiningan namin ang pahayag ang manning agency ng Eternity Sea sa kanilang opisina sa Pilipinas, pero ipauubaya raw muna nila ang anumang sagot at impormasyon sa DMW.
10:17Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
10:23Sinuspindi na ang lisensya ng anim na driver na nagkarera sa kalsada sa Tagaytay sa Cavite.
10:30Panoorin ang viral na video ng karerahan sa pagtutok ni Marisol Abdurama.
10:40Sa punsa video kung paano tila pinapakain ng alikabok na mga sports car na ito ang mga nadadaanan sa Tagaytay, Cavite.
10:47Hawak na at iniimbestigahan ng Department of Transportation ang viral video.
10:59Matapos ipatawag ng Land Transportation Office ang mga driver na mga sports car para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat panagutin,
11:07ay inanunsyo na ng LTO at Department of Transportation ang pagsuspindi sa kanilang mga lisensya.
11:13Siyemnapung araw ang ipinataw na suspension sa driver's license sa anim na nagmaneho ng mga nasabing sports car.
11:19Pagdidiin ang kagawaran, hindi nito papayagan ang mga paglabag sa batas trapiko.
11:24Uulitin namin, any abuse sa kagye, kaya bus, kaya jeep, kaya taxi, kahit sports car pa yan.
11:36Lahat yan, suspindido yung mga driver niya.
11:38Seryoso ang gobyerno na kapag meron silang ginawang hindi tama sa kagye, may konsekwensya yan.
11:47Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng mga driver.
11:52Hinihikayat naman ng DOTR ang mga social media user na agad i-report sa kanila ang mga lumalabag na motorista.
12:00Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.
12:08Matapos ang mga pagtangging sumagot sa Kamara noon, magpaliwanag na sa unang pagkakataon si Vice President Sara Duterte
12:22kaugnay ng pangalan ng ilang nakatanggap umano ng kanyang confidential funds tulad ni Mary Grace Piatos.
12:30Anya, idedetalya yan ng mga eksperto sa impeachment trial kung matuloy.
12:35Ang sulyap sa kanyang magiging depensa sa pagtutok ni Tina Pangniban Perez.
12:43Mary Grace Piatos, Miggy Mango, at Xiaomi Ocho.
12:48Ilan lang yan sa mga nakatanggap umano ng confidential funds?
12:52Mula sa Office of the Vice President o ng Department of Education na nangsuriin ang Philippine Statistics Authority,
12:58lumabas na wala silang anumang record, mapabirth, marriage, or death certificate.
13:05Ngayon sa unang pagkakataon, nagsalita si Vice President Sara Duterte tungkol sa issue.
13:11It can be very well addressed during trial, but let me just say this, no.
13:16I think it is wrong for everyone to pick up as truth or as a fact all the pronouncements of the members of the House of Representatives,
13:31particularly with fictitious names because there are rules in intelligence operations.
13:39And you already heard some of intelligence, people who work in intelligence say that aliases are often used in intelligence operations.
13:56May mga House impeachment prosecutor na nagsabing kahit pinapayagan ang paggamit ng alyas,
14:03kailangang patunayang may totoong tao sa likod nito.
14:06Sabi ng vice, maghaharap sila ng mga resource person kaugnay nito.
14:11That can be discussed during the trial, ma'am. I do not want to elaborate on intelligence operations.
14:18We have an intelligence expert on our side, two actually, who will be our resource persons.
14:29So let us wait for the trial. And as I said yesterday, if there is no trial, then I will answer it publicly.
14:38Ikinatuwa ng isang House impeachment prosecutor ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte.
14:43Maganda rao talaga kung maipaliliwanag ang mga nangyari.
14:47Pero hindi na rao sana humaba ang issue kung nasagot na ito ng vice nang dinidinig pa ito ng Kamara noong 19th Congress.
14:57Matatandaang dumalo si Duterte sa mga pagdinig ng Kamara noong una.
15:01Pero tumanggi itong saguti ng mga tanong at kalaunan ay hindi na rin sumipot.
15:06Sana nung committee hearing, pinaliwanag na nila at hindi na kumaba ng ganito yung issue tungkol sa confidential fund.
15:14So why only now?
15:15Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez.
15:19Nakatuto, 24 oras.
15:23Tila naging bahagi na rao ng araw-araw na pamumuhay ng mga taga-malabon
15:28ang hindi humuhupang baha.
15:31Ang itinuturong dahilan, ang navigational gate ng lungsod na mahigit isang taon nang sira.
15:38Yan ang tinutukan ni Mark Salazar.
15:43Kahit walang ulan, hindi na nawawala ng baha sa Malabon Central Market.
15:48Nagkakatalo lang kung gaano kalalim o kababaw ang bahang sinusoong ng namamalengke.
15:54Ang sinasabing dahilan ng ilan,
15:56Pagkakalam ko sir, sira lang po yung prinsya ng nabotas kasi kayaan na kaganito.
16:02At saka natural na din kasi tagulan na rin eh.
16:05Tagulan na rin.
16:05Tsaka uhuparin naman siya pagka, halimbawa, hindi lang siya masasabayan ng ulan.
16:10Mahigit isang taon na kasing sira ang navigational gate na humaharang ng tubig dagat tuwing high tide.
16:16At habang sira ito, asahan daw na malulubog ang maraming lugar sa lungsod na below sea level.
16:22Parang nasanay na rin po kami kasi ganito.
16:25Totally, talagang ganito na rin po talaga sa Malabon.
16:28Ang adjust-adjust lang.
16:30Sa mga lugar na pirming binabaha, sila na ang nag-adjust.
16:34Gaya sa barangay Hulungduhat.
16:36Dahil hindi na practical magsuspinde ng klase,
16:39kaya tuloy lang habang inaalalayan ang libreng sakay ang mga eskwela.
16:44Sa panghulo, may kangkunga na nga sa baha.
16:47May mga gate gaya ng college na ito na permanente nang isinara.
16:50At ang disenyo ng mga pedicab dito ay elevated na.
16:54Sa Rizal Avenue Extension, papuntang Malabon City Hall hanggang tuho ng baha.
17:00May mga rider na itinulak na lang ang motor kesa tumirik ang makina.
17:04Tuwing high tide rin, tumatabo ang ganitong diskarte sa public transport.
17:13Bente ang pasahe para tuyukang makatawid sa baha.
17:17Sakay ang karitong malabalsa.
17:19Sa mga pedicab, mas mataas din ang pasahe pag may baha.
17:22Sa huling advisory ng DPWH, sa katapusan ng Hulyo pa,
17:36inaasahang matatapos ang navigational gate ng Navotas.
17:40Na malaking tulong laban sa baha maliban sa mga pagkakataong nagsanib ang high tide at malakas na ulan.
17:46Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
17:54Sa mga magpaparenew ng driver's license, hindi na kailangang pumunta sa tanggapan ng Land Transportation Office.
18:02Kahit saan, e pwedeng mag-renew gamit ang app ng gobyerno sa smartphone.
18:07At ang inyong card, abay pwede nang ipadeliver.
18:10Nakatutok si Joseph Morong.
18:11Lunch break. Ang security guard na si Junie V.
18:17Pero sa halip na kumain at magpahinga,
18:19pag-renew ng kanyang driver's license,
18:21ang inasikaso niya, lalo't mag-iexpire na ito sa susunod na linggo.
18:25Kasi wala po ng Saturday saka Sunday ang LTO po.
18:29Opo. Kaya sumaglit mo na po ako.
18:31Kung mag-renew kayo ng inyong driver's license,
18:34halimbawa dito sa Crescent City Licensing Office,
18:36first step nyo dito sa pre-evaluation.
18:38Titignan kung tama at kumpleto yung inyong mga dokumento na dala
18:42at kasanod niyan ay dito na kayo sa isa pang opisina
18:48kung saan bibigyan kayo ng queuing number
18:50at dito na rin kayo mag-iexam.
18:52At aabangan nyo na kung mabibigyan kayo ng inyong lisensya.
18:56Pero simula ngayong araw, kahit nasa bahay,
18:59makakapag-renew ang mga tulad ni Junie V. ng lisensya
19:02sa pamamagitan ng online driver's license renewal.
19:05Makikita yan sa eGovPH app na pwedeng ma-download
19:09sa mga smartphones.
19:11May email code na ipapadala sa inyong email
19:14para makasiguro na kayo ang nagre-rehistro sa eGovPH.
19:17Puntahan ang NGA o National Government Agency
19:21at hanapin ang LTO at ang online driver's renewal
19:25sa kasunod na page nito.
19:27Doon i-upload ang inyong driver's license na mag-iexpire na.
19:31Online na lahat kahit ang medical examination
19:34at online driver's examination.
19:37Ito yung eye exam at yung hearing exam.
19:41No, online lang din yan.
19:43At kapag natapos mo na yan,
19:45i-upload mo din sa file mo.
19:47Hindi na kailangan pampumunta sa LTO office.
19:50Yung picture po na ilalagay sa driver's license,
19:53i-upload na lang din po nung aplikante
19:55with using white background.
19:57Doon na rin pwedeng magbayad ng halagang P660 para sa lisensya
20:02gamit ang e-wallet o online banking.
20:05Pwedeng ipadliver sa inyong bahay ang inyong bagong lisensya.
20:09Advantage yun sa mga nagtatrabaho.
20:11Ang message namin sa mga fixer,
20:14simpigan, maghanap na kayo ng ibang racket.
20:17Para sa mga may huli,
20:18kailangan munang bayaran ng multa bago magamit ang app.
20:22At para sa mga first-time applicant ng driver's license,
20:25kailangan pa rin ang personal appearance sa LTO office.
20:29Para sa GMA Integrated News,
20:31Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
20:35Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Dave Gomez
20:38bilang bagong chief ng Presidential Communications Office o PCO.
20:44Si Gomez na ang ikalimang PCO chief sa ilalim ng administrasyon.
20:48Papalitan niya ang dating PCO chief na si Jay Ruiz
20:51na magiging miyembro naman ang Board of Directors
20:54ng Manila Economic Cultural Office o MECO sa Taiwan.
20:58May ilang dekadang karanasan sa pamahayag si Gomez
21:02na naging senior reporter at director general noon
21:06ng Philippine Information Agency.
21:08Itinalaga rin ang palasyo si Atty. Sharon Garin
21:12bilang bagong kalihim ng Energy Department.
21:19Good evening mga kapuso!
21:21Dumating na ang itinakdang tagpagligtas ng Encantania
21:25dahil ipinakilala na ang grown-up version ni Terra.
21:29Kabado, pero excited si Bianco umali sa role na pinagbubusan niya
21:33nung dugo at pawis.
21:35Makichika kay Aubrey Caramper.
21:38Avisala, Encantadex!
21:43Dumating na ang araw na itinakda.
21:45Nasi laya na kagabi sa Encantania Chronicles
21:48si Kapuso Prime Gem Bianca umali
21:50bilang si Sangre Terra.
21:56Haluhalong emosyon ng araw
21:58ang nararamdaman ni Bianca.
21:59Kinakabahan ako, Ate Aubrey, sa totoo lang.
22:03Kasi parang sobrang tagal kong hinintay
22:08and medyo surreal pa rin sa akin na
22:13totoong e-ere na si Terra.
22:15Pero sa kabila ng lahat ng mga naging pagsubok namin
22:20at sa tagal ng panahon na ginugol namin para dito,
22:25excited rin po ako na makita pong
22:29ng mga tao kung paano ko nabigyan buhay si Terra.
22:33Excited po ako na mas makilala nila siya
22:36at alamin nila yung kwento niya
22:38at pinagmulan niya
22:39at kung bakit siya naging karapat dapat
22:41na maging tagapagligtas ng Encantadia.
22:43Bianca in her element
22:45bilang bagong Sangre
22:46na tagapangalaga ng brilyante ng lupa
22:48at tagapagligtas ng Encantadia.
22:51Yan daw ang nais ipakita ni Bianca
22:53sa mga manunood
22:55dahil buong pagkataoraw niya
22:57ang ibinigay niya
22:58para gampanan ang importanteng karakter na ito.
23:02Siguro yung discipline ko
23:05as to how I conditioned myself
23:08to give justice to the role of Terra.
23:12Hindi lang naman po kasi
23:13basta acting ang kailangan
23:14sa mundo ng Encantadia.
23:17Encantadia requires research,
23:19requires training,
23:21requires the physique.
23:23Gusto ko pong makita nila na
23:25literal po na dugo, pawis at kaluluwa
23:29ang ibinigay ko
23:30para po kay Terra.
23:32And as a lawless girl,
23:34importante rin daw ang moment na ito
23:36para rin sa kanyang lola Vicky
23:38na inaabangan na raw
23:40ang kanyang pagbabalik
23:42sa GMA Prime.
23:44Ngayon finally,
23:45hindi na ako makapaghintay
23:46na makita din yung reaction niya na
23:48I want her to be proud of me.
23:50Aubrey Carampel,
23:52updated the showbiz
23:54happenings.

Recommended