Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakahanda ng mga equipment na gagamitin ngayong umaga sa search and retrieval operations sa Taal Lake,
00:05kung saan tinuturong itinapo ng mga labi ng ilan sa nawawalang sabongero.
00:10Live mula sa Talisay, Batangas, may unang balita si James Agustin.
00:15James?
00:19Igang, good morning. Nakahanda na nga yung mga water assets ng Philippine Coast Guard.
00:23Dito po yan sa Fishport, maging yung iba pang gagamitin sa pagsisit sa Taal Lake
00:28para hanapin ang mga labi ng mga nawawalang sabongero.
00:32Mag-alas doon sa madaling araw kanina nang dumating sa Coast Guard substation dito sa Talisay,
00:36ang mga gagamitin para sa search and retrieval operations na sisimulan ngayong araw.
00:41Dinala ang mga ito sa Fishport na magsisilbing staging area at isa-isang ibinaba ng mga tauhan ng PCG.
00:47Kabilang dyan ang mga diving suit, fins at oxygen tanks na gagamitin ng mga technical wrecked diver.
00:52Bihasa ang mga technical divers na sumisid ng mas malalim, lalupat nasa 198 meters ang lalim ng Taal Lake
01:00o katumbas ng 60 palapag na gusali.
01:04Nakastandby na rin ang mga cadaver bag, first aid kits at life ring.
01:08Nakahanda na rin ang isang rigid hull inflatable boat o rib na kayang makapagsakay ng sampung tao,
01:14maging ang tatlong rubber boats na kayang makapagsakay ng tatlo hanggang apat na tao.
01:18Ang pagsisimulan ng pagsisisi ng mga diver mamaya ay depende pa sa maging lagay ng panahon at water current.
01:24Inaasahan na darating ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, PNP Criminal Investigation and Detection Group and Philippine Coast Guard.
01:34Samantala, igan sa mga oras na ito ay maganda naman yung lagay ng panahon dito po sa ere na ito ng Talisay, Batangas.
01:41Pero kaninang madaling araw ay nakaranas tayo na mahinang pagulan.
01:45Yan ang latest sa sitwasyon mula dito sa Talisay, Batangas.
01:48Ako po si James Agustin para sa Gem Integrated News.
01:51James, may binanggit ba kung anong oras posibleng simula na itong pagsisid at ano yung mga hamon na hinaharap ng mga sisisid?
02:00Igan, wala pang binabanggit sa atin kung anong eksaktong oras magsisimula yung posibleng pagsisid.
02:10Dahil ang sinasabi sa atin ay pagdating dito ng iba't ibang kinatawan ng gobyerno tulad halimbawa ng PNPC, IDG, DOJ, maging ng PCJ, magkakaroon na muna ng pagpupulong at briefing at pag-uusapan kung paano ito isasagawa dito sa Taal Lake.
02:24Ang nandito pa lamang ngayon ay mga assets. Doon sa tanong mo, Igan, ang mga hamon, tatlo yung binabanggit sa atin na posibleng hamon.
02:30Unang-unang ilagay ng panahon. Kaninang madaling araw ay nakaranas sa mahinang pagulan dito sa lugar.
02:35Pero ngayon naman ay mukhang maganda naman yung panahon ngayong umaga nung pumutok na yung araw.
02:39At ikalawa, yung water current, yung agos po ng tubig dito sa Taal Lake.
02:43At ikat nung binabantay ang pa Igan ay naka-alert level 1 kasi itong bulkang Taal. Igan.
02:48Gaano ba kalalim yung bahagi ng Taal Lake na sisisirin mamaya?
02:56Yung mismong bahagi, Igan, kung saan sisimulan yung pagsisid ay hindi pa natin tukoy.
03:02Kaya hindi pa natin masabi kung gaano kalalim yun.
03:04Dahil iba't iba daw kasi yung lalim nito, erin na ito, depende kung saan lugar dito sa Taal Lake.
03:09Pero yung pinakamalalim na part ay nasa 198 meters o katumbas po yan ng 60 palapag na gusali.
03:17Pero kung ang pag-uusapan ay kung malapit lamang yan doon sa mga fish cages, ay hindi naman ganong kalalim.
03:22Ayon doon sa mga nakausap natin na mga mangingisda at mga tauhan ng Philippine Coast Guard dito, Igan.
03:29Yung whistleblower ba na si Julie Patidongan alias Totoy o Don Don,
03:34kasama ba siya dyan para personal natukoyin yung lugar sa lawa?
03:39Yan Igan ay wala pa tayong informasyon na nakukuha mula sa DOJ at PNP
03:48at napakalimitado lang kasi yung informasyon na naibahagi sa atin ng Philippine Coast Guard
03:52kaugnay dito sa isasagawa nilang search and retrieval operation ngayong araw.
03:56Igan.
03:57Kamu sa balagay ng panahon ngayon at sakaling umulan?
03:59Kanselado ba yung operasyon na yan?
04:01Ngayon, Igan, ay maganda naman yung panahon na nakikita natin
04:08o kumpara nga kaninang madaling araw
04:09at may posibilidad na makansela yung isasagawa nilang operasyon
04:13kapag bumukos yung ulan mamaya
04:15dahil isa yun sa mga konsiderasyon dito sa pagsisid sa Taal Lake.
04:20Kumusta ang seguridad sa paligid, James?
04:25Ngayong umaga, Igan, ay naghikpit na dito sa Fishport
04:29kung saan matatagpuan itong water assets ng Philippine Coast Guard
04:32at mas maghihikpit pa rin sila sa mga susunod na oras
04:34dahil inaasahan yung pagdating na mga kinatawa
04:37ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
04:39At natanong din natin ng Coast Guard,
04:41simula daw nung pumutok itong issue na ito
04:43na di umano dito itinapon yung mga labi na mga nawawalang sabongero
04:46ay mas naghikpit na rin sila sa pagpapatrolya
04:49dito sa area na ito ng Taal Lake.
04:51Igan.
04:52Maraming salamat, James Agustin.
04:54Ingat.
04:55Igan, mauna ka sa mga balita.
04:56Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
05:00para sa iba't ibang ulat sa ating bansa.

Recommended