Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • 2 days ago
Hanggang baywang naman ang baha sa ilang lugar sa Bacoor, Cavite sa lakas ng ulan kagabi. May residente pa ngang nakagat ng daga.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang bewang naman ang baha sa ilang lugar sa Bacoorcavite sa lakas ng ulan kagabi.
00:06May residente pang ang nakagat ng daga. Nakatutok si Jomer Apresto.
00:14Hindi nag-aano kalalim ang baha sa Mambongfor sa Bacoorcavite pasado alas dos ng madaling araw kanina.
00:20Pero umabot hanggang bewang ang lalim ng tubig rito kagabi kaya hindi nakadaan ang mga sasakyan.
00:25Ang naka-e-bike na ito, nag-aalangan pang dumaan kahit hindi na ganun kalalim ang tubig.
00:31Naabutan naman namin ang tricycle driver na si Tonton na nagkawang gawa ng magtanggal ng mga nakabarambasura mula sa drainage.
00:38Kasi barado na po eh. Para mabis po bumaba yung tubig.
00:44Ang 32 years old naman na si Jomar nakagat ng daga kagabi.
00:48Naninigarilyo ako dito. Kinagat na lang akong bigla. Laki ng daga eh. Lumalaban sa tao eh.
00:55Agad naman daw siyang magpapaturok ng antirebis.
00:58Sa kasagsagan ng baha, naabutan din namin ang lalaking ito na may napulot pang plaka ng sasakyan.
01:03Madalas raw mayroong nalalaglag na plaka dito lalo kapag mataas ang baha.
01:08Isinasabit naman nila ito sa poste para agad makita ng mga may-ari ng plaka.
01:13Napasilip pa ang lalaking ito dahil nalaglagan din daw pala siya ng plaka kagabi.
01:17Pero bigo siya na makita ang ganyang plaka.
01:19At 10pm po, hanggang bewang po yung baha simula dito.
01:23So, alam ko kaya naman ang pick-up ko eh. Kaya dinaan ko siya.
01:28At nalabas sa atin, pag-uwi ko ngayon, napansin ko wala na yung harapan na plaka ko.
01:32Sabi ng mga residente, matagal na nilang problema ang baha sa bahaging ito ng Mambog Road.
01:37Kaunting ulan lang kasi, mabilis na tumaas ang tubig.
01:41Kaya ang karamihan ng mga residente rito,
01:43naglalagay ng mga sandbags sa labas para hindi pasukin ang loob ng kanilang bahay.
01:47Bukod sa Mambog, matas rin ang baha sa bahagi ng Bayanan Road
01:51kung saan nag-aalangan dumaan ang mga motorista.
01:55Para sa GMA Integrated News,
01:57Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.

Recommended