Tila may pekeng testigo umano sa kasong hinaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC, ayon kay Vice President Sara Duterte. Ang basehan niya, ang nabasang salaysay ni alyas "Rene” na nakasama nito sa isang safe house ang ilang tetestigo sa ICC.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Tila may peking testigo o mano sa kasong hinaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ayon kay Vice President Sara Duterte.
00:09Ang basehan niya ang nabasang salaysay ni alias Rene na nakasama nito sa isang safe house ang ilang tetestigo sa ICC.
00:18Nakatutok si Marisol Abduramad.
00:19Mula sa The Hague, Netherlands, may aligasyon si Vice President Sara Duterte tungkol sa mga ihaharap na saksi sa International Criminal Court laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:34Sabi ng vice, tila meron daw kasama dito mga peking witness.
00:38Ang kanyang basehan, ang nabasang muna niyang affidavit ni Michael Morello alias Rene, ang testigo inhirap sa Senado ni Senador Rizan Tiveros, para din noon si Pastor Apollo Quibuloy at ang mag-amang Duterte.
00:50Pero kalaunan ay binawi ang kanyang mga sinabi sa pamamagitan ng isang video.
00:55Nabasa ko na yung affidavit niya bago pa man siya lumabas publicly.
01:00In fact, meron mga nakalagay doon na nakasama niya ang mga witnesses ko ng RCC doon sa isang bahay kung saan siya pinatirang ni Sen. Monteveros.
01:19Sinabihan ko din ng lawyer ni President Duterte na noon na meron nga gano'n na statement yung witness against Pasto Quibuloy na ngayon ay nagsasabi na hindi totoo yung mga sinabi niya.
01:35Sinabi niya na nakasama niya sa tirahad, mga witnesses ng RCC.
01:41Aligasyon ni Morello, binayaran umano siya noon para humarap sa pagdinig ng Senado, kaugnay ng mga pangaabuso umano ng pastor.
01:49Sabi ng bise, seryoso ang ligasyon kaya dapat daw maghahin ng kaso si Morello.
01:54It should be answered no, clearly kung ano ba talaga ang nangyari.
02:02And kung sa tingin ni Alias Rene na dapat siya ay mag-file din ng kaso, ay dapat gawin niya din yun.
02:09Para nasasabi niya yung totoo sa loob ng korte at nakakasagot din ang maayos yung mga akusado sa loob din ng korte.
02:19Sa isang pahayag, sinabi ni Monteveros na pinaninindigan niya ang kanyang mga sinabing kasinungalingan ang mga sinabi ng Morello sa video.
02:27Kung meron daw bagong affidavit si Morello na naglalaman ng mga kasinungalingan laban sa kanya at mga biktima ni Kibuloy, sa tingin niya maaari siyang kasuhan ng perjury.
02:37Gusto rin malaman ni Monteveros kung paano nakuha ni BP Sara ang salaysa ni Morello bago pa ilabas ang kanyang video na tinawag niyang Fake News.
02:45Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.