Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/9/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Bantay habagat tayo, kausapin natin si Pag-asa Weather Specialist Dr. John Manalo.
00:05Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:08Magandang umaga din po at sa lahat ng ating tagapanood.
00:11Opo, gaano po kalakas yung habagat ngayon at saan saan lugar po ito makaka-apekto?
00:16Mahalaga din po siguro na mabanggit natin na yung habagat ay taon-taon na nangyayari sa atin.
00:21Yung kung gaano kalakas po ay basis sa ating monthly outlook o yung inaasahan natin ng mga pagulan ngayon July,
00:26near normal po yung kondisyon na nakikita natin.
00:31Ilang araw po tayong makakaranas ng pabugsong-bugsong ulan?
00:35Inaasaan po natin na patuloy yung epekto, yung tuloy-tuloy na mga pagulan dito sa western part ng ating bansa hanggang sa biyernes.
00:42At unti-unti pong magkakaroon tayo, makakaranas tayo ng improved weather conditions sa weekends.
00:47Pero in general po, from June to October, ito po yung panahon natin ng rainy season at associated ito sa habagat.
00:53At kaya asahan natin na magpapatuloy po yung mga pagulan natin.
00:57Bakit po kaya kahit pabugso-bugso, napakalakas naman ang buhos ng ulan?
01:01May mga cases po kasi na yung wind direction.
01:05Kapag southwest monsoon po kasi, yung hangin na nakaka-apekto sa atin ay timog, galing sa timog ganduran.
01:10At yung hangin na nandun, mataas po yung moisture, malapit sa equatorial region.
01:14At kapag dinadala po yun ng hangin, ayun po yung nagkakos ng mga kaulapan
01:18na dinadala ay mga pagulan lalo na sa western part ng ating bansa.
01:22Ayun. E sa Metro Manila po, maranasan ba ulit yung pagbaha kagabi dahil sa malakas na ulan?
01:28Yung kagabi po ay well-organized yung thunderstorm na yun.
01:32Actually, yung southern part po ng Metro Manila, yung pinaka-apektoan.
01:36Bukod po doon, yung mga probinsya na malapit dito, Cavite, Batangas, sila po yung mas inulan.
01:42Pero yung mga pagbaha ay associated na po talaga yan sa mga ganong pangyari.
01:46At hindi po natin inaalis yung posibilidad na muli po ay maka-apekto sa atin yung ganitong thunderstorm sa mga susunod na araw.
01:53Ikaw, ganyan naman po doon sa LPA sa labas ng PIR, nasa ano pong lokasyon at tagano po ito kalakas?
01:59Sa kasalukuyan po ay nasa 1,705 kilometer ito east ng Extreme Northern Luzon.
02:05Inaasahan din natin na yung development niya ay masyadong mababa.
02:09Ibig sabihin, hindi na po ito magpapatuloy sa susunod na 24 oras.
02:13Pero kung mapapansin po natin, ay meron tayong mga cloud clusters na nasa labas din ng Philippine Area of Responsibility.
02:19And then yung isa naman ay nasa northeastern part ng Pilipinas.
02:22Hindi natin inaalis yung posibilidad na magkaroon ng sirkulasyon or development ng low pressure area.
02:28Kaya patuloy po natin yan na i-monitor para maging updated po tayo.
02:32Pero may pag-asa po pa kayo ito mabuo bilang bagyot pumasok sa PAR?
02:36Yung low pressure area po ay hindi. Magdi-dissipate na po ito.
02:40Pero yung mamumuo pa lang, ito po yung titignan natin kung magkakaroon siya ng posibilidad na development.
02:46Kasi may tinatawag din po tayo na enhanced southwest monsoon.
02:49Kapag favorable po yung condition or nakapuesto siya sa northeastern part ng Pilipinas,
02:54mas pwede niyang pahilahin pa yung mga clouds na binangkit natin kanina
02:57at magdudulot po ito ng mas maraming pagulan sa western part ng Pilipinas.
03:01Kasama po dito yung Metro Manila.
03:03Sa bahagi po ng Bulkang Taal na binabantayan din ang aktividad, ano pong panahon ang aasahan?
03:09Asahan natin na posible pa rin yung mga pagulan sa Friday dahil binangkit natin kanina yung mga factors
03:16at mahalaga na maibangkit din natin yung wind direction.
03:22Dahil southwest nang gagaling yung hangin, asahan natin na yung maaaring iboga ng bulkan na sa Taal ay mag-move din
03:29pakunta rin sa mga kalapit niyang probinsya, halimbawa ay sa Quezon.
03:33Kaya mahalagang magmonitoran.
03:35Ilang bagyo po ba yung posibleng pumasok ngayong buwan?
03:38Ngayong buwan po, 2 or 3 po yung ina-expect natin.
03:41Pero mahalaga din po na ma-inform tayo na yung 2 or 3 na yun ay climatological average.
03:46Ibig sabihin, yun yung inaasahan natin.
03:48Pero that doesn't mean na kapag nakatatlo na tayo ngayong July,
03:51ay hindi na tayo makaka-experience pa ng bagyo.
03:53O kaya ay at least 2 dapat may pumasok ngayong July.
03:57Hindi po.
03:58Yun po yung inaasahan natin, average number ng tropical cycle.
04:01Pero posibleng pa din po na mas konti or more than 3 pa yung pumasok sa ating
04:06Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng July.
04:08Kaya dapat maganda pa rin.
04:10Maraming salamat po, Pag-asa Weather Specialist Dr. John Manalo.
04:14Maraming salamat din po.
04:14Maraming salamat po.

Recommended