Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Sugatan ang isang babae sa Taytay, Rizal matapos ma-holdup at pagsasaksakin pa para makuha ang kaniyang cellphone!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sugatan ang isang babae sa Taytay sa Rizal matapos ma-hold up at pagsasaksakin pa para makuha ang kanyang cellphone.
00:09Nakatutok si EJ Gomez.
00:14Balik kulungan ang 38-anyos na lalaking ito dahil sa pang-hold up umano sa isang babae sa Taytay Rizal pasado alas 5 ng madaling araw kahapon.
00:25Base sa investigasyon ng pulisya, naglalakad ang 29-anyos na biktima sa kalsada ng Samagta Floodway sa Barangay San Juan nang mangyari ang insidente.
00:35Yung ating biktima, galing siya sa trabaho, isa siyang call center agent.
00:40So nung dumating siya dito sa may bandang floodway, nilapitan siya nitong ating sospek at nagdeklala ng hold up.
00:47And then nung nagpumiglas yung ating victim, doon niya na inundayan ng saksak gamit yung ice pick.
00:53Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
01:00Natangay sa biktima ang isang cellphone.
01:03Sa follow-up operasyon ng Taytay Police, naaresto ang sospek na si alias JR sa kanya mismong bahay.
01:10Na-trace natin, nakakita natin sa CCTV yung mukha ng sospek.
01:16At yun nga, nakuha, nahuhuli ng ating mga operatiba yung sospek doon sa Barangay Muzon.
01:21And then na-recover din sa posesyon niya yung mismong cellphone na tinangin niya doon sa victim.
01:27Hindi na raw na-recover ang ginamit na patalim.
01:30Aminado ang sospek sa pangu-hold up.
01:33Ibebenta raw sana niya ang ninakaw na cellphone pantusto sa kanyang pamilya.
01:38Di na lang po ng pangangailangan.
01:40Di na lang po yung araw niyo.
01:42Na?
01:44Nagawa ko po yun.
01:45Nang tanungin ukol sa ginamit niyang patalim.
01:48Naiagis ko po yun sa may ilog.
01:50Ano-ini po ako ng soro sa inyo ma'am.
01:53Dahil naroon po akong tatlong buwan na baby.
01:58Tapos kailangan po po ng pangupo ng bahay.
02:03Patawarin niyo po ako.
02:05Sa records ng pulisya, dati nang nakulong dahil sa pangu-hold up at illegal gambling ang sospek.
02:12Sasampahan siya ng reklamong robbery with frustrated homicide.
02:16Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kuna ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.
02:22Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.

Recommended