Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/9/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maka-update tayo sa binabantayang low pressure area at magiging epekto nito sa lagay ng panahon sa bansa.
00:12Ihakatid niya ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor?
00:19Salamat Ms. Mel, mga kapuso. Lalo nga tumaas ang chance na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area.
00:26Matapos kasing tumawid po nito kagabi dito po yan sa pagitan ng Northern at ganoon din ng Central Luzon ay napunta na po ulit yan dito sa dagat.
00:34Kaya po nakaipon ulit yan ang moisture na kailangan po nito para lumakas.
00:39Huli itong namataan, 415 kilometers, kanluran po yan ng Baknotan La Union.
00:44Ay po sa pag-asa, posibleng maglabas-pasok po yan dito sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na oras.
00:51Kung sa loob ng par po ito maging bagyo, tatawagin po natin niyang Bagyong Auringa, ang unang bagyo ng 2025.
00:59Dito po sa ating satellite image, mapapansin po ninyo na nasa kanlurang bahagi po ng low pressure area itong mga kaulapan.
01:06Kaya naman, wala na po yung epekto dito sa anumang bahagi ng ating bansa.
01:11Pero patuloy po nitong palalakasin yung hanging habagat o yung southwest monsoon.
01:15Ito po yan, hinahatak niyan yung habagat.
01:17At dahil may stulang hahampas dito po sa may kanlurang bahagi ng Pilipinas, yung hanging habagat,
01:23dito rin posibleng maranasan yung mga matitinding pag-ulana.
01:27Base po sa datos ng Metro Weather, umaga po sa Luzon bukas, may mga pag-ulana.
01:31Sa ilang bahagi po yan, ng Mimaropa, Calabar Zone, ganoon din dito sa Bicol Region,
01:36at sa ilang lugar po dito sa may Central Luzon.
01:39Pwede pong maulit yung mga pag-ulan pagsapit po ng hapon at kasama na rin po dyan itong ilang lugar sa Northern Luzon.
01:45Nakikita po ninyo halos buong Luzon na may mga pag-ulan po sa hapon.
01:49At meron din po mga malalakas na ulan, kaya maging handa pa rin po sa posibleng pagbaha o landslide.
01:55Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang chance sa mga pag-ulan bukas.
02:00Pwede pa rin pong may mga break o yung pansamantala pong hihinto tapos bubuhos ulit pagkatapos po ng ilang oras.
02:07Kaya dapat lagi po tayo nakahanda.
02:09May mga pag-ulan din sa Visayas, bukas po yan ng umaga.
02:12Pero mas malawa ka na po yung mga pag-ulan.
02:15Pagsapit po ng hapon, masaramdam po yung maulang panahon.
02:18Dito po yan sa Western Visayas, Negros Island Region, at ilang bahagi po ng Summer and Lete Provinces.
02:25Kaya dobi ingat.
02:26Sa Mindanao naman, may chance na rin po ng mga pag-ulan.
02:28Lalo na po sa hapon, kasama sa makakananas niyan itong Zamboanga Peninsula,
02:33Northern Mindanao, Karaga, at ilang bahagi rin ng Soksarjel.
02:37Sa heavy rainfall outlook naman po ng pag-asa,
02:40paghandaan din yung mga malalakas sa pag-ulan sa mga susunod na araw.
02:43Dahil pa rin po yan sa epekto ng habagat.
02:46Lalong-lalo na sa may Zambales at sa may Oriental Mindoro.
02:50O Occidental Mindoro din po.
02:51Inaasahan po natin yan.
02:53Yung moderate to heavy naman, Metro Manila, Pampanga, Bataan, Cavite, Batangas, Marinduque,
02:59Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro.
03:01Meron po tayong mga matitinding pag-ulan.
03:03Ganon din sa Romblon, Palawan, at pati na rin sa Antique.
03:07Samantala, may mga kumpol na mga ula po.
03:10Cloud cluster din po dito sa may silangang bahagi ng ating bansa.
03:13At patuloy po natin tututukan kung mabubuo rin yan
03:17bilang panibagong sama ng panahon sa mga susunod na araw.
03:21Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
03:23Ako po si Amor La Rosa.
03:25Para sa GMA Integrated News Weather Center,
03:28maasahan anuman ang panahon.

Recommended