Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/7/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Hindi lang daw Taal Lake sa Batangas ang posibleng pinagtapunan ng mga labi ng mga nawawalang sabongero ayon kay PNP Chief Nicholas Torre III.
00:08Ang una nagsiwala tungkol sa pagtatapano-mano sa Taal Lake na si Julie Dondon Patidongan, may ipinakita rin tattoo na kapareho rao sa iba pang sangkot sa pagkawala ng mga sabongero.
00:19May unang balita si Ian Cruz.
00:20Ipinakita sa akin ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy ang tattoo niya ni San Miguel Arcangel na nasa may likod malapit sa batok.
00:31Ayon sa kanya, nasa dalawang puraw silang may kaparehong tattoo.
00:35Tanda o mano ng kanilang malalim na samahan ng mga anya'y may kinalaman sa missing sabongeros.
00:41Pero may ibang miyembro rao na pinabago na ang tattoo.
00:44Yung tattoo dito, naman sa amin, alam na ng ano to, yung Arcangel, yung grupo na yan, may mga tattoo lahat yan.
00:50Kaya, imposible. Yung isang kaibigan ko na pulis, nagpadala na ng picture na binago niya na yung tattoo sa likod.
00:57Yung tattoo namin dito sa likod, ngayon pinatakman na nila.
01:01Pero halatang halata, kahit takpan pa ninyo ng ilang tattoo yan, hindi nyo mabago yan.
01:08Sabi ni Patidongan, mula nang ilabas daw niya ang mga nalalaman tungkol sa kaso ng mga nawawalang sabongero, kaliwat ka na narawang banta sa kanya.
01:17Pinadalhan pa ako ng bulaklak na risk in place. Hindi ako batatakot kung sino ka man niyang punsyo pilato ka, nagpapadala sa akin ng ganyan.
01:27Takotin mo yung lulong mong panot. Huwag ako.
01:32Handa na raw ang kanyang salaysay, pero may inaayos pa bago isumite sa Department of Justice.
01:38Yung apidabit na yan, nandiyan na yan. Katulad nung sinabi ko na nakaraan, kulang pa talaga. Pero mag-antay ka Mr. Atong Ang. Bumaliktad na lahat.
01:49Yung mga apidabit ko na yan, alam kong may kopya na si Mr. Atong Ang niyan, pero hindi ko pwedeng ibigay ang lahat ng detalyan niyan.
01:59Wala pang bagong pahayag si Atong Ang, pero nauna na niyang itinanggi na may kinalaman siya sa kaso.
02:06Nasa protective custody ngayon ng PNP si Patidongan.
02:10Habang ang 15 polis na ginadawit sa kaso, nasa restrictive custody sa Camp Krame.
02:16Sabi ng PNP, posibling madagdagan pa ito habang umuusad ang imbesigasyon.
02:21Wala kaming sasantuhin dito. Wala kaming... We will leave no stones unturned.
02:27Ayon kay Police General Nicola Story III, bago pa man siya maging PNP Chief, lumapit na sa kanila si Patidongan.
02:34Si EDG pa ako na sinimulan ito. Si EDG pa ako nang nakuha namin si Totoy at nagbigay ng information sa amin.
02:40I was very shocked. Karumaldumal naman talaga ang nangyayari. Hindi talaga not acceptable by any standards.
02:46Dagdag pa ng PNP Chief, hindi lang daw sa Taal Lake may tinapong labi ng mga nawawalang sabongero.
02:52Based on our information, hindi naman sa Taal ang disposal. Hindi lang sa lake ang disposal. May mga areas pa. At yan naman ay mga ini-examine na namin.
03:02May sinasabi, sinunog. May mga sinabi, binaon.
03:05Hindi na idinitalin ni Torre kung saang mga lugar pa sila naghahanap para hindi anya madiskaril ang imbesigasyon.
03:12Sa ngayon, ayon sa Department of Justice, may mga natukoy ng lugar pero sa palibot pa lang ng Taal Lake na malapit sa ilang palaisdaan doon.
03:21There will be layers of sediments because there are eruptions going on. There will be murkiness in the waters because of the weather.
03:29But that being the case, it doesn't stop us from looking into the lake as the resting place of many of those missing people.
03:40Ayon pa sa DOJ, may iba pang mga testigo na lalantad ngayong linggo.
03:45Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
03:51Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:54Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended