Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras: (Part 3) Driver na nagse-cellphone habang nagmamaneho ng luxury car sa EDSA, pinagpapaliwanag ng LTO; tattoo na ipinakita ni Patidongan, pareho umano sa mga may kinalaman sa pagkawala ng mga biktima; Mika Salamanca at Brent Manalo aka "BreKa", aminadong hindi in-expect ang kanilang "big winner" moment, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Welcome to the Philippine Area of Responsibility.
00:30At sunod na tutumbukin ang China.
00:32Hinihila o hinahatak pa rin ang bagyo ang habagat na makakaapekto pa rin sa bansa.
00:38Base po sa datos ng Metro Weather, may mga pagulan sa ilang bahagi ng Cagayan, Extreme Northern Luzon, Ilocos Region, Central Luzon, Mimaropa at ilang lugar sa Mindanao.
00:50Pagsapit naman ang hapon, meron na rin tsansa ng ulan sa iba pang bahagi ng Luzon kasama ng ilang probinsya sa Calabarzon at Bicol Region.
00:58May mga kalat-kalat na ulan din sa Visayas at Mindanao.
01:03Posible pa rin ang baha o landslide, dulot ng malalakas na ulang dala ng thunderstorms.
01:09Sa Metro Manila naman, may tsansa pa rin umulan.
01:12Posible meron na sa umaga pa lang sa ilang lungsod at pwedeng maulit sa hapon o sa gabi.
01:17Samantala, may bagong cloud cluster o kumpol ng mga ulap na minomonitor ang pag-asa sa silangan ng bansa.
01:26Patuloy po na tumutok sa updates kung mabubuo yan bilang low pressure area sa mga susunod na araw.
01:32Dahil sa layo at kakulangan din ng kinikita, kapos sa dental service ang mga residente sa Palawi Island sa Cagayan.
01:49Kaya sa ilalim ng Linis Lusog Kapusong Kabataan Project ng GMA Kapuso Foundation,
01:55naghatid tayo ng libreng dental service kasama ang ating mga volunteer dentists.
02:01Payak at payapa ang pamumuhay ng mga residente sa isla ng Palawi sa Santa Ana sa Cagayan.
02:13Pero mahirap ni T. Ann ang malaparaisong ganda ng isla ng mga nangangailangan magpatingin sa dentista.
02:23Wala kasing dental clinic dito.
02:25Kaya si Maricene, minsanan lang makapagpa-dental check-up.
02:32Nagsumakit nga ang ngipin ng mga anak, nagmumumog na lang sila ng tubig na may asin.
02:38Kung may libre, ma'am, tsaka lang po kami nagpapabunot ng ngipin.
02:43Pag may mga nagmi-medical mission dito.
02:46Pero bukod dyan, problema.
02:48Ang iba pang hygiene needs nila, tulad ng sabon.
02:52Ang panligo nga, sabon, panlaba.
02:54Kasama ang ating volunteer dentists mula sa Philippine Association of Private School Dentists,
03:04bumiyahe ang GMA Kapuso Foundation ng labing-anim na oras mula Maynila patungong Santa Ana.
03:13Nagsagawa tayo ng libring bunot at fluoride varnish application ng ngipin.
03:19Nagbigay rin tayo ng mga hygiene kits.
03:21Tinawi din natin ang Palawi Islands para masuri ang ngipin ng mga bata doon.
03:28Kula nga sa bisita sa dentista, kaya medyo hygienically hindi ganun kaayos.
03:35Warm water with salt.
03:37Pero nababawasan lang yung pain.
03:39Pero definitely hindi mawawala totally.
03:42Tinuruan natin sila ng wastong pagsisipilyo, paghuhugas ng kamay, at paglilinis ng buhok gamit ang siyampong pamatay kuto.
03:54Maraming salamat po kasi kahit malayo po kami, dumating po yung tulong na galing po sa GMA Foundation.
04:01Maraming salamat din po sa Rea Generics, Filusa Corporation.
04:07Sa mga nais makiisa sa aming mga projects, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Lulier.
04:16Magkakaibang adjustment sa presyo ng ilang produktong petrolyo simula bukas, July 8th.
04:28Merong rollback pero meron ding taas presyo.
04:3170 centimo ang kaltas sa presyo kada litro ng gasolina ng karamihan sa mga oil company,
04:38habang 10 centimo ang rollback sa diesel.
04:4180 centimo kada litro naman ang rollback sa kerosene.
04:45Pero ang isang kumpanya sa gasolina at kerosene lang may bawas presyo.
04:50Nagdagdag ito ng 15 centimo sa presyo ng litro ng diesel.
04:55Wala pa pong anunsyo ang ibang kumpanya ng langis.
04:59Nagbabala ang Fibox sa posibleng pagputok ng bulkang taal.
05:05Base sa inilabas na advisory kahapon, naobserbahan ang pagtaas ng seismic energy
05:10at kawalan ng degassing activity o pagbuga ng gas.
05:14Ang mga ito, indikasyon umano na may nakaharang sa gas pathway sa loob ng bulkan
05:22at maaaring maging mitya ng panibagong phreatic o minor phreatomagmatic eruption.
05:30Sa latest bulletin naman ng Fibox ngayong araw,
05:32nasa alert level 1 pa rin ang bulkang taal.
05:35May 300 tonelada ng sulfur dioxide o asupre ang ibinugan ng bulkan
05:42at may plume o pagsingaw na naaabot sa 700 metro ang taas.
05:49May ipit pa rin ipinagbabawal ang pagpasok sa permanent danger zone.
05:54At ito na nga, nakabang na rin ang cast ng Beauty Empire para sa kanilang watch party.
06:04Makichika tayo kay Athena Imperial.
06:07Athena!
06:07Mga kapuso, ready na ba kayong manood ng isang magandang laban ngayong gabi?
06:16Kasi kami dito sa Taytay Rizal ay readyng ready na kasama ang buong cast and crew ng Beauty Empire.
06:23At makakasama po natin ngayon live ha si Miss Kailin Alcantara.
06:27Hello! Good evening!
06:28And Miss Barbie Forteza.
06:30Hello po! Magandang kami po sa inyong lahat.
06:34Congratulations, ladies!
06:35Ano ba ang aabangan nila sa roles ninyong dalawa dito sa Beauty Empire?
06:40Nako, marami po kayong aabangan, di ba kay Lynn?
06:43Sobrang dami po dahil simula na po ng pinakamagandang laban po sa GMA Prime.
06:49Hindi ba, Mari?
06:50Ako po dito si Shari Diasuz.
06:52Ako po ay isang goal-driven and power-driven woman.
06:55At marami, marami po kayo. Maraming layers talaga dito sa Beauty Empire.
07:00How about you, Maris?
07:01At saka bago po talaga itong i-offer namin kasi ito po ay murder, mystery, family, revenge drama.
07:07Kaya bagong timpla po ito sa GMA Prime Time.
07:10Kaya sana po ay panuorin ninyo 9.35 mamaya.
07:13Perfect. Itong panuorin ng buong pamilya kasi tamang-tama.
07:17E bago matulog, sabay-sabay silang manunood nitong Beauty Empire.
07:20Yes!
07:21At andito na kami kasama ang buong cast!
07:25Cast and crew, the Beauty is God!
07:28Ako dito!
07:28Si Direk Mar.
07:30Say hi, Direk!
07:32Okay, busyng-busy sila kasi ongoing pa rin ang shoot nila ngayon dito sa Taytay Rizal.
07:36Okay, sige, imbitahan natin sila ulit.
07:39Mga kapuso, sana po panuorin nyo po ang Beauty Empire.
07:419.35 p.m. po yan pagkatapos po ng Sanggang Diki.
07:46Yes!
07:46How about you, ma?
07:47Directed by the one and only...
07:49The one and only...
07:50...Mar De La Cruz!
07:53Ayan.
07:53Okay.
07:55Maraming maraming salamat.
07:56Ayan nga no, 9.35 p.m.
07:58So bago matulog, perfect yan.
08:00Na naka-facial mask na sila and serum and naka-moisturizer.
08:04Para talagang literal na sitting pretty habang nanonood ng Beauty Empire.
08:09Balik sa'yo dyan sa studio.
08:11Grabe, feel na feel ko yung energy mula dyan.
08:14Maraming salamat, Athena Imperial.
08:18Pinagpapaliwanag na ng LTO ang driver na nag-viral dahil sa pagse-cellphone
08:22habang nagmamaneho ng luxury car sa EDSA.
08:26Pinatatawag din ang rehestradong may-ari ng kotse.
08:30At nakatutok si Mariz Umali.
08:36Nakarating na agad sa atensyon ng Land Transportation Office ang video nito
08:40na kuha mismo ng driver ng isang luxury sports car at inupload sa kanyang social media.
08:46Dito, kinukunan niya ng video ang sarili habang minamaneho ang magharbong kotse
08:51at inikot pa ang phone camera sa paligid habang binabagtas ang EDSA.
08:55Dahil dito, in-issuehan na ng show cost order ang driver ng luxury sports car.
09:00Doon kasi sa video, Mariz, kitang kita na nagsa-cellphone siya.
09:04Habang hawak niya yung manibela gamit ng kanyang kaliwang kamay,
09:07yung kanang kamay niya ay pinaiikot niya doon sa daan.
09:11Kitang kita na na distracted siya.
09:15Again, meron po kasi tayong batas na anti-distracted driving na pinagbabawal po
09:19yung mga paggamit ng kahit anong gadgets while driving because it might cause road accident or road crash.
09:28Pati ang rehistradong may-ari na sasakyan, damay din sa show cost order.
09:33Well, yung registered owner, kung ipagpapaliwanag kung bakit niya pinayagan na magmaneho.
09:39Sa July 10, nakatakda ang hearing kung saan inatasan ang dalawang inissuehan ng show cost order
09:45na humarap sa Intelligence and Investigation Division Law Enforcement Service ng LTO
09:50para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong administratibo
09:54sa paglabag sa Reckless Driving Anti-Distracted Driving Act
09:59at kung bakit hindi sila dapat suspindihin o kansilahin ang kanilang lisensya.
10:03Kapag nakita po natin na wala po siyang respeto sa batas, simple traffic rules, hindi po niya masundan,
10:11wala po siyang karapatan na mabigyan ng privilehyo na magkaroon ng driver's license.
10:16Kahit naman may post ang driver na itinatanggi niyang siya yun, malinaw daw na siyang driver ayon sa LTO.
10:22Well, the video, ano eh, very clear naman yung video, hindi naman siya gawang AI,
10:27kitang-kita naman yung mukha niya at nakita naman po natin sa records natin yung picture niya sa lisensya,
10:35eh, magkamukha naman.
10:36So, kung hindi man siya yun, sagutin lang niya.
10:40Titignan natin kung may weight ba yung kanyang depensa.
10:46Sakaling mapatunayang may sala, bukos sa 10,000 pisong multa para sa Anti-Distracted Driving
10:51ay posibleng masuspindi ng tatlong buwan hanggang isang taon o tuluyang marevoke ang kanyang lisensya.
10:56May scientific study talaga na kapag ang isang nagmamaneho ay distracted using cellphones or whatever gadget
11:04ay pwedeng mag-cause ng accident.
11:07Sinubukan naming kunan ang pahayagan driver sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng mensahe
11:11sa kanyang mga social media accounts.
11:14Tinawagan din namin ang kanyang opisina pero sabi ng staff ay wala siya roon
11:18at ipinarating na ang aming mensahe sa kanya.
11:21Pero hanggang ngayon ay wala pa itong tugon.
11:23Para sa GMA Integrated News, Marise Umali na Katutok, 24 Oras.
11:34Isiniwalat ni Missing Sabongeros, Muscle Blower, Don Don Patidongan o Alias Totoy
11:40na may natatanggap siyang banta sa kanyang buhay ng Katutok si Ilian Cruz.
11:45Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News,
11:52isiniwalat ni Julie Don Don Patidongan alias Totoy
11:54kaliwat kanan na rawang banta sa kanya
11:57mula nang maglabas siya tungkol sa kanyang nalalaman
11:59sa kaso ng mga missing Sabongero.
12:02Noong isang linggo lang, nakatanggap daw siya ng bulaklak ng patay
12:05na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng social media.
12:08Marami. Sa totoo lang, mayroon sa ano ko, pinadalhan pa ako ng bulaklak na risk in peace.
12:16Hindi ako ba tatakot kung sino ka man niyang punsyo pilato ka
12:20nagpapawdala sa akin ng ganyan.
12:22Takutin mo yung lulong mong panot.
12:26Huwag ako.
12:27Ipinakita sa akin ni Patidongan ang kanyang tatu na San Miguel Arcangel
12:31sa may likod malapit sa batok.
12:34May dalawang po raw silang may magkakaparehong tatu.
12:37Tanda daw ng kanilang malalim na samahan ng mga may kinalaman sa missing Sabongeros.
12:42Pero ang iba raw sa mga niyembro, pinabago na ang tatu.
12:46Yung tatu dito, sa amin, alam na ng ano to, yung Arcangel, yung grupo na yan,
12:50may mga tatu lahat yan.
12:51Kaya, imposible.
12:53Yung isang kaibigan ko na pulis, nagpadala na ng picture na binago niya na yung tatu sa likod.
12:59Yung tatu namin dito sa likod, ngayon, pinatakman na nila.
13:03Pero halatang halata, kahit takpan pa ninyo ng ilang tatu yan, hindi ninyo mabago yan.
13:10Nagpapasalamat daw siya sa PNP, lalo na sa liderato nito.
13:14At buuraw ang tiwala niya kay Justice Secretary Boyeng Rimulya.
13:18Handa na raw ang kanyang salaysay pero may inaayos pa rin daw bago isumite.
13:23Sa Department of Justice.
13:24Pidabit na yan, nandiyan na yan.
13:26Ang katulad nung sinabi ko na nakaraan, kulang pa talaga.
13:31Pero mag-antay ka, Mr. Atungang.
13:34Bumaliktad na lahat.
13:36Lumutang na si Arbin Mangguiat.
13:38Yung isang pulis na kasama dyan, na kasama sa umambos kay Arbin,
13:43na inutosan mo nga ako noon na bigyan ng 2 million.
13:46Kaya sabi ko, bakit ko bigyan, boss?
13:48Hindi naman na matayan si Arbin Mangguiat.
13:51Buha yan.
13:52Para alam mo lang.
13:54Yung mga pidabit ko na yan, alam kong may kopya na si Mr. Atungang niyan,
14:00pero hindi ko po din ibigay ang lahat ng detalyan niyan.
14:04Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, nakatutok 24 oras.
14:09Kapapasok lang po na balita, pumanaw na ang isa sa tatlong nasugatan
14:14sa pagsabog sa pagawaan ng baril sa Marikina.
14:17Ayon po yan sa mismong kamag-anak ng biktima.
14:21Samantala sa isang pahayag, ay sinabi ng Arms Corps Global Defense Incorporated
14:25na may-ari ng pagawaan na nakikipagtulungan na sila sa pulisya
14:29para matukoy ang sanhinang insidente.
14:31Agad dinan nila silang nagpadala ng Emergency Response Services
14:36alinsunod sa kanilang safety protocols.
14:39Pagtitiyak nila, mayigpit ang pagpapatupad nila
14:43ng international standards and practices
14:45at pagsunod sa local regulations.
14:49Dahil sa mga peligro sa social media,
14:52isinusulong ng isang senador
14:54ang pagbawal sa paggamit ng social media
14:58ng mga edad 18 pababa.
15:01Suportado ng DICT at Council for the Welfare of Children
15:05ang naturang panukala.
15:07Nakatutok si Ivan Mayrina.
15:13Tulad ng maraming kabataang Pilipino,
15:15babad din ang panganay na anak ni Mark Bumanlag
15:17sa mga gadget.
15:18Sa edad na pito,
15:20nakikita nito ang nilalaman ng feed sa Facebook account ng ina
15:22at mahilig din ito sa mga games
15:24kung saan may mga iba siyang nakakasalamuha online.
15:27Pero bilang isang IT professional,
15:29alam ni Mark ang mga peligro online
15:31kaya nililimitahan niya
15:33at binabantayan niya ang aktibidad ng anak online.
15:35Hindi natin alam sa panahon na yun.
15:37Yung mga child predator talagang sinasadya
15:40na makainterak yung mga bata
15:42through games, through social media,
15:44through even different platforms na pangbata.
15:47Akala natin sila lang purely yun nando doon.
15:49Pero yun pala, may nakakahalo na palang
15:51nananamantala sa kanila.
15:52Ang mga ganitong peligro sa social media
15:55ang naislabana ni Sen. Panfilo Lacson
15:57sa panukala magtakda ng regulasyon
15:59sa paggamit ng mga minordeedad ng social media.
16:02Base raw kasi sa datos
16:03ang Council for the Welfare of Children.
16:05Anim sa bawat sampung batang edad sampu hanggang labing pito,
16:09active user ng social media
16:10na nagiging sanhin ng mental health problems
16:13at maaring mabiktima
16:14ng online sexual exploitation.
16:17Kaya ang isinusulong ng kanyang panukala,
16:19pagbawalan ng mga kabataan Pilipino
16:21edad labing walo pa baba
16:22na makagamit ang social media.
16:25Kaharintulad ng ipinasang batas
16:26sa Bansang Australia
16:27na nagtakda ng edad labing anim na taon
16:29para makagamit ang social media.
16:31Sa ilalim nito,
16:32ang mga social media platforms
16:33ang gagawa ng paraan
16:34para matukoy ang edad
16:35ng mga nagbubukas ng account
16:36at magpapatupad ng regular na audit
16:39para matanggal ang mga account
16:40na hindi pasok sa age requirement.
16:43Ang Department of Information
16:44and Communications Technology
16:45ang pangonahing ahensya
16:47magpapatupad nito.
16:48Titayaking sumusulod
16:49ng mga social media platforms
16:51at may kapangirihan
16:52magpato ng parusa
16:53kabilang ang pagtanggal
16:54at pag-deactivate
16:55ng mga account.
16:57Suportado ng DICT
16:58ang panukala
16:59pero base sa karanasan
17:00sa nagpapatuloy na laban
17:01kontras na sabot
17:02sa aring cybercrime
17:03sa social media.
17:04Sa implementasyon nito,
17:05nagkakaroon ng problema.
17:07Yung implementation,
17:08yun yung mas problematic mo dyan,
17:09yung implementation ng batas.
17:11How do you make
17:12these social media platforms
17:13comply?
17:14Because we don't,
17:15first and foremost,
17:15the jurisdiction is not
17:16within the Philippines phone.
17:18The alternative is
17:19to ban them
17:20to make them comply.
17:22Suportado rin
17:23ang Council for the Welfare
17:24of Children
17:24ang panukala.
17:26Pero sa halip na tuluyang
17:27ipagbawal,
17:28ay baka pwedeng limitahan lang
17:29dahil hindi rin naman
17:30matatawaran
17:31ang papel ng social media
17:32sa edukasyon
17:33ng mga kabataan.
17:34I think it's a matter
17:35of balancing.
17:36Maganda po yung bill
17:37but yun nga,
17:38we have to balance it
17:39with the right to participate
17:40in information
17:41ng mga bata.
17:42Para sa GMA Integrated News,
17:44Ivan Mayrina
17:45na nakatutok,
17:4624 oras.
17:47After 100 plus days,
17:49we finally have
17:50our first ever
17:50big winner-doer
17:51para sa PBB
17:52Celebrity Collab Edition.
17:54At yan ang team
17:55Breka,
17:56ni Namika Salamanka
17:57at Brent Manalo.
17:59Pero bago nila
17:59nakuha ang title,
18:01aminado si Namika
18:02at Brent
18:02na di naging madali
18:03ang kanilang pinagdaanan.
18:05Makichika
18:06kay Nelson Canlas.
18:07Unexpected.
18:12Ganyan ituring
18:13ng unbreakable duo
18:14ni Namika Salamanka
18:16at Brent Manalo
18:17ang kanilang panalo
18:18as first big winner duo
18:20ng PBB Celebrity Collab Edition.
18:23Sa pag-upo ng dalawa
18:24sa GMA Integrated News interviews,
18:27two days after
18:28lumabas ng bahay ni Kuya,
18:30ikinwento nila
18:31na kung babalikan daw
18:33ang mga araw bago
18:34ang big night,
18:35nasa isip nila
18:36na malabo silang manalo.
18:39Ang tingin nilang mananalo
18:40ang duo ng Charest
18:42o Charlie Fleming
18:44at Esnir
18:44o Rawi
18:45o Ralph DeLeon
18:47at Will Ashley.
18:49Nung moment po na yun,
18:50parang kahit sino pong tawagin,
18:51Rawi or Charest,
18:52magugulat po kami.
18:53Kasi silang dalawa po,
18:55kaming lahat po,
18:56feeling namin
18:56deserve talaga
18:57yung spot ng big winner.
18:58Oo, kasi kung titignan natin
18:59yung reaction mo niyan,
19:01parang hindi ka makapaniwala.
19:02Hindi po talaga kami makapaniwala.
19:04Kasi from
19:04a duo po na
19:05ready na po mag-surrender
19:07ng spot
19:09to someone na
19:10kaya pang mag-second
19:12or big winner.
19:14Kaya po sobrang nakakagulat po
19:15for us.
19:16Pero ang mas big win daw
19:18para sa Breka Duo,
19:19ang mas makilala
19:21ang kanilang sarili.
19:23Ibaraw ang naibigay
19:24ng maturity
19:24sa 118 days of emotional
19:27and psychological challenges.
19:29Anong didiscover mo
19:30sa sarili mo?
19:31Na
19:31I'm highly sensitive
19:34person po talaga.
19:36Opo,
19:37totoo.
19:37Kasi sa labas,
19:39sa pamilya ko po,
19:39sa mga kaibigan ko,
19:40kailangan ako po
19:41lagi yung malakas.
19:42Malakas po,
19:43strong personality.
19:44Pero
19:44kaya mo po pala
19:46maging sensitive
19:47at the same time,
19:48strong yung personality mo.
19:49Yung nga po,
19:50pagiging introvert ko,
19:51tingin ko sobrang
19:52mag-struggle talaga ako dun.
19:53Kasi kailangan
19:54ma-gets ka agad
19:56ng mga tao eh.
19:57Kung wala kang pinapakita,
19:58paano ka nila
19:59maintindihan?
20:00I'm doing this
20:01for my younger self.
20:02Yung
20:02my younger self po,
20:04yung
20:04ang labing kasing beses
20:06talaga nung bata ako
20:07na
20:07ang daming times
20:08na
20:09na misunderstood talaga ako
20:10na
20:11kasi nga po dahil
20:12tahimik ako
20:13saka yung
20:14the way I present myself,
20:16sobrang
20:16stuloy nga po
20:17sabi ni Mika,
20:18sobrang self-secured
20:19so na
20:20titik siya
20:20sa pagkayabang.
20:22Far from perfect man
20:23ang journey ng dalawa
20:24sa bahay ni Kuya,
20:26lalot makailang beses
20:27daw silang
20:28nagkatampuhan.
20:29Naging daan naman daw ito
20:30para mas makilala nila
20:32ang isa't isa
20:33at maging
20:34best friends
20:35sa huli.
20:36Si Mika
20:37ang tinawag na
20:38controversial
20:38na ka-Babe Len.
20:40Aminado siya
20:41na marami siyang
20:42nagawang desisyon
20:43in the past
20:44na umani
20:45ng masasamang kumento.
20:47Pero ang kanyang
20:47strong persona,
20:48misunderstood
20:50daw.
20:51Siguro po ako,
20:52kaya po ako nagkaroon
20:53ng strong personality po
20:55kasi
20:55kinailangan ko po talaga
20:57with the industry po,
20:59with the hate
20:59na nareceive ko po
21:00from the past,
21:02kinailangan ko po talaga
21:03maging strong.
21:04Kailangan ko pong
21:04magtayo talaga
21:05ng wall
21:06para po
21:07kahit pa paano
21:07maprotectahan ko
21:08kay sarili ko
21:08sa kung ano man po
21:09yung pwede ko pa pong
21:10ma-receive
21:11beyond the hate po.
21:12Anybody in particular
21:14na pinaghihingahan mo
21:15ng sama ng loob?
21:16Ate ko po,
21:17alam niya po talaga
21:18lahat.
21:19Lahat ng sulok
21:20ng emosyon ko,
21:21alam niya po.
21:22Lahat ng sakit
21:22na naranasan ko po,
21:23alam niya.
21:24And siya po,
21:25nagiging malakas din po
21:26para sa akin.
21:28Naiiyak.
21:28Alam po yun
21:31ng ate ko,
21:32namahal na mahal ko po siya
21:33and salamat sa kanya
21:36kasi kada taon
21:39nakaka-stay ako
21:40dala sa kanya.
21:41Napoprolong ako
21:42dala sa kanya.
21:45Nagpapasalamat naman
21:46si Gentle Linong
21:47Heart Trab
21:48ng Tarlac
21:48sa kanyang sarili
21:50na halos sumuko na raw
21:51sa gitna
21:52ng kanyang TBB journey.
21:54Mensahe niya
21:55para sa kanyang sarili
21:56na halos sumuko na
21:57sa gitna nito.
21:59Stay strong.
22:00They're gonna
22:01understand you eventually.
22:04It may be hard
22:05but as long as you
22:07truly know your heart,
22:09it's gonna matter to you
22:10but most importantly,
22:11it's gonna matter to everyone.
22:13Nelson Canlas
22:14updated sa Shoebiz Happening.
22:17At yan ang mga
22:18buoy naman akong chiki
22:19this Monday night.
22:20Ako po si Ia Ataliano.
22:21Miss Mel, Miss Vicky.
22:24Salamat sa iyo, Ia.
22:26At yan ang mga balita
22:27ngayong lunes.
22:28Ako po si Mel Tiyanko.
22:29Ako naman po si Vicky Morales
22:30para sa mas malaking misyon
22:32at para sa mas malawak
22:33na paglilingkod sa bayan.
22:35Mula sa GMA Integrated News,
22:37ang News Authority ng Pilipino.
22:39Nakatuto kami,
22:4024 oras.
22:41Mula sa GMA
22:41Mula sa GMA
22:52Mula sa GMA

Recommended