00:00Nakaranas ng mga pagguho ng lupa ang Itogon-Benguet dahil sa patuloy na pagulan.
00:05Yan ang ulat ni Janice Dennis ng PTV Cordillera.
00:10Sa pinakahuling tala ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Center,
00:16aabot sa 73 na pamilya o 168 na individuala ang apektado ng bagyong bising at habagat sa Benguet.
00:25Sila ang mga biktima ng mudslide sa barangay Virac Itogon-Benguet.
00:3012 na pamilya ang nawalan ng bahay matapos matabunan ng putik.
00:36Sinuspindi muna ang pasok ng mga mag-aaral sa barangay dahil nagsilbing evacuation center ang mga classroom.
00:44At nabigyan naman na sila ng karambat ng mga relief goods, mga assistance ng DSWD, ng probinsya ng Binguet,
00:53pati si Congressman Niap ay nagbigay din ng mga ayuda sa ating mga kababayan doon sa Itogon.
00:59Kasama na rin ng munisipyo natin, mga barangays, tulong-tulong po tayo doon,
01:03nagbayanihan po sila para mabigyan ng supporta yung mga nailikas na mga pamilya doon sa Virac Itogon.
01:10Hindi na bago ang mga insidente ng landslide sa bayan ng Itogon.
01:15Ayon sa Alkalde, malambot na kasi ang lupa dahil sa ilang araw na pagulan.
01:20Nananatili pa rin ang direktiba ng Mines and Geosciences Bureau sa pagtigil ng operasyon ng small-scale mining.
01:29Inirekomenda rin na ma-demolish ang mga shanty na nasa high-risk areas sa Itogon.
01:34Samantala, nagkaroon naman ng pagguho ng lupa sa Kenon Road malapit sa Viaduct Tunnel kagabi,
01:58kaya pansamantalang isinara ang kalsada. Ngayong araw, bukas na ang Kenon Road ngunit para sa mga light vehicle lamang.
02:07Pinayuhan muna ang mga heavy vehicle na dumaan sa ibang ruta gaya ng Marcus Highway at asin na ngalisan San Pascual La Union Boundary Road.
02:17Ang DSW din naman, aabot sa mahigit 50,000 ang nakahandang family food packs at mahigit 22,000 ang non-food items para sa Cordillera Region.
02:30Tinayak ng ahensya na sapat ang supply at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa agarang pagbibigay ng ayuda sa mga mga ngailangan.
02:41Patuloy ang paalala ng Office of Civil Defense na maging alerto. Ngayong nararanasan ang habagat.
02:48Maging alerto po tayo at maging handa sa posibleng pre-emptive evacuation. Mag-pre-emptive evacuate po tayo kung kinakailangan la.
02:56Lalong-lalo na po kung tayo po ay nakatira sa mga landslide or flood-prone areas,
03:01siguraduhin natin na alam natin kung saan yung mga pinakamalapit na safe na lugar at mga evacuation centers para meron po tayong mga contingencies.
03:10Janice Dennis, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.