00:00Good news pa rin para sa mga estudyante at guru natin sa mga liblib na lugar.
00:04Konektado na rin sa internet ang isang liblib na paaralan sa Cotabato Province.
00:08Bilang bahagi yan ng Free Wi-Fi for All Access Program ng Pamahalaan.
00:13Ang detalya sa report ni Jaira Mondes ng PTV Davao.
00:21Labing dalawang taong gulang si Jasa, habang 10 taong gulang naman ang kapatid na si Rino.
00:26Naglalakad umano sila araw-araw para makarating sa eskwela.
00:32Mula sa sentro ng makilala Cotabato Province sa abot sa 24 kilometers bago makarating sa Malungon Elementary School.
00:40At isa lamang itong umaapaw na ilog na kailangang tawirin ng mga bata araw-araw para lang ang makapasok sa eskwela.
00:49Pagkarating sa paaralan, bumungad na ang internet satellite dish sa bubong ng isang classroom.
00:55Ayon sa school head dito na si Romel Stintos, ito ang ibinigay na libreng Wi-Fi for All Access
01:02mula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
01:12Aabot naman sa 134 na mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 6 ang nakikinabang dito.
01:18Yung mga bata din natin, na-upgrade din yung learning nila.
01:23Alam natin na sa panahon na ito, importante talaga yung modern technology, lalo na sa mga online.
01:32Kasi doon mas maraming makukuha yung mga bata pag nasa online mga applications na related sa kanilang pag-aaral.
01:40So, minsan din, nagagamit din namin yun, lalong-lalo na pag may suspension of classes dahil sa weather condition namin.
01:48So, yung mga bata na kahit nawala sila sa paralan, nandito lang kami sa school, makontak din namin yung mobile.
01:55Makapagbigay kami ng mga learning online, mga advisory at mga assignment din nila.
02:03Samantala, hindi naman nakaligtas ang paaralang ito nang mangyari ang sunod-sunod na lindol noong 2019.
02:11Taong 2019, apat na silid-aralan dito sa Malungon Elementary School ang winasak ng lindola.
02:18Kaya naman, nagpatayo sila ng temporary learning shelters kagaya nito para may magamit ang mga mag-aaralan.
02:24Gayun pa man, raging mas maginhawa ang pagtuturo ng mga guro sa tulong ng free wifi for all access mula sa pamahalaan.
02:34Kaya naman, ang grade 5 advisor na si Michelle, ikinatuwa ang pagkakaroon ng internet access sa kanilang paaralan.
02:42Natuturuan din niya ang mga bata sa paggamit ng laptop.
02:46Malaki talaga ang tulong ng free wifi for all sa aming paaralan, ma'am, na ibinigay sa amin.
02:53Kasi napakadali nang i-research yung mga lesson namin at nakatulong din sa mag-aaral.
02:59Kapag mayroon silang nahihirapan sila sa klase namin, maharunong na silang mag-madali na nila masagutan yung mga assignment nila.
03:07Kasi nakapag-research na sila.
03:09At sa amin, bilang mga guro, malaki talagang tulong tulad sa akin, ma'am, na sa ano pa kami na area na bundok na walang kurinti, walang signal.
03:18So, maagat talaga akong pumupunta dito sa paralan upang makapag-research ng lesson, mga video lesson na idagdag ko para may pangbala ako sa aking pang-araw-araw na leksyon na ituturo sa mga bata.
03:32Maraming salamat po, President Bumbong Marcos Jr. na marunong na akong maggamit ng computer.
03:38Matatandaang nakausap din ng mga guro sa Malungon Elementary School si President Marcos Jr. sa pamamagitan ng video conference call at naihatid nila ang pasasalamat sa Pangulo.
03:51Mula sa Malungon Elementary School, maraming salamat po, President Bumbong Marcos Jr.
04:00Jaira Mundez para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.