- 7/4/2025
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:06.
00:10.
00:14.
00:18.
00:20.
00:22.
00:26.
00:28.
00:29.
00:29.
00:30Bagyo na ang binabantay ang low-pressure area sa Northern Luzon at tinawag ng Bagyong Bising.
00:40Bago pa man ito maging bagyo, ramdam na ang sama ng panahon sa ilang lugar sa Luzon.
00:44Bumaha sa ilang kalsada sa La Trinidad Benguet matapos ang ilang oras na pagulan.
00:49Ganyan din ang naranasan sa Bagyo City, kaya ang ilang motorista nahirapang makatawid sa kalsada.
00:55Malakas din ang pagulan sa Lawag, Ilocos Norte.
00:58Ang tubig tuloy sa Padsan River, bahagyang tumaas.
01:02Nakahanda naman daw ang iba't ibang bayan at lungsod sa Ilocos Norte sa posibleng pagbaha dulot ng Bagyong Bising.
01:10Naka blue alert naman ang buong lalawigan ng Kagayan bilang paghahanda rin sa epekto ng Bagyong Bising.
01:15Ibig sabihin, nakahanda na ang mga gamit nilang pang-rescue at ang kanilang response cluster.
01:21Buong araw naman daw kahapon inulan ang Hermosa Bataan.
01:24Karaniwang binaba ang bayan kaya maraming marker doon para malaman kung gaano nakataas ang tubig.
01:29May mga lugar na rin nagsuspindi ng klase dahil sa masamang panahon.
01:33Patuloy ang paglakas ng Tropical Depression, Bising.
01:40Namataan niya ng pag-asa, 270 km, kandura ng Kalayan, Kagayan, kaninang alas 8 ng umaga.
01:46Pinalalakas pa rin ito ang hanging habagat.
01:49Ilang lugar sa extreme northern zone ang isinailalim sa tropical cyclone wind signal.
01:54Abangan po maya maya ang latest bulletin at listahan ng mga lugar na may wind signal dahil sa Bagyong Bising.
01:59Sa mga susunod na oras, posibleng bumagal ang kilos ng bagyo.
02:04Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw.
02:07Pero magbabago ang kilos ng bagyo at papasok muli sa PAR sa linggo.
02:12Maaring lumakas muli at maging tropical storm ang Bagyong Bising habang papalapit sa Taiwan.
02:17Ngayong umaga, posibleng light to moderate rain sa western section ng Luzon at ilang bahagi ng Quezon Province,
02:23Bicol Region, Visayas at Mindanao base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
02:29Magiging malawakan ang ulan sa ilan pang bahagi ng bansa.
02:32Heavy to intense rains, particular sa Luzon, kaya magiging alerto sa baha o landslide.
02:38Mula umaga bukas hanggang sa linggo, higit na mataas ang tsansa na ulan sa western section at extreme northern portion ng Luzon.
02:44Uulan din din ang ilang pang bahagi ng bansa pagsapit ng hapon o gabi.
02:49Maganda din muli sa ulan dito po sa Metro Manila ngayong weekend.
02:56Mainit-init na balita, arestado ang labindalawang tsuper sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX dahil sa online sabong.
03:03Naaktuhan daw ng mga otoridad ang grupo habang nag-online sabong.
03:07Ayon sa Southern Police District, dalawa sa mga taxi driver ang nagpataya,
03:11habang ang ibang driver, kunduktor, maging motorcycle rider ang mga betor.
03:16Ang ilan sa kanila, pinataasan daw ang singil sa mga pasahero dahil sa pagkatalo sa sugal.
03:22Kinumpis ka sa kanila ang dalawang cellphone na ginagamit para sa online sabong
03:26at nasa 3,000 piso na pusta.
03:28Wala pa silang pahayag.
03:30Mga kapuso, pumanaw sa edad na 78 ang showbiz columnist, talent manager at host na si Lolit Solis.
03:42Kinumpirma ng kanyang anak na si Sneezy sa GMA News Online ngayong umaga
03:47na nagka-heart attack ang kanyang nanay at pumanaw sa ospital kahapon.
03:52Sa kanyang pinakahuling Instagram post kahapon,
03:54nagpasalamat si Manay Lolit sa mga doktor na nag-alaga sa kanya.
03:58Nagpaabot na rin ang mensahe ng pakikiramay ang mga kilalang kaibigan ni Manay Lolit sa showbiz
04:03na sina Salve Asis at Gorgie Rula.
04:06Bukod sa pagiging kolumnista naging host si Manay Lolit ng entertainment program na StarTalk,
04:12nakikiramay po ang balitang hali sa mga naiwan ni Manay Lolit.
04:19Mainit-init na balita dumating sa tanggapan ng Department of Justice sa mga kaanak
04:22na ilang nawawalang sabongero.
04:25Nakatakdasin ang makipagpulong kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulla tungkol sa kaso.
04:30Ang ibang detalye kaugnay niyan, iahatid namin maya-maya.
04:36Wala raw sisinuhin ang pamahalaan pagdating sa kaso ng mga nawawalang sabongero ayon sa Malacanang.
04:42Sino man, anumang katayuan sa buhay, kung sila man ay personalidad na kinikilala,
04:51wala pong sisinuhin ang Pangulo at ang administrasyon.
04:55Kung may dapat na panugutan, dapat lamang pong maimbestigahan na mabuti
05:00para mabigyan na hostisya ang mga pamilya ng sinasabi nating missing sabongeros.
05:07Pinaubayan naman ng palasyo sa Department of Justice kung gagawing state witness
05:11si Alias Totoy o Julie Dondon Patidongan na akusadong gustong tumistigo sa kaso.
05:16Pero dapat daw sapat ang state witness ay may panindigan sa katotohanan at katapangan.
05:21Isa pang mainit-init na balita, may posibleng rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
05:33Ayon sa anunsyo ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau,
05:36batay sa 4-day trading, mahigit piso kada litro ang posibleng bawas sa presyo ng gasolina.
05:42Nasa 50 centavos naman ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel.
05:46Habang sa kerosene, 80 centavos ang bawas presyo.
05:50Ayon sa DOE, isa sa nakaka-apekto riyan ang humuhupang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran dahil sa umiiral na ceasefire.
05:57Makikita sa CCTV ang mga motorsiklong yan sa isang kalsada sa barangay Abilay Norte sa Otton Iloilo.
06:07Huminto ang mga ito sa gilid ng kalsada.
06:10Bumaba naman ang ilang angkas at pumasok sa isang kambingan.
06:13Paglabas nila, makikitang bit-bit na nila ang dalawang kambing at sumakay sa motorsiklo at tumakas.
06:20Hindi na inireport sa pulisya ang insidente ng pagnanakaw.
06:24Sa Pototan Iloilo, arestado naman ang isang lalaki na nahuling nagnanakaw ng tatlong kambing sa barangay San Vicente sa Liganes, Iloilo.
06:3221,000 pesos ang kabuwang halaga ng ninakaw ng mga kambing na kaagad namang naibalik sa may-ari.
06:39Sinampahan na ng reklamang theft ang suspect na tumangging magbigay ng pahayad.
06:50Suspect na ang turing ng Department of Justice Kinaatong Ang at Gretchen Barreto sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
06:56Si Barreto, makikipagungnayan daw kapag handa na siya.
07:00Mari naman itinanggini Ang na may kinalaman siya sa pagkawala ng mga sabongero.
07:04Balitang hatid ni Emil Sumangin.
07:09Wala kami kinalaman lahat dyan. Malalaman nyo rin ang totoo.
07:14Mariin ang pagtanggi ng negosyanteng si Charlie Atong Ang na may kinalaman siya sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
07:21Nagtungo siya sa Mandaluyong Prosecutor's Office at nagkain ng reklamo laban kay alias Totoy na si Julie Dondon Patidongan at isang Alan Bantiles o Mr. Brown.
07:32Si Patidongan ang nagpangalan kay Ang at sa dalawang iba pa bilang mastermind umano sa pagkawala ng mga sabongero.
07:39Lahat ng grupo namin, mga disenteng tao yan. Ang hiling lang namin sabong lang.
07:45Tingin nyo pagkatao niya, pagkatao ko, pagkatao namin lahat. Wala namang kaming history na pumapatay ng tao.
07:51Sinanggiri ni Ang ang aligasyon ni Patidongan na sinubukan niya itong suhula ng 300 million pesos.
07:57Ayon sa kanya at iba pa nilang tauhan, si Patidongan Anya ang humingi ng 300 million pesos nang mag-usap ito at abogadong si attorney Carl Cruz sa isang hotel nitong June 12.
08:08Sabi ni Cruz, ito ang dahilan kaya sila naganda ng affidavit of recantation.
08:13Sabihin daw para makumbinsi ko siya na magbigay na lang ng 300. Kung may discount man, bahala na silang mag-usap. Kung 30 million, bahala sila. Para wala silang dalawa na mag-uusap. Subject to their mutual terms.
08:26I was requested by Mr. Brown to draft the affidavit of recantation, which I did. And pinadala ko sa kanya on June 21.
08:37Ayon kay Ang, nangyiging ito kahit nagbigay na siya ng 12 million pesos na campaign fund para sa mayoral race ni Patidongan noong eleksyon.
08:45Ang punot-dulo talaga nito, pera.
08:47Riningan ako ng 300 million para ibigay daw, para huwag daw ko idamay doon sa kaso nila. Kasi sila ang may kaso, hindi naman ako eh.
08:53Sinabi sa akin ni Brown, para maayos daw yan, bigyan ko ng 300 million. Kaya namura ko doon ang simula.
08:59As early as February bago siya mag-file, bago siya gumawa ng affidavit. May mga telephone call kami dito eh.
09:08Actually, mapapatunayan ko sa inyo yan in the future.
09:11Hindi lang anya siya ang hininga ng matalo si Patidongan nitong eleksyon.
09:15Ang grupo namin, lahat tinatawagan na isa-isa, nage-extorte.
09:18Akala yata niya, pagkatapos siya magsalita na kung ano-ano kalokohan, pwede na lang siya biglang aalis pag nakuha niya ang pera eh.
09:27Yun ang problema eh. Lahat tinatawagan, si Gretchen, tinatawagan, sinasama ni si Gretchen,
09:34humihingi noong time na humihingi ng pangkampanya yung asawa.
09:40Tapos tinawagan din ni Brown, kinausap din ni Dondon, tapos humihingi ng pangpapanganganak.
09:46Aligasyon niya ni Atong Ang, may nadeskubri siyang plano raw ng grupo ni Patidongan.
10:16Kailangan ko ng proteksyon na ng sarili ko ni Ang, saka ang grupo namin, kawawa na kami masyado.
10:21Sabi pa ng kampo ni Ang, hindi kwalifikadong maging state witness si Patidongan dahil ito umano,
10:27ang may pinakamabigat na partisipasyon sa kaso.
10:30Questionable rin daw ang pagkataon nito.
10:33Kita pa namin sa due diligence namin na noong January 2020,
10:39merong nag-file ng information for frustrated murder.
10:45Ito, against yung whistleblower na yan sa RTC Morong Rizal.
10:50Meron pa siyang charge for murder and multiple frustrated murder
10:55in Taytay Rizal, final noong March 2019.
10:58Nakita rin namin na noong July 2019,
11:03ang Metrobank mismo, Metrobank, Metropolitan Bank and Trust Company mismo,
11:09ang nag-file ng isang kaso for robbery.
11:12Robbery, robbery with threat and intimidation, physical injuries and grave threats.
11:19So tignan natin, credible ba itong whistleblower na ito?
11:24Nagbigay rin ng maysake si Atong Ang sa pamilya ng mga nawawalang sabongero.
11:28Malalaman nyo rin ang totoo.
11:30Siguro sa pag-iimbestid niya, may lalabas na totoo dyan.
11:34Wala kami kinalaman lahat dyan.
11:35Kapareon, uulitin ko, sinasabi ko, lahat ng grupo namin,
11:39mga disenteng tao yan.
11:41Ang hiling lang namin, sabog lang.
11:44Sinusubukan pa naming makuha ang pahayag ni Bantiles.
11:47Si Patidongan naman, nanindigang hindi siya ang lubapit,
11:49kundi siya raw ang nilapitan ng kampo ni Ang para papirmahin ng affidavit of recantation.
11:55Parang binaliktad niya ang lahat na sinabihan ako dun-dun,
12:00tanggapin mo na yan, bawiin mo lahat ng sinasabi mo at mag-abroad ka na lang.
12:07Yun ang pagkasabi sa akin.
12:09Okay, so hindi ko nanghingi?
12:11Hindi ako nanghingi.
12:12Itinanggiri niya ang aligasyong nagplano siyang dukutin si Ang.
12:16Kabaliktaran lahat ng sinabi niya.
12:19Ako mangidnap sa kanya, sino ba naman ako?
12:21Si Mr. Atungang, mag-isip kayo, kikidnapin ko na halos lahat nandoon na sa kanya.
12:29Wala rin anyang batayaan ang mga inungkat na mga kasong isinampas sa kanya.
12:33Alam naman ang Panginoon niyan.
12:36Kung mayroon man niyan, dapat noon pa, di ba?
12:39Pinagbintangan lang ako niyan.
12:40Yung sinasabi niyang morder, pinapapatay niya yung isang tao doon na nanggugulo.
12:47So sa totoo niyan, piniansahan pa nga niya ako noon.
12:50Pinaglaban ang atorne niya.
12:52Kaugdayin naman ang umulay pagkakasangkot niya sa rabiri sa isang bangko.
12:56Dahil galit sa akin, dahil hindi na siya pinagkatiwalaan ni Mr. Atungang,
13:00nilagay ni *** ang mukha ko niyan.
13:03Absuelto na yan, ang atorne ko nga dyan, si Atorne Caroline Cruz, yung katabi niya.
13:07Gate ni Patidongan, kung meron daw dapat na managot sa pagkawala,
13:11halimbawa nilang ng 6 na sabongero sa Manila Arena, si Ang daw dapat iyon.
13:15Sa Manila Arena, nandun siya. Nandun siya sa baba. Nandun, nagsasabong yung time na yun.
13:21Ikaw may ari ng sabongan? Alam mo na si Dundun Patidongan,
13:25na inutusan ninyo na kunin yung tao sa taas, iturn over dun sa mga pulis.
13:30Paano ako maging guilty dun?
13:32Ayon kay Patidongan, hindi siya kundi kamag-anak ni Ang.
13:35Ang isaan niya sa 6 na gwardyang kinasuhan sa pagkawala ng mga sabongero sa Manila Arena.
13:40Pero kinausap umano siya ni Ang para saluhin ang kaso.
13:43Kiusap siya sa akin, dun, total marunong ka naman sumagot,
13:48kayo na lang, palit na lang kayo.
13:50Kasi ito, battery na lang ang gumagana dito, yung may opera na yan.
13:55Sumunod lang daw siya sa utos, pero iniwan umano siya ni Ang.
13:58Yung nangyari sa akin, nahuli kami, si Ang may utak nun eh.
14:05Pasalamat ako na nadampot ko yung anak ko.
14:08Kung hindi ko nadampot, kwento na lang sana si Dundun Patidongan.
14:12Itinuring ko siyang magulang, pero hindi ko matanggap na yung patayin niya buong pamilya ko.
14:19Hinihinga namin ng reaksyon si Ang sa mga sinabi ni Patidongan.
14:22Ang Department of Justice, inihakanda na ang reklamo laban kay Atong Ang at kay Gretchen Barreto
14:27na idinawit din ni Patidongan sa kaso.
14:30Mapapasama sila kasi pinangalanan sila, then we will have to include them as suspects.
14:36So how soon daw po mag-file na ng formal case si Atong at si Gretchen Barreto given na napakalanan na po sila?
14:43Sooner than later. It will happen.
14:45I-evaluate yan ng ating group of fiscals who will be assigned to evaluate all the evidence
14:55so that we will know what cases to file properly.
14:58Sa isang text message, sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Lorna Kapunan
15:03na dati nang itinatanggi ng kanyang kliyente na may kinalaman ito sa mga nawawalang sabungero.
15:08Ayon pa kay Kapunan, hindi rin daw isang criminal o mastermind si Ang.
15:12Handa raw itong humarap sa investigasyon para maalaman ng mga tunay na salarin at mabigyan ng closure ang mga pamilya ng biktima.
15:19Sabi naman ni Barreto sa GMA Integrated News, makikipag-ungdayan siya kapag handa na siya at ang kanyang kampo.
15:25Ayon naman sa National Police Commissioner na Pong Kong.
15:28Matapos mag-imbestiga, ay meron na raw silang listahan ng mga polis na idinadawit ni Patidongan.
15:34Ipapatawag daw sila para humarap sa Administrative Investigation.
15:38Hindi kami bulag. Alam namin kung saan patungo ang investigasyon.
15:42Targeted ang aming investigation.
15:44Pag sinabi yung targeted, may mga pangalan na ka.
15:47I will not lie to you. We know the names.
15:52However, I cannot disclose it to you as of now.
15:55Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:00Abisala mga mare at pare, tuloy ang Encantadio Fever this Friday.
16:11Marami ang napabilib sa bagong music collaboration ni Napirena Glyza de Castro at katutubong diva Bayang Barrios
16:18na OG singer ng theme song ng Kapuso Series.
16:21Atake!
16:38Binigyan ni Glyza ng lyrics ang kantang Tadhana.
16:42Kwento ni Glyza, inspired ang lyrics sa isang eksena niya sa Encantadio Chronicles Sangre.
16:47Anya, isang tribute ang kanilang collab ni Bayang na first time narinig sa kanyang Sangre Perena transformation entry.
16:592005, 2016, ang naririnig lang natin lagi is,
17:04Uwe, uwe, tapos ano lang siya, in-explain siya sa akin ni Ms. Bayang kung ano yung story behind it.
17:10Parang siyang kalikasan na nasira. Yun yung description sa kanya ng composer.
17:17So parang nag-chant lang talaga siya, freestyle lang talaga siya.
17:20And then ako naman, bilang nasira yung kalikasan, gusto ko pa rin lumaban.
17:25Dahan-dahang binuksan ng lalakingan ang gate at saka pumasok sa isang compound sa Kalasyao, Pangasinan.
17:35Makikita ang palakad-lakad at nagmamasid siya sa loob.
17:39Hindi na nahagip ng CCTV pero niluuban umuno ng lalaki ang isang apartment doon.
17:43Pusibli raw na dumaan ang lalaki sa maliit na bintana.
17:46Ayon sa pulisya, naaktuhan ng may-ari na nasa loob ng bayang suspect na agad daw tumakbo paalis.
17:53Nasa kustodyan na ng pulisya ang 32-anyos na lalaking person with disability.
17:57Hindi siya nakuhahan na ng pahayag dahil hindi nakarinig o hindi makarinig at hindi makapagsalita.
18:05Nasunog ang isang bahay sa barangay Bahetoro sa Quezon City.
18:09May apela ang mga nakatira roon sa lokal na pamahalaan.
18:12Ang mainit na balita hatid ni James Agustin.
18:17Nagangalit na po yung sumiklab sa bahaging ito ng Mindanao Avenue,
18:20Corner Catlea Extension sa barangay Bahetoro, Quezon City.
18:24Bandang alas 3 sa madaling araw kanina.
18:26Ayon sa Quezon City Fire District, umabot ng halos 10 minuto bago tuluyang naapula ang apoy.
18:32Kaya wala ng alarma na itinasa mga otoridad.
18:34Pitong firetruck ang rumispondi sa insidente.
18:37Natupok ang isang bahay.
18:39Inaalam pa ng BFP ang sanhinang apoy.
18:41Kwento ng nasunugang residente, nagising na lang siya na malaki na ang apoy.
18:45Narinig ko na lang po na marami na po nagsisigawan.
18:47Tapos naamoy ko na po yung usok nung apoy po.
18:52So ayun po, ang bilis po kumalat eh.
18:54Nung nakalabas po kami, maliit pa po siya.
18:57Tapos ang bilis po lumiyab eh.
18:58Kasi kakay nga po yung bahay namin.
19:00Nananawagan siya ng tulong lalo pat walang nailigtas na gamit ng kanilang pamilya.
19:04Hindi po namin alam paano po kayo mag-uumpisa ulit.
19:07Kasi wala rin po kami naisalba kahit ano pong mga gamit po namin talaga.
19:10Ang nasunug na bahay matatagpuan sa isang compound na binakura na ng mga yeron noong nakaraang taon.
19:16May mga nagbabantay na rin security guard.
19:18Sabi ng ilang residente, June 18 pa sila hindi pinapayagan na makabalik sa kanila mga bahay.
19:23Ang ilan sa kanila, tatlong dekada na raw naninirahan sa lugar.
19:26Yun daw ang protocol nila ng agency nila na bawal na magpapasok ng tao.
19:35Pero pag nasa loob ka, pwede ka lumabas.
19:37Pero hindi ka na pwedeng pumasok.
19:38Inilipat na lang siguro kung talagang may papili sila na mapapakita sa amin.
19:44Sa ngayon, tatlong pamilya pa ang nasa compound na mahigit dalawang linggo nang hindi lumalabas.
19:48Ang ilang gamit, iniyaabot na lang sa pader.
19:51Ayon sa isang residente, ilang beses na silang humihingi ng tulong sa lokal na pamahalaan.
19:55Pag lumabas po kami, hindi na kami makabalik dito.
19:57Wawasakin na lang yung bahay namin.
20:00Sino ba namang lalabas pa ng bahay?
20:02Pag ube mo, wala ka nang dadatnan.
20:03Yung gobyero ng Quezon City, sana naman tulungan nyo kami.
20:07Nagba makaawa na kami sa mayor's office, tulungan nyo po kami.
20:11Kanina, pinuntahan ang mga taga-barangay ang caretaker ng property para pakiusapan.
20:15Baka naman pwede natin pagbigyan yung mga residente dyan.
20:20Nakunin na lang nila yung mga gamit nila ngayon.
20:24Gamit naman nila yan eh.
20:25Ako na naman nakikiusap sa'yo, Brad.
20:30Saglit lang po sir, tatawang ba ako nga.
20:33Wala namang pahayag ang caretaker na tanungin ang media kung bakit hindi pinapayagan na makapasok ang mga residente.
20:38Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng Quezon City LGU.
20:42James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
20:46Ito ang GMA Regional TV News.
20:52Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
20:56Arestado ang isang lalaki sa Malasiki, Pangasinan dahil sa pananakit umano sa kanyang nanay.
21:02Chris, anong ahugat ng insidente?
21:04Rafi, kinumpronta umano ng biktima ang anak na sospek tungkol sa bisyo nito.
21:12Ayon sa Malasiki Polis, binatukan, tinadyakan at pinagbantaang papatayin ng sospek ang kanyang nanay.
21:18Nakahingin ng tulong sa pulisya ang biktima kaya naaresto ang anak sa kaninang bahay.
21:23Dagdag ng pulisya, nasa impluensya ng iligal na droga ang sospek at may nakuha rin sa kanyang hinihinalang syabu.
21:30Walang pahayag ang sospek.
21:31Sa Siniloan, Laguna naman, balikulungan na isang lalaki matapos maaresto sa by-bust operation.
21:39Ay sa pulisan, nakuha sa kanya ang sandaang gramo ng hinihinalang syabu na may street value na mahigit sa 5 milyong piso.
21:46Inami naman ang sospek na kanya ang nakuhang umano'y syabu.
21:50At ang sospek ay isang high value target ng mga otoridad.
21:53Patuloy ang investigasyon.
21:55Update tayo sa Bagyong Bising at sa magiging lagay ng panahon ngayong weekend.
22:05Kausapin natin si pag-asa weather specialist, Benison Estrahera.
22:09O Estrahera, magandang umag at welcome sa Balitang Hali.
22:13Good morning po, sir. Happy at galing sa ating mga taga-superbird.
22:16Apo, nasa na po yung eksaktong lokasyon ng Bagyong Bising sa mga sandalang ito at saan ang direksyon po ito patungo?
22:22Well, as of 10 in the morning po ay huling lamataan ang sentro ni Tropical Depression Bising,
22:27280 kilometers west-northwest po ng Kalayan, Gagayan, dito po sa may Balitang Channel.
22:33Meron itong maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa kanyang sentro
22:38at may pagbukso hanggang 70 kilometers per hour at kumikilos po ito west-southwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
22:46Sa susunod po na 24 oras, medyo mabagal po in general yung kanyang magiging pagkilos
22:51at inaasang lalabas po ng ating Philippine Area of Responsibility.
22:54And possible na bumalik ito base dun sa ating latest track pagsapit po ng Sunday.
22:59And then from Sunday to Monday, nasa loob ito ng ating par malapit po sa Taiwan.
23:04Anong mga lugar po ang direktang maapektuhan ng Bagyong Bising?
23:06At yung mga isi na ilalim na sa signal number one?
23:11Sa ngayon po, meron tayong nakataas na signal number one sa mga isla ng Kalayan and Dalupiri sa Bagoyan Islands.
23:17Again, then sa western portion ng Ilocos Norte, kabilang ang mga bayan ng Pagutkod, Banggi, Urgos, Pasukin, Dumalneg,
23:24Bacara, Lawag, Pauay, Curimao, Badok, and Pinili.
23:28At sa bahagi pa ng Ilocos Sur, kabilang ng Kawayan, Vigan, Santa Catalina, San Vicente, Santo Domingo, Magsinggal,
23:36San Juan, Cabugao, Sinait, and San Ildefon.
23:39So, yung direktang epekto po ng Bagyo is yung mga pagbukson ng hangin sa mga may signal number one.
23:45Gayunpin, mga pagulan po dito sa bahagi po ng Ilocos Norte, Batanes, Cagayan, and Apayaw,
23:52possible po yung hanggang 200 mm sa may Ilocos Norte and 50 to 100 mm naman for the rest of extreme northern Luzon.
24:00Nabanggit po ninyo, mabagal yung kanyang takbo?
24:01Lalakas pa po ba ang bagyo?
24:03At hanggang kailan po ito posibleng manatili sa loob ng PAR?
24:06Yes, in-expect po natin na lalakas pa itong si Tropical Depression Bising.
24:12Possible within the next 24 hours maging Tropical Storm ito at magkaroon ng international name.
24:17At base sa ating data struck ay posibleng lumakas pa ito bilang isang severe Tropical Storm paglampas dito sa may Taiwan.
24:24Anong panahon po ang asahan natin ngayong weekend dito naman po sa Metro Manila?
24:27For Metro Manila po, we are expecting pa rin na most of the day magiging makulimim pa rin.
24:34Yung mga pagulan po natin is hindi naman tuloy-tuloy pero meron tayong aasahan mga light to moderate with a time of heavy rains
24:40lalo na po pagsapit ng hapon hanggang madaling araw.
24:42Meron pa po ba ibang sama ng panahon kayong namamataan?
24:47Base naman doon sa ating data satellite animation, meron tayong mga kumpul ng ulak na namamataan dito sa may both West Philippine Sea
24:54at saka po dito sa may Pacific Ocean pero wala naman sa mga ito yung nakikita pa natin na susunod dito kay Bagyumbising.
25:00At wala naman po interaction itong bagyo at yung LPA na nasa labas pa ng PAR ngayon?
25:06So far, wala naman po.
25:07Okay, salamat po.
25:09Benison Estrareha, Estrareha ng Pag-asa.
25:12Mainit-init na balita, bahagyang bumilis ang inflation o bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
25:31Ayon sa Philippine Statistics Authority, 1.4% ang naitalang inflation itong Hunyo.
25:36Ito ang unang beses na bumilis ang inflation ngayong 2025, makalipas ang apat na sulod na buwang deceleration o pagbagal nito.
25:46Sabi ng PSA, nakaambag sa pagbilis ng inflation ang mas mabilis na pagtaas na presyo ng kuryente,
25:52pati mas mabagal na pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel,
25:57pati ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng tuition sa mga eskwelahan, bunsod ng simula ng pasukan.
26:03Ang inflation itong Hunyo ay pasok sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas na 1.1 hanggang 1.9%.
26:12Huli ka mang pag-iwas ng rider na yan sa dalawang road signages sa kalsado sa barangay poblasyon sa makilala ko Tabato.
26:22Bumanga sa mga barrier ang motorsiklo at nahulog sa butas na may tubig kasama ang rider.
26:28Nasawi ang biktima, nalasing daw ayon sa mga polis.
26:31Na-recover ang labi niya halos kalahating oras matapos ma-i-report ang insidente.
26:37Nakuha rin kalaunan ang ginamit niyang motorsiklo.
26:40Ang nasabing butas ay bahagi ng road construction project ng Department of Public Works and Highways Region 12.
26:46Sinusubukod pa ng regional TV na kunan nito ng pahayag.
26:52Mahigit sa sanda ang tiraso ng Peking 1000 bills ang nasabat sa dalawang lalaking nagbebenta o manunang Peking pera online.
26:58May ulat on the spot si June Veneracion.
27:01June?
27:03Raffi, dalawa nagbebenta o manunang online ng mga Peking pera.
27:07Ang aristado sa entrapment operation ng PNP Anti-Cyber Crime Group at Banko Sentral ng Pilipinas sa Laspinia City.
27:15Nagugat ang operasyon sa report ng VISP tungkol sa Talamak at lantaran o manunang bentahan ng counterfeit money online.
27:21Sabi ng PNP ACG, ang mga listadong sospek ay mga dati raw empleyado sa Pogo at nagumpisang magbenta ng Peking pera nang mawala na sila ng trabaho.
27:31Nakapuan sa kanila ang 150 pieces ng Peking 1000 pesos bill at Peking pera ay binibenta o manunang mga sospek sa halagang P150 pesos kada isa.
27:41Ang pinaniniwala ang may malaking supplier-distributor na pinagkukunan ng Peking pera mga sospek sabi ng PNP.
27:48Illegal possession and use of false treasury or banknotes sa agnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 pagkakaharapig reklamo ng mga sospek.
27:58Itilang din ang mga sospek na sa kanilang isa't kalahating bundle ng Peking pera.
28:03Hindi na sila nagbigay pa ng dagdag na pahayag.
28:05Maraming salamat, June Venerasyon.
28:11Ito ang GMA Regional TV News.
28:16Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
28:20Pinagtataga ang tatlong magkakapatid sa Asturias, Cebu.
28:24Si Esil, sino yung sospek?
28:28Raffi, itsuhin mismo ng mga biktima ang sospek.
28:32Basis sa embesigasyon, pinagtataga ang mga biktima habang sila ay natutulog.
28:37Pusibling selos daw ang mugibo dahil pinagdududahan umano ng sospek na may relasyon ang kanyang asawa at ang isa sa mga pamangkin na 18 anyos.
28:47Nadala pa siya sa ospital pero nasa wikalaunan.
28:50Kritikal naman ang lagay ng dalawa niyang kapatid na edad 8 at 10.
28:54Hawak na ng pulis siya ang sospek matapos niyang sumuko sa isang punsihal sa kanilang lugar.
28:59Isinuko rin niya ang ginamit na itak.
29:02Humihingi siya ng paumanhin sa kanyang nagawa at pinagsisisihan niya raw ito.
29:08Nakaranas ng hailstorm o pagulan ng yelo sa ilang lugar sa Bukidnon.
29:13Kita ang pagpagsak ng mga yelo sa bubong ng bahay na yan sa barangay Dalwangan sa Malay-Balay.
29:19Dahil daw sa hailstorm, muntik pa raw masira ang ilang gamit ng uploader ng video.
29:24Walang naitalang sugatan sa insidente.
29:27Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Bukidnao.
29:35Samantala, milyong-milyong pisong halaga ng hinihinalang smuggled na mga produkto
29:39ang nabisto ng National Bureau of Investigation at Philippine Postguards
29:42sa isang warehouse sa Paco, Maynila.
29:45Narito po ang aking report.
29:46Mahigit 10 milyong pisong halaga ng hinihinalang smuggled na mga karne at sibuyas
29:54ang tumambad sa mga operatiba ng Philippine Coast Guard
29:56at National Bureau of Investigation sa warehouse na ito sa Paco, Maynila.
30:00Ayon sa PCG, noong isang ligu pa raw nila ito minamanmanan
30:03at nabigyan sila ng otoridad para pasukin ito.
30:06Ito po ay na-issue po ng ating Malacanang na nagbibigay sa amin ng authority
30:11to conduct po ng pagpasok po rito sa bodega nito that we suspect to contain.
30:17And certainly, nakita nyo naman na may mga frozen meat at agricultural products,
30:22onions, meat products po, that certainly po yung sa mga markings niya are definitely important.
30:28Anila, walang naipakitang kaukulang papeles ang caretaker na inabutan ng raiding team.
30:33Maging ang mismong cold storage facility, wala ang manong kaukulang papeles.
30:37Dagdag na mga otoridad, hindi masabi ng caretaker kung mga supermarket o mga restaurant
30:42ang kumukuha ng mga produkto sa warehouse na ito.
30:55Bibigyan ang may-ari ng warehouse at mga umuupas sa cold storage facility ng 24 oras
31:00para magpresinta ng kaukulang papeles.
31:02Kung wala, ituturing na ang mga ito ng mga smuggled at kukumpiskahin ang pamahalaan.
31:07Violation ito ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
31:14Napakalaking kaso nito, walang piansa ito pag naisampan natin.
31:17Pag na-reach yung amount ng 10 million pataas, wala pong bail po itong kaso na ito.
31:27Maging ang mga parokkano ng cold storage facility na ito,
31:29ahabulin din at kakasuhan ayon sa NBI dahil sa pagtangkilik ng hinihinalang smuggled na produkto.
31:35Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:42Yamang tubig baka mo mula sa mga pagkaing biyayan ng dagat hanggang sa mga pwedeng pagliguan.
31:49Saan ba yan pwedeng matagpuan?
31:51Heto ang patikim sa biyahe ni Drew.
31:53Pako! Nasing laki ng sitaw at hipo na ubaabot ang hanggang braso ang haba.
32:11Malawak ang karagatan sa dinggalan aurora, kaya sagana sila sa mga lamang dagat.
32:16Dahil feeling generous sila, ang isa't kalahating mixed seafood, halos ipamigin na lang nila.
32:22At kung nag-utom na ako, pwede pa ako sumali?
32:25Hindi raw mapapaaray sa bukal ng umiray.
32:28Dahil 20 pesos lang, only swimming na rito.
32:35At sobrang glimis, ang tubig dito pwede raw inumin?
32:39Bonding kanyo.
32:40Paano kung may ganitong view pa na bonus?
32:43Attack!
32:48Lalo pa at masisilayan ito ng libre.
32:52Dinggalan kasi you've got, di ba?
32:54You've got the beach and you've got the mountain.
32:55Best of both worlds ka, di ba?
32:57Piyahing tipid lang, pero umapapawal sa ganda ng dinggalan.
32:59Nagkasalpukan ang pampasaherong barko at fishing vessel na iyan sa dagat malapit sa Lucena Port sa lalawigan ng Quezon.
33:17Batay sa imbistigasyon ng Philippine Ports Authority,
33:20may pagkakamali ang fishing vessel na galing sa Tayabas, Quezon dahil sinalubong nito ang barkong palabas mula sa Lucena Port.
33:27Ayon sa Philippine Coast Guard, wala namang naitalang nasaktan sa insidente.
33:31Hindi rin daw nagka-oil spill.
33:34Inilipat sa ibang barko ang mga pasahero at natuloy rin sa kanilang biyahe pa marinduke.
33:38Nagka-areglo na rin ang mga may-ari ng magkabanggaang barko at fishing vessel.
33:43Patay ang 6 na nasakay ng isang ferry na papuntang Bali sa Indonesia matapos itong lumubog.
33:55Ayon sa National Search and Rescue Agency, 65 tao ang sakay ng barko.
33:59Lahat sila Indonesian.
34:0120 siyam ang naisalba habang 30 ang nawawala pa.
34:05May sakay rin 22 sasakyan ang barko.
34:08Sinuspindi kagabi ang search and rescue operations pero ipagpapatuloy ito muli ngayong araw.
34:12Tutulong na rin daw ang polisya at militar sa paghahanap.
34:33Nagpasa ng ikalabing isang batch ng mga ebidensya ang persecution team ng International Criminal Court sa defense team
34:39ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaso niyang Crimes Against Humanity.
34:43Batay sa dokumentong may pechang July 1, 1,062 panibagong ebidensya ito.
34:49Kabilang sa mga ebidensya ang may kinalaman sa pagpatay ng Davao Death Squad noong termino ni Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.
34:57May mga bagong ebidensya rin tungkol sa mga naging pagpatay sa Barangay Clilas Operations noon namang presidente na si Duterte.
35:03Kasama rin sa huling itinasa ng prosecution ang contextual elements at background information sa kaso.
35:10Samantala, tinanggihan ng ICC ang petisyon ng kampo ni Duterte na i-disqualify ang dalawang judge sa kanyang kaso.
35:17Inihain ng kampo ni Duterte ang petisyon dahil kabilang sina Judge Wayne Adelaide Sophie,
35:21Alapini, Ganzo at Judge Maria del Socorro Flores Leira sa mga nagpahintulot ng imbistigasyon ng ICC sa Pilipinas.
35:29Sila rin ang mga hukom sa pre-trial chamber 1 sa kaso ngayon ni Duterte.
35:34Batay sa desisyon, hindi nakita ng bias o impartiality ng ICC plenarist si Lera at Alapini, Ganzo.
35:41Mali na ang petisyon ng depensa at posibili raw itong magdulot ng delay sa kaso.
35:46Sa September 23, nakatakdang isagawa ang confirmation of charges hearing sa kaso ni Duterte.
35:51Binigang diin ang U.S. Embassy at Department of Foreign Affairs ang kahalagahan ng Subic-Clark, Manila-Batangas Railway Project.
36:01Layon daw nitong makalikha ng maraming trabaho at makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
36:06Balit ang hatid ni J.P. Soriano.
36:12Sa 2025 Independence Day celebration na inorganisa ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas,
36:18formal na inanunsyo ni U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson,
36:22ang tulong pinansyal mula Amerika para maumpisahan na ang Subic-Clark, Manila-Batangas o SCMB Railway Project.
36:30Last week in Washington, we announced funding for a major freight rail line linking Subic, Manila, and Batangas under the Luzon Economic Corridor Initiative,
36:41creating jobs and driving innovation in both of our countries.
36:46Matatanda ang unang iminungkahi ang pagbabalik ng SCMB Project noong nakaraang administrasyon,
36:54pero hindi umusad ang negosyasyon kasama ang China.
36:57Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro,
37:00magkakaroon ng malaking epekto sa pagunlad ng ekonomiya at ng bansa ang SCMB Project.
37:06Which is designed to link the three major ports in Luzon and decongest traffic in the port of Manila.
37:14This flurry of activities are a testament to the strength and depth of the relations.
37:20Sa pagbisita ni U.S. Defense Secretary Pete Hegset sa bansa nitong Marso,
37:25isa sa mga ipinangako ng Amerika sa Pilipinas ay daragdagan paraw ni U.S. President Donald Trump ang tulong
37:32para mapalakas pa ang defense capabilities ng Pilipinas.
37:35Iminungkahi ngayon ang ilang mababatas sa Amerika ang pagsusulong ng pagbuo ng isang joint ammunition manufacturing factory
37:44at storage facility sa Subic na isang dating U.S. naval base.
37:50Wala pang bagong pahayag kaugnay sa mungkahing ito si Defense Secretary Gilbert Teodoro
37:54na isa rin sa mga bisita ng U.S. Embassy sa 2025 Independence Day celebration.
37:59Pero nauna nang sinabi ni Teodoro na bagaman wala pa silang formal na abisong natatanggap mula sa Amerika.
38:06Welcome development daw ito dahil tiyak na makikinabang dito ang sandatahang lakas ng Pilipinas.
38:13Present din sa pagitipo ng U.S. Embassy ang mga ambasador ng bansang kaalyado ng Pilipinas
38:18at tinatawag ngayon ang grupong Quad na kinabibilangan ng U.S., Australia, India at Japan.
38:27Ang Department of Foreign Affairs nagpasalamat sa mga bansang kabilang sa Quad
38:31sa pagtugo nito sa mga naranasang harassment ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
38:36We are more than friends, partners, and allies. We are family.
38:41As we mark Independence Day, we renew our commitment to our shared ideals.
38:47Ang 2025 Independence Day celebration,
38:50dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno at ilang personalidad.
38:54Present din ng mga kinatawa ng Philippine media,
38:57gaya ni na Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV and Synergy,
39:02Oliver Victor B. Amoroso, at Assistant Vice President and Deputy Head of GMA Integrated News Operations,
39:09Reina Ann S. Dimapawi.
39:11JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
39:18Nagluloksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng veteran entertainment columnist
39:23at talent manager host na si Lolit Solis.
39:26Balikan natin ang naging buhay ng nag-iisang manay ng Philippine show business
39:31sa report na ito.
39:42Kilala sa nakatutuwang paraan ng pagpapasalamat at pagbati
39:47at tapang sa pagtanggol sa mga hinawakang artista.
39:53Yan ang entertainment columnist, manager at host na si Lolita Solis,
39:59mas nakilala sa palayaw ng Lolit.
40:02Nagtapos siya ng kursong mass communication sa University of the Philippines.
40:07Nagsimula ang karera ni Lolit bilang police beat reporter noong 1970s.
40:131980s, pinasok niya ang mundo ng show business at naging talent manager.
40:17At sa paglipas ng panahon, ilang malalaking artista ang kanyang hinawakan.
40:22Kabilang sinadating Senador Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado,
40:27Gabi Concepcion, Ami Austria, Tonton Gutierrez, Glidel Mercado at Paulo Contis.
40:341995 na maging host siya ng kapuso showbiz talk show na StarTalk,
40:38kung saan tumatak ang pabati segment niya.
40:412016 naman nang maging host siya ng kapuso feature show na Celebrity TV.
40:50Naging miyembro rin siya ng council ng Starstruck Season 5
40:54at naging segment host ng Starpock Estorbo sa AA sa BB ng Super Radio Dizzy BB.
41:02Sa paglipas ng mga taon, humarap din si Manay Lolit sa ilang pagsubok sa kalusugan.
41:06Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanyang pagiging magiliw sa social media.
41:12Ngunit gaya ng ibang bituin, lumamlam din ang liwanag ni Manay Lolit.
41:17Ngayong araw, kinumpirma ng kanyang anak na si Sneezy na pumanaw ang kanyang ina sa edad na 78.
41:25Naka-heart attack ang kanyang ina at namatay sa ospital.
41:29Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Lolit.
41:32Sa kanyang huling IG post, pinasalamatan ni Nay Lolit ang mga doktor na tumulong sa kanya.
41:40Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
41:46Sa susunod na taon na, sisimulan ang EDSA Rehabilitation.
41:50Inanunsyo yan ang DPWH matapos ang isang buwang palugit ni Pangulong Bongbong Marcos para pag-aralang muli ang rehabilitasyon.
41:57June 1 ang suspindi ng proyekto dahil matagal at sagabal sa publiko ang dalawang taong tansya batay sa unang plano.
42:04Kakailangan din ipatupad ang inanunsyo noong ad-event scheme sa EDSA para mabawasan ang volume ng sasakyan.
42:11Isusumitin ang DPWH sa Pangulo ang kanilang rekomendasyon, oras na maisipin na nila ang teknolohiyang gagamitin.
42:17Tuloy rin ang plano ng Department of Transportation na pagdagdag ng bus sa EDSA busway at pag-aaralan ng pagpapaaga sa operasyon ng MRT.
42:27Ito ang GMA Regional TV News.
42:33Arestado ang siyang na Chinese nationals na pinaniniwala ang sangkot sa Scam Hub sa isang subdivision sa mandawid dito sa Cebu.
42:41Bago ikasang operasyon, isang babae ang humingi ng tulong dahil hindi umano siya pinapayagang makalabas ng mga banyaga.
42:48Pinipilit umano siya at ang kanyang mga kasamahan na magtrabaho sa mga Chinese.
42:53Tumambad sa operasyon ang iba't ibang kagamitan kabilang ang mga cellphone, tablet at computers.
43:00Walang pahayag ang mga banyaga.
43:02Lima sa kanila ang dinala sa ospital matapos tumalon mula sa second floor ng gusali.
43:07Nakikipagugnayan na sa Bureau of Immigration ang CIDG para sa background check ng mga Chinese national.
43:13Inaalam din ng CIDG kung konektado ang gumanoy Scam Hub sa naunang na-discovering Scam Hub sa Cebu City at isa pa sa Mandawi.
43:26Arestado naman ang tatlong nalaki sa Mangaldan, Pangasinan matapos maaktuhang sinachap-chap ang isang taksi.
43:32Pwento naman ang ari ng sasakyan, kinuha ng bago nilang driver ang taksi sa kanilang bahay sa Kaluoka noong Sabado.
43:39Mula linggo hanggang lunes, hindi na raw makontak ng mag-asawa ang bagong driver tapos nadiskubre nilang inalis ang GPS ng taksi.
43:48Sa tulong ng kanilang installer at pulisya, natunto nilang taksi sa isang bentahan ng spare parts o katayan ng mga sasakyan sa barangay na Balwan sa Mangaldan.
43:57Nasa ang panan ng kaukulang reklamo ang mga sospek na tumangging humarap sa kamera at magbigay ng pahayag.
44:04Patuloy naman ang imbesigasyon ng pulisya.
44:13Mga mare, reunited ang ilang ex-PBB housemates sa outside world.
44:19Sa Instagram posts ni Mom Clarice de Guzman, kasama niya ang ilang ex-housemates.
44:24Kabilang dyan ang latest evictees na sina Dustin Yu at Bianca Devera.
44:29Bago niyan, may IG story rin ang isa pang ex-PBB housemate na si Josh Ford habang nasa isang restaurant kasama ang iba pang housemates.
44:38Say niya, hindi na munggo ang kanilang ulam.
44:43And speaking of PBB, sumabak ang Big Four duo sa unang bahagi ng One Million Votes Challenge.
44:50Nanguna riyan ang Breka o ang duo ni na Brent Manalo at Mika Salamangka.
44:55May natanggap silang 200,000 votes.
44:57Mga kapuso, tuloy pa rin ang unlimited voting para sa gusto niyong maging big winners sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
45:05Abangan mamaya ang second part ng One Million Votes Challenge, 9.35pm sa GMA Prime.
45:12Bukas naman, Sabado, mangyayari na ang Big Night.
45:169.15pm yan sa GMA.
45:18Update po tayo sa pagpunta ng mga kaanak ng ilang nawawalang sabongero sa DOJ sa ulat on the spot ni Chino Gaston.
45:27Chino?
45:32Rafi, nakikipag-usap ang ilang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero dito sa mga kawani ng kagawaran ng Department of Justice.
45:42At maya-maya lamang ay nasang haharap nga sa mga tauhan ng media.
45:46Hindi na raw ikinagulat ng mga kaanak ng mga nawawalang sabongero ang mga binitawang salita ni Julie Patidongan
45:53na nagdidiin sa negosyanteng si Atong Ang pati ang dating aktres o ang showbiz personality na si Gretchen Barreto.
46:01Ano man ang resulta ng kaso, ang importante raw ay makamit ang hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay.
46:06Ikinatuwa raw nila ang mga naging rebalasyon ni Patidongan dahil matagal na rin silang naniniwala na may kinalaman si Ang
46:15sa misteryosong pagkawalan ng 34 mga sabongero.
46:19Nagtungo sila sa Department of Justice para daw pasalamatan si Sekretary Crispin Rimulia,
46:24pati na ang mga opisyal na tumulong at walang pagod na tumutok sa kaso.
46:29Sa ngayon ay kakalabas lamang ng mga ni Sekretary Crispin Rimulia at nagbibigay ngayon ng pahayag
46:38dito sa mga personalidad ng media na nagbabantay dito sa labas ng Department of Justice.
46:45At yan ang latest mula rito sa Lunsod na Maynila. Balik sa inyo, Rafi.
46:49Maraming salamat, Chino Gaston.
46:53Ito po ang balitang hali. Bahagi kami ng mas malaking misyon, Rafi Tima po.
46:56Kasama nyo rin po ako, Aubrey Carampel.
46:58Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan,
47:01mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
Recommended
10:07